Chapter 18

225 12 0
                                    

Althea POV

Grabe kagabi ang saya, hinatid na kami ni Khate non at ng pumasok ako sa loob ng kwarto ko humiga ako naka pahinga naman ako pero konti lang dahil may biglang narinig akong parang may magnanakaw sa sala.

Kinuha ko ang lahat na ginagamit sa softball dahil mahilig ako sa larong iyon.

Lumabas na ako at bumaba ng hagdan may narinig ako umingay uli at pagtingin ko sa sala nabigla ako dahil may nanonood pala si Blaze.

"Hoy gabing gabi na bat nandito ka Blaze ha?" tanong ko.

Ngumiti lang siya at "dito lang muna ako" sambit niya. "Halika nga muna" sambit niya at lumapit naman ako sa kanya at tinabihan sya.

"Blaze umuwi kana, matutulog na ako"

Buti wala dito sila kuya, Si kuya Jhon pumunta ng London tatlong araw lang naman siya doon si kuya Justin naman hindi pa umuuwi nandon pa sa kaibigan nya.

"Ayoko pa umuwi babantayan kita!" "sige matulog kana" utos niya.

"Ayoko nga pagtanggi ko," "Basta hindi ako aalis" sambit niya.

"Bahala ka na nga!" sambit ko.

"Sige manunuod nalang tayo?" sambit ko.

"Sige masaya to!" Sambit niya.

Nanood nalang kami at habang nanonood, hindi ko napansin na tulog na ang katabi ko kaya't pinatay ko na ang TV.

Pilit binubuhat tong boyfriend ko.

"Ano ba to ang bigat mo blaze?" bulong ko.

Pero nahiga ko naman sa sa sofa.
Aalis na sana ako ng sa hindi inaasahang pangyayari.

Hinila sya ako kaya na out of balance ako at napapatong sa kanyang dibdib.

Umiwas ako sa kanya dahil ang lapit lapit ng mukha namin.

Hahahhaa tawa neto

"Ano? gising ka? ibig mo bang sabihin sadya mo lang na hilahin ako ha?" Inis na sabi kanya.

"Oo" sambit nito.

"Aishh nakakainis ka talaga! uwi kana nga?" sambit ko.

"Sige na ngalang" sambit neto.

Bago paman sya makalabas ng pinto.

Kiss muna sa pisngi tapos tinuro ang pisngi neto.

"Wag na, umalis kana" pagtataboy ko sa kanya.

"Basta hindi ako aalis ng walang kiss!" bahala ka sambit nito.

Sige na nga.

Lumapit ako sa kanya at hahalikan ko na sya ng biglang ibago niya ang posisyon ng kanyang ulo kaya sa lips ko sya nahalikan.

Pinalo ko naman sya pero niyakap nya lang ako

"Mahal na mahal na mahal kita Althea!" sambit neto..

"Mahal na mahal na mahal din kita Blaze" sambit ko sa kanya.

Bigla nalang naman nya akong niyakap. Niyakap ko naman siya pabalik.

Umuwi na siya at ako naman pumunta sa kusina, sa ref at kumuha ng gatas dahil hindi na naman ako makakatulog neto.

Pagkatapos kung uminom ng gatas pumunta na ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga ng kama.

Habang nakahiga ako tinitingnan ko lang ang puting kisame.

Iniisip ko muna si Blaze kong nakauwi naba sya at natutulog naba?

"Hayy nako bat koba siya masyadong iniisip? syempre mahal na mahal na mahal ko siya"

Hay makatulog na nga lang.

Natulog na ako.

Kringg

Nagising ako dahil na naman sa alarm clock ko.
Nagising naman ako medyo inaantok parin dahil ang tagal kong matulog kagabi.

Kasi naman tong si Blaze nakakainis din.

Magisa lang naman ako sa bahay ngayon nagluto na ako ng breakfast.

Pagkatapos kong kumain ng breakfast na ako nakaligo narin naman ako pagkatapos umalis na ako at nagsimula ng maglakad papuntang school.

Pumasok na ako ng room pag tingin ko nabigla ako dahil ang tahimik nilang lahat.

Umupo nalang ako sa upuan at ang weird grabe.
Nagtaka rin ako kung bakit ang tahimik rin ng babe ko.

Pumasok na si ma'am at nag simula ng mag discuss.

Pagkatapos non nagbigay ng assignment si ma'am sa amin.
At nag bell narin.

Pumunta sila sa canteen hindi nalang ako sumama at pumunta nalang sa library at nagbasa.

Rhoda POV

Nakakainis kanina sila Ann at ang mga alepores niya, pinipilit kasi niya na sya nalang mahalin ni Louis.

Flashback

"Louis ako nalang mahalin mo wag na yang pangit nayan?" turo nya kay Khyle.

"Alam mo naman na mahal ko siya diba?" sambit ni Louis.

Hindi na nakakibo si Khyle dahil sa pagkabigla.

"Please na Louis ako nalang?" pakiusap ni Ann.

"Sorry Ann pero may mahal na akong iba?" sambit ni Louis.

Nabigla naman kami ng nagsalita si Khyle.

"Ann maghanap kana lang ng lalaki na magmamahal sayo?" sabi ni khyle.

"Tumahimik ka hindi kita ang kinakausap ko?" sambit ni Ann.

"Tama na Ann!" sigaw ni Louis .

"Sige na magsiupo na kayo ng maayos" sambit ni Louis "at ikaw" turo nya kay Ann "umalis kana sa harapan ko baka kung ano pa magawa ko sayo?

Bumalik naman si Ann sa kanyang upuan at grabe nakakabingi ang katahimikan.

Dumating narin si Althea na nahuli kasi.

Hindi nya alam ang nangyari pag kapasok nya wala ni isa sa amin ang nagsalita pati narin ang boyfriend nya.

End of flashback.

Enjoy bibis

My Three Best Friends And Me And The Lover BoysWhere stories live. Discover now