Chapter 11

19.3K 326 3
                                    


MAHIGPIT niyang iniyakap ang mga braso sa leeg ni Rigo and tip-toed to kiss him. She pressed her body closer into his na tila ang kahuli-hulihang bahagi ng jigsaw puzzle ay umakma.

Si Rigo ang kumawala makalipas ang ilang segundo.

"Whew, sweetheart!" he said in a thick voice. Hinawakan nito ang dalawang braso niya at ibinaba. "That was enough," and gave her a controlled smile at sinikap na sugpuin ang apoy na nasa katawan.

Hindi niya magagawa kay Lacey iyon. The women he had sex with ay mga game at bale-wala sa mga ito ang casual sex. But not his Lacey.

He had never felt this way before na ang isang babae ay protektahan niya mula sa kanyang sarili. Pero hindi naman niya nararamdaman sa mga babaeng iyon ang nararamdaman niya para sa dalagita.

She was fifteen nang una niya itong mapagtuunan ng pansin sa gate habang naghihintay ng sundo. And since then, hindi na naalis sa isip niya ang mukha nito.

Gumagawa siya ng paraan para lagi itong nakikita. Making his presence known to her.

And now that she was his girl, he cannot afford to lose her by scaring her with his fiery passion.

Pero iniyakap ni Lacey ang mga braso sa baywang niya and pouted her lips. "Ikaw ang may utos na hagkan kita."

"Oh, yes, and you have certainly proved to be an apt pupil. Halika at mamulot tayo ng shell and stop teasing me by pouting your lips or you'll be sorry."

Subalit hindi pa man sila halos bumibitaw sa isa't isa ay parehong nabaling ang paningin sa kabilang bahagi ng baybayin.

May ugong ng jeep silang narinig na papalapit. Sa kanang dako ng baybayin at tiyak niyang sa private beach nila ito nanggaling. May kabang naramdaman sa dibdib si Lacey.

At hindi nagkabula ang kaba niya. Kabisado niya ang tunog ng wrangler ng ama.

"Rig... ang Daddy..."

Hindi sumagot ang binata. Nanatiling nakahawak sa palad ni Lacey. Malayo pa ang wrangler ay naaaninag na nito ang galit sa mukha ng matandang lalaki.

At hindi ito nag-iisa.

Kasabay ng pagbaba ni Augusto ay bumaba rin ang may-kalakihang lalaki.

"Hindi mo sinunod ang sinabi ko, Lacey," galit na bungad ni Augusto. Humakbang ito papalapit at hinatak ang anak na muntik nang matumba sa lakas.

"Daddy!"

"Ano ang ginawa mo sa anak ko, dela Serna?" hiyaw nito.

"Daddy, wala kaming ginagawang masama," katwiran ni Lacey na umiiyak na. Isang sampal ang ibinigay ng matanda dito.

"Huwag mo akong gawing bulag, Lacey!"

"Huwag ninyong sasaktan si La—" Hindi natapos ni Rigo ang sasabihin dahil isang suntok ang pinadapo ni Augusto sa mukha nito nang tangkaing lapitan ang kasintahan.

"Rigo!" hiyaw ni Lacey na akmang lalapitan ang kasintahan subalit hindi makawala sa pagkakahawak ng ama.

Nakatiim ang mga bagang na pinahid ng binata ng likod ng palad ang dugo na umagos mula sa ilong nito.

"Hindi ho ako lalaban sa inyo, Mr. Bernardino, pero huwag ninyong sasaktan si Lacey. Ako ang nagpilit na isama siya rito," pagtatanggol ng binata.

"Hayup ka, dela Serna! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa anak ko! Kung nakalusot ka sa mga kalokohan mo sa ibang babae ay hindi sa akin!" Nilingon nito ang kasama. "Magno..."

Nanlaki sa sindak ang mga mata ng dalagita. "D-Daddy... huwag..."

Unti-unting humakbang palapit si Magno. Totoong malaki ang katawan nito at mas may gulang subalit mas mataas si Rigo.

"Rigo, umalis ka na!" sigaw ni Lacey na nawalan na ng kulay ang mukha. Muling hinawakan ni Augusto ang braso niya bago siya tuluyang nawalan ng malay.

"Lacey!" akmang hahakbang si Rigo upang lapitan ang dalagitang pinangko ng ama nang undayan siya ng suntok ni Magno at gahibla na ang ginawa niyang pag-iwas. Sa hangin tumama ang kamao nito.

Si Augusto ay binuhat ang anak at dinala sa wrangler. Isa pauling suntok ang pinakawalan ni Magno na muling naiwasan ni Rigo. Malaki ang lalaki pero gago. Inisip na bata siya'y kayang-kaya.

Palibhasa'y taga-Maynila si Ramon, ang Papa niya, ay walang nakakaalam na ito ay isang blackbelter at dating instructor sa isang judo-karate school sa Maynila nang mapangasawa ni Amelia.

Sa loob ng limang taon ay sa Maynila sila nanirahang mag-anak hanggang sa mamatay ang mga magulang ni Amelia at umuwi ang buong pamilya sa San Ignacio.

Iniwan ni Ramon ang trabaho at nagtayo ng pagawaan ng mga sasakyan dahil isa rin naman itong mekaniko. At lahat ng nalalaman nito ay matiyagang naituro sa anak na lalaki mula pagkabata hanggang sa mamatay ito.

Maliban sa sariling pamilya ay si Arnel lang ang nakakaalam ng kakayahan ni Rigo sa martial arts dahil sandali rin itong naturuan ng ama. At minsan man ay hindi niya ginamit ang kaalaman niyang iyon sa pakikipag-away sa mga kaklaseng nakakabangga niya.

Alam niyang walang ikakaya ang mga ito.

At ngayon nga ay muli na namang susugod si Magno. Sa pagkakataong ito ay galit na galit dahil hindi makatama.

Nagpakatatag si Rigo at isang di-kalakasang flying kick ang isinalubong niya sa lalaki. Bumagsak itong patihaya sa buhangin sapo ang mukhang dumugo.

"Inutil ka, Magno, bata lang iyan!" hiyaw ni Augusto.

Sapo ang duguang mukha na hindi agad nakakilos ang lalaki mula sa kinabagsakang buhangin.

"Hindi ko gustong saktan ang tauhan ninyo, Mr. Bernardino, dahil alam kong binabayaran n'yo lang iyan. Awatin ninyo dahil tinitiyak kong hindi niya ako kayang patumbahin kahit tatluhin pa ninyo ang isang iyan!'' Sa pagkakataong iyon ay may galit na sa tinig ng binata. Ang isip ay nasa kasintahang walang malay.

"Hindi pa tayo tapos, dela Serna. Tayo na, Magno!"

Sweetheart 2: Lavender Lace COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon