Chapter 22

46.5K 725 83
                                    


"HINDI mo ba alam na mapanganib ang nag-iisa ka dito sa dilim ng beach?" pagalit nitong sinabi. Isinandal ang motor sa puno ng niyog.

Ano pa ba ang maaari niyang maramdaman gayong manhid na ang kanyang katawan at damdamin?

"Bakit ka naririto?" kalmante niyang tanong.

"Hindi ba ako ang dapat na magtanong niyan? Ano ang ginagawa mo dito sa dilim? Galing ako sa itaas at walang tao pero bukas ang pinto ng mansion. Totoong probinsiya ito, Lacey, pero hindi ito ligtas sa masasamang loob. At ang susunod na kapitbahay ay kalahating kilometro ang layo!" naroon pa rin ang iritasyon sa tinig nito.

"Buhay at buo pa ako, Rig, at walang magnanakaw sa bahay so there's no need to fuss. Gusto ko nang magpahinga, please..." she said in a weary tone. Marahan siyang humakbang pabalik sa mansion pero nahawakan siya ng binata sa braso at hinila pabalik. Nakulong siya sa mga bisig nito.

"Sa akin mo sabihin ang sinabi mo sa Mama na hindi na matutuloy ang pagpapakasal mo sa akin," may warning sa tinig nito. "At bakit ka umiiyak sa phone? At marahil dito sa dagat?"

Hindi niya binalak na magkaharap pa sila ng binata. Ang tanging gusto niya'y umalis na lang siya kinabukasan. Tama na ang humingi siya ng tawad kay Amelia.

"You don't really want to marry me, do you?" bulong niya. And she wanted to hate him pero hindi niya makapa sa dibdib niya iyon. Ginawan ito ng pinsalang ama niya. Ang pamilya nito. At gusto niyang manginig sa naging dulot ng akusasyon sa pagkatao ni Rigo.

"Saan mo kinuha ang assumption na iyan? Sinabi ko sa iyong pakakasal tayo at pakakasal tayo!" His voice in dangerous pitch.

"Please, Rig, sinabi sa akin ni Yda kanina ang buong katotohanan..."

Muling tumigas ang tinig ni Rigo. "Katotohanang ano?"

"Na kung hindi dahil sa muli kong pagbabalik ay magpapakasal kayo. Na kaya mo ako inalok ng kasal ay dahil sa pagnanais mong makapaghiganti..."

"At ano pa?" His handsome face frozen with anger. Nakikita niya iyon mula sa liwanag ng headlight ng motorbike. Hindi siya natatakot kailanman kay Rigo, but she is now.

Pilit siyang kumakawala mula sa mga bisig nito pero hindi lumuluwag ang pagkakayakap ni Rigo sa kanya.

"Ano pa?" ulit nito sa parang kulog na tinig.

"Huwag mong isakripisyo ang kaligayahan ninyo ni Yda at ng bata, Rig, dahil lang sa pagnanais mong makapaghiganti sa akin. Wala akong alam sa ginawa ng Daddy," she choked a sob.

"Damn it! Wala akong relasyon kay Yda at hindi ko kailanman binalak na patulan siya. Noon or until doomsday!"

Sa liwanag na nanggagaling sa headlight ay inaaninag ng dalaga ang katotohanan sa mukha nito.

"H-hindi ko alam kung ano na ang paniniwalaan ko..." naguguluhang tumingala siya rito. Her eyes filled with unshed tears.

Lumambot ang anyo ng binata. Cupped her head and caressed her nape with his fingers. "I haven't changed, Lace. Noon at ngayon. You have trusted me then... believed in me then. Maniwala ka sa akin ngayon. At kalimutan mo si Yda. She's nothing but a scheming neurotic bitch!" wika nito na ang galit sa huling sinabi ay ganoon na lang. "Ang pag-usapan nati'y ang tungkol sa ating dalawa. Linawin natin ang mga bagay tungkol sa ating dalawa. Dapat ay iyon na ang ginawa ko una pa man," may regret sa tinig nito.

Agad, nakadama siya ng relief. Parang nabunot ang patalim na nakabaon sa dibdib niya. Tulad din noon, isang salita lang ng reassurance mula dito ay pinaniniwalaan niya.

Sweetheart 2: Lavender Lace COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon