Larra's POVAfter an hour ay andito nako sa bahay. Sad for me naabutan ako ng traffic, dumaan pa kasi ako sa Mall namin para kumuha ng magandang damit na susuotin ko bukas. I forgot, hindi nga pala dapat ako pabalik balik ng damit na susuutin lalo na pag a-attend ako ng big events. So yun!
Anyway, kailangan ko pa pala itext ang dalawa kong kasama bukas about the time. Bakit ba kasi ako pa ang inutusan ni Mr Tan! Meron naman kaming group sa facebook, bakit hindi sya dun mag post? Kakainis. Binigyan pa nya talaga ako ng cellphone number ni Shrek at nung sino nga ba yun? Andre Tristan? I usually don't text people who aren't in my contact list. Shocks!
Pero may magagawa ba ako? Wala diba? Itetext ko na nga lang!
To: 092082889**, 094752876**
Good Evening. This is Larra Kurkova, I was tasked to remind you about tomorrow's event that will be held in the Monte Hotel located just in the city, 9 AM. We are expected to be early!
Okay, easy! Done! Now, gusto ko mag shower and magpahinga ng maaga. Wala sina Mommy so It's just me in the house with all our yaya's and driver.
Meron daw kasi silang business proposal meeting na pupuntahan.
**************
Andre Trsitan's POV
Bukas na ang event! Buti narin at isa ako sa napiling umattend. Ibig sabihin nun, isa ako sa top 3 na nakakuha ng mataas na grades sa class ni Mr Tan and swerte ako dahil makakasama ko pa si Larra! Sana naman bukas pansinin na niya ako.
Minsan kasi talagang snob sya. Hindi namamansin, isa nga lang ang kaibigan niya sa school, yung mayaman din ang pamilya, si Mandy. Kahit siguro ganyan si Larra, gusto ko parin sya. Hindi dahil mayaman sya, kundi dahil hindi sya yung tipo ng babae na mahilig sa lalaki. She is a goal oriented person, siguro dahil gusto niyang maging katulad ng parents niya. Kaya wapakels ako kung may kaartehan sya. I really want to be her friend, pero para namang imposible!
Pauwi na ako ngayon sa bahay sakay ang aking sasakyan na medyo may kalumaan na, eto lang kasi ang afford namin. Galing ako sa department store dahil pinag grocery pa ako ni Mama dahil baka late din daw sya makauwi ngayon. Marami daw kasing papeles na dapat tapusin. My mother is a lawyer, single mother sya kaya mag isa niya akong pinalaki. Sobrang love ko talaga ang Mama ko! Wala akong ibang kapatid kaya kahit na dalawa lang kami ni Mama ay masaya parin kami.
Nawala ako sa pag iisip ko ng biglang nag vibrate ang cellphone ko.
Mamaya ko na nga babasahin, baka ma aksidente pa'ko nito. Hindi naman siguro yan emergency dahil kapag emergency, edi sana tawag ang natanggap ko at hindi text.
After 10 minutes ay nakarating narin ako sa bahay. Nakakapagod magbukas ng gate tapos isasara ko na naman pagkatapos ipark ang kotse. Nilagay ko na sa mesa ang mga nabili ko at ngayon ay gusto munang magpahinga. Pumunta ako sala at binuksan ang tv.
Oo nga pala, yung cellphone ko! Wait babasahin ko yung message.
From: 0923147266**
Good Evening. This is Larra Kurkova, I was tasked to remind you about tomorrow's event that will be held in the Monte Hotel located just in the city, 9 AM. We are expected to be early!
WHAT? NABABAKLA NA AKO DITO!
Alam niyo yung pakiramdam na gustong gusto kong tumalon sa kilig? Nuon ko pa kasi talaga gustong makuha ang number ni Larra. Eh pano, di ko magawa kasi nga nahihiya ako at sa tingin ko rin ay hindi nya naman ako papansinin. Kanina iniisip ko sya na sana pansinin na niya ako bukas, yung kahit simpleng HI lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/135807268-288-k803997.jpg)
BINABASA MO ANG
From Rich to Ditch
RomanceThe "girl" they know! The "girl" they always notice! Gorgeous! Rich and Famous! Pero paano kung si "girl" ay maging isang complete NOTHING? By just a snap, everything na meron sya will vanish. Makakayanan ba nyang mabuhay ng wala ang kanyang mga ka...