Chapter 13

22.3K 394 10
                                    


FEELING nostalgic, honey?" tanong ni Steve kay Lacey na nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.

Marahang tumango ang dalaga. Malaki ang ipinagbago ng San Ignacio sa loob ng anim na taong pagkawala niya. Ang dating rough road sa pagitan ng lubak-lubak na aspalto ay sementado ng lahat. Ang maliliit na tindahan sa tabi ng kalye ay mga naglalakihang bahay at establisimyento na.

Isang kalyeng kilalang-kilala niya ang nalingunan ng dalaga. "Slow down, Steve!" wika niya sa binata na binagalan naman ang takbo ng sasakyan. Halos mabali ang leeg niya sa paglingon.

"Saw somebody you knew?"

Umiling siya at nanlulumong inalis ang mga mata sa nilingon. Sa kantong iyon dating nakatayo ang dela Serna Motorworks subalit ngayon ay mga nakahilerang commercial stalls na ang naroon.

Ano ang nangyari sa talyer? Nasaan na ngayon si Rigo? Ang pamilya nito? Wala sa loob na sinulyapan niya ang kaliwang kamay.

Sa ring finger niya ay naroon pa rin ang singsing ng binata. Sa nakalipas na panahon ay kumasya rin. Noon ay maluwag ito sa panggitnang daliri niya at nilalagyan lamang niya ng ilang ikot na scotch tape para hindi humulagpos.

May sakit na gumuhit sa dibdib ng dalaga. Pumikit siya at inihilig ang ulo sa sandalan. Bakit hanggang sa nakalipas na anim na taon ay hindi niya ito nalimot? Bakit hindi niya nagawang ibaling sa iba ang pag-ibig niya? Ang akala ba niya, sabi nila ay lilipas din ang damdaming iyon bilang bahagi ng kabataan. Bakit lahat ng lalaking makatagpo ay sinusukat niya sa standard ni Rigo? At bakit walang makaabot kahit sa kalahati?

Was it asking too much?

"Do you think it is wise to come here?" muling tanong ni Steve na may simpatya sa tinig.

Nagmulat siya ng mga mata at pilit na ngumiti. "Ano ang magagawa natin sa freak coincidence na ang textile company kung saan tayo maa-assign ay dito pala ang pabrika sa San Ignacio? At ang pinaka-ironic sa lahat, sa mismong lupa namin. Ang bahaging iyon ay naibenta ng Daddy noon."

Nakilala niya sa ibang bansa si Steve at pareho silang nag-aaral ng cloth designing. Naging magkaibigan. Nauna nga lamang bumalik si Steve ng Pilipinas.

Nang dumating siya two weeks ago ay si Steve ang una niyang kinontak. Umalis ito sa dating pinapasukaag textile company dahil kasalukuyang nagwewelga. Ito mismo ang nagsabi sa kanya kung saan sila mag-a-apply ng trabaho.

Maganda ang kanilang credentials kaya agad silang natanggap.

"Oh, well, kahit saan ako ma-assign ay okay lang sa akin, darling. Alam mo naman ako, rolling stone at basta ba maligaya at masaya ako sa trabaho ko. Iyon naman ang importante, 'di ba?" Tinanguan niya ito. "At pabor sa akin na may bahay ka rito."

Huminga siya nang malalim. Halos ang buong lupain nila ay naipagbili ng Daddy niya sa iba't ibang tao nang ito'y magkasakit.

Sa Maynila niya ginugol ang unang taon niya sa kolehiyo kasama si Augusto na umuuwi lang ng San Ignacio kung aasikasuhin ang pagbababa ng mga prutas at niyog.

Pagkatapos ng unang taon sa kolehiyo ay siya mismo ang nagsabi sa Daddy niya na sasama siya sa Auntie Fe niya na mag-migrate sa ibang bansa at doon na magpatuloy ng pag-aaral.

Hustong tatlong taon na siya roon nang sumunod si Augusto. May sakit na ito at nagpapagamot. Pinahaba lang ng medisina ang buhay ng ilang taon at namatay din. Prostate cancer.

At sooner or later ay uuwi din siya ng San Ignacio dahil naroon pa ang mansion na nasa pag-aari pa niya ngayon at ang lupang nakapalibot dito na humigit-kumulang sa isang libong metro kuwadrado. Ito man ay nakasanla na rin.

Sweetheart 2: Lavender Lace COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon