Chapter 17

20.3K 332 1
                                    


"BAKIT pinahintulutan mo ang sarili mong maapektuhan ng permissiveness ng western country? Alam mo ba na bukas-makalawa ay pag-uusapan na kayo sa bayang ito?" may galit sa tono ni Rigo na bahagya siyang nilingon.

Naningkit ang mga mata ni Lacey. How dare this man insinuates na lovers sila ni Steve!

Ni hindi siya papansinin nito kahit na maghubad pa siya sa harap ng lalaki. Steve would probably shriek to death.

But she'd die kaysa sabihin dito ang katotohanan sa kanila ni Steve. At lalong wala siyang pakialam sa mga tsismoso at tsismosa.

"Wala akong pakialam sa sinasabi ng mga tao, Rigo," pormal niyang sagot sa malamig na tinig. "They can go to hell and walk back here for all I care!"

Narinig niya ang paghugot nito ng paghinga. "Naranasan kong pag-usapan sa bayang ito sa loob ng ilang taon, Lacey. I should know kung paano naapektuhan ng mga tao ang buhay ng isa..."

Maliwanag sa loob ng pickup ng binata pero nakita niya ang pagdidilim ng mukha nito at ang paggalaw ng muscles sa mukha tanda ng pinipigil na galit.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Sa pagkakataong iyon ay nilingon siya ng binata. "I'm surprised you even ask."

Nagsalubong ang mga kilay niya. Ano ba ang ibig nitong sabihin?

"Hindi kita naiintindihan..."

"Anyway, matagal na iyon. Six years..." Regret, bitterness, sama-samang nahimigan ng dalaga iyon. "Gusto kong malaman kung bakit hanggang ngayon ay suot mo pa rin ang singsing ko."

Biglang napahawak ang dalaga sa bag niya. Kung hindi niya inaasahan ang unang sinabi ni Rigo tungkol sa kanila ni Steve ay lalo ang tungkol sa singsing.

"I never expected na nasa pag-iingat mo pa iyan," may bahid ng panunuya ang tinig nito. "It isn't worth much..."

Naningkit ang mga mata niya sa huling sinabi nito. "Hindi ko ito itinago dahil sa halaga!"

"Ano ang dahilan kung ganoon?"

Because I still love you. Rig. "I... H-hindi..." nauutal siya sa pagsagot. "It's been in my finger for... I mean, nandito lang siya... I didn't take notice, really. Parang... ordinaryong bagay na lang." She wished she sounded effective.

Muling dumilim ang mukha ni Rigo sa sinabi niya. "Alam ba ni Steve na sa akin ang singsing na iyan?"

"He... never bothered to ask..." na siya namang totoo. Ano ba ang pakialam ni Steve sa singsing niya?

Isang mahabang katahimikan ang pinalipas ni Rigo bago muling nagsalita.

"I want it back, Lacey," simpleng wika nito sa nag-uutos na tono.

May patalim na humiwa sa puso ni Lacey sa sinabing iyon ni Rigo. May divorce ba sa paningin ng Diyos? She thought they were married years ago and the Lord was their witness... and the sun... the sea and the trees.

How foolish of her para kumapit sa kahibangan ng kamusmusan.

May nagbabantang luhang gustong pumatak sa mga mata niya. Nilingon niya ang labas ng kotse. Tinanaw ang kadiliman sa dinadaanan and fought back the tears.

Mula nang tumuntong siyang muli sa San Ignacio ay nagiging iyakin siya. Kailangang matuto siyang kontrolin ang sariling damdamin.

"Sure," aniya, clearing her throat "Give mine back, too."

Muling huminga nang malalim si Rigo. Tumuwid. "Naiwala ko na."'

Again, the heartache. Higit na masakit.

Ang singsing nito'y iningatan niya sa nakalipas na mga taon tulad ng pag-iingat niya sa sarili.

"Kung ganoon, mananatili sa akin ito," aniya at pinagsalikop nang mahigpit ang mga palad na para bang aagawin ni Rigo mula sa mga kamay niya ang singsing. Na para bang kapag binawi ito ng binata ay binawian na rin siyang buhay.

Matiim siyang sinulyapan ni Rigo sa ginawa niya pero hindi nagsalita.

Nakahinga siya nang maluwag nang pumarada ang sasakyan sa harap ng gate ng mansion.

"S-salamat."

Tumango si Rigo. "Ipahihila ko bukas ang sasakyan ng boyfriend mo para dalhin sa talyer."

Muli ang pagbibigay-diin nito sa salitang boyfriend na may kasamang panunuya.

At muli ay hindi rin niya pinansin iyon.

Sweetheart 2: Lavender Lace COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon