Chapter 5

23.2K 432 14
                                    


PAGKA-DISMISS ng klase ay mabilis na tumayo si Lacey upang bumaba nang tawagin siya ni Yda.

"Pipigilin mo ba ako?" tanong niya.

Pilit na ngumiti si Yda. "Magpapapigil ka ba?"

"No way." Bahagyang tumaas ang mukha niya sa determinasyon.

"All right, then, natitiyak kong maraming maiinggit sa iyo. You two are a good pair. Just be wise."

"'Thanks," sagot niya sabay takbo patungo sa hagdan.

Who wants to be wise when you will be meeting your prince charming? I don't think Guinevere had been wise enough when he met with Lancelot.

Hustong paglabas niya ng building ay dumarating si Rigo. Inikot nito sa malapit sa kanya ang motorbike.

"Sakay na," utos nito.

Walang alinlangan siyang sumakay sa likod. Hindi pa siya gaanong nakakapuwesto ay pinatakbo na ng binata ang bike. Napakapit siya nang mahigpit sa baywang nito.

Hindi iilang mga mata ang nakasunod sa kanila paglabas nila ng gate ng campus. Pero walang nakikita si Lacey. Ang buong pag-iisip niya ay nasa lalaking niyayakap ng isang braso niya.

Nalalanghap niya mula sa jacket nito ang natural na malinis na amoy ng binata. At kung ano-ano ang ginagawa nito sa mga senses niya.

Makalipas ang sampung minuto ay nasa tabing-dagat na uli sila. Tulad kahapon ay ipinarada ni Rigo ang bike sa tabi ng puno ng niyog. Tulad din kahapon ay bumaba si Lacey at sumandal sa puno ng niyog. Sa pagkakataong iyon ay hindi nakatirintas ang buhok niya at malayang inililipad ng mabining hangin.

Sa pagitan ng siwang ng mga dahon ng niyog ay tumatama sa mukha ng dalagita ang sinag ng panghapong araw. Nakabakas sa magandang mga mata ni Lacey ang kawalang-malay. Ang mga labi ng dalagitang tila hinahagkan ng hamog ay halos magpahinto sa paghinga ni Rigo.

Ilang sandali ring nakatitig lang ang binata dito habang si Lacey ay hindi malaman kung saan ibabaling ang paningin. Licking her dry lips unconsciously, innocently.

"Sana'y hindi mo ako... tinititigan nang ganyan," mahinang wika niya. "Naiilang ako."

"Hanggang sa pagsakay mo ay hindi ako nakatitiyak na sasama ka sa akin," wika ni Rigo in a ragged voice. Sa buong buhay niya, sa ilang mga babaeng naka-date na niya, hindi siya kailanman nawawalan ng sasabihin o mananatiling nakaupo sa bike at nakatitig lang. At hindi niya kailanman pinagdududahan kung sasama ang isang babaeng inimbita niya.

Nagyuko ng ulo si Lacey. Itinuon ang mga mata sa mga damo sa buhangin. Hindi siya nag-angat ng mukha nang magsalita. "Hindi ba at... sinabi ko sa iyong sasama ako?"

"Iniisip kong baka magbago ka ng pasya at matakot sumama."

Saka pa lang nagtaas ng mukha ang dalagita at sinalubong ang tingin nito. "Bakit ako matatakot sa iyo?" malumanay na tanong niya.

"Hindi mo ba alam ang mga sinasabi nila sa akin?" Bumaba sa motorsiklo si Rigo at lumapit sa kanya. Itinukod sa puno ng niyog ang kaliwang kamay sa may ibabaw ng ulo niya. Ang isang kamay ay nasa bulsa ng maong.

"Dapat ko bang katakutan iyon? At dapat bang hindi ako sumama sa iyo dito?" Tinitigan niya ang binata. Her eyes filled with a shy and trusting innocence na gustong magpawala sa pagpipigil ni Rigo sa sarili.

Those innocent eyes are driving him wild!

"Siguro..." he answered huskily. He has never been this close with a woman before at nagagawang magpigil sa sarili. At hindi rin siya ang uring nakikipagkuwentuhan nang ganito. The girls he went with did not prefer talking.

Sweetheart 2: Lavender Lace COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon