Chapter 21

213 10 0
                                    

   Khyle POV.😍

Ung mga bandang hapon na tinawagan ko si Louis pero walang sumasagot, nakarami narin akong message sa kanya pero wala siyang reply. Nainis ako.

Umalis ako at pupunta ng bar, doon sa pinupuntahan nya palagi at nandon siya.

nang makarating ako don ay bigla nalang tumulo ang luha ko sa nakita ko.

  "L-lo-ius" Utal na sabi ko.
Napatingin naman ito sa akin.

   "Louis kailan mo pa ako niloloko ha?
Walang hiya ka" at sinampal ko siya.

  "Ngayon kung nasaktan ka mas doble sa akin"

   "Kaya ngayon dahil sa nakita ko!
Break na tayo!" sambit ko at umalis na.

Hinawakan pa niya ang kamay ko pero nag pumiglas ako at pumunta sa malayo sa kanila.

Pumunta nalang ako sa palagi kong tinatambayan at doon nalang ako umiyak ng umiyak dahil ang sakit sakit ang nararamdaman ko ngayon.

   Louis POV.😍

Uminom ako ng uminom dahil na iinis ako kay daddy na ililipat niya daw ako sa US.

  Ehhh ayoko dahil maiiwan dito Khyle.

Nabigla ako dahil bigla, bigla nalang sumusulpot siya.

Kinakausap nya ako pero umiinum lang ako ng uminom hanggang sa parang hindi ko na kinaya.

Nabigla ako halikan niya ako hindi ako nakaalis dahil sya naman ang may hawak sa akin at hindi ko na kayang gumalaw ng gumalaw pa.

May narinig akong nag banggit ng pangalan ko at pagtingin ko si Khyle.

Nabigla ako dahil umiiyak sya.
Pinuntahan ko siya. "Khyle!" sambit ko.

   "Kailan mo pa ako ni loloko Louis ha?
Walang hiya ka!" tapos sinampal niya ako.

Aalis na sana sya nang hawakan ko ang kamay niya pero nagpumiglas siya at umalis, hindi ko rin alam kong nasaan siya.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina at pinuntahan si Ann.

Hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya.

  "Aray nasasaktan ako" sambit nito.
Dapat ka lang masaktan dahil sinira mo kami.

Simula kasi ng makita kami ni Khyle.l, parang ang galaw ko ay hindi pang lasing.

Pilit na hinihigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya.

  "Aray" sambit nito.

Pinigilan kami ni Dino, kasama ko kasi siya at siya ang nakakaalam ng nangyari sa akin.

Umalis na ako at iniwan si bitch doon.

    Khyle POV.😍

Umuwi na ako at sinabihan ang bago naming guard na wag magpapasok na kahit sino nandito narin naman si kuya John at sinabi ko lahat sa kanya.

Sobrang galit ni kuya ng malaman niya iyon.
Sinabi niya sa guard na higpitan ang pagbabawal na makaistorbo sa akin.

Sobrang protective talaga ng kuya ko ang swerte ko sa kanila.

Pumunta na ako sa taas at dumeretso na sa kwarto ko.

Pilit hindi mawala sa isipan ko ang nangyari kanina.

Niloloko lang pala ako ni Louis akala ko mahal niya talaga ako.

Pinigilan kong umiyak dahil gusto kong maging matatag.

Humiga nalang ako sa kama at kinuha ko ang headset ko at ang phone ko.

Nagpatugtog ako ng masigla para naman mabawasan ang lungkot ko.

Nilagay ko na ang headset sa tenga ko at sumadal ako sa pader at nilalaro ang phone ko.

Pagkatapos non humiga na ako at matutulog na sana ng may marinig akong inggay sa labas.

Binuksan ko ang bintana at laking gulat ko ng makita si Louis na sinisigaw ang pangalan ko at nagmamakaawa na magpapaliwanag sya.

Nabigla nalang ako ng lumabas si kuya.

  "Kuya John pwede ko bang makausap ang kapatid mo?" pagmamakaawa nito.

   "Umalis kana dito tulog na ang kapatid ko at hindi ka na niya mahal na iintindihan mo ba yon?" inis na sabi ni kuya.

  "Hindi po? kailangan ko po siyang kausapin?"

Natulala ako ng lumapit sa kanya si kuya at sinuntok si Louis.

Napatakip nalang ako ng bibig.

  "Umalis kana kong ayaw mong masaktan?"

Tumayo na siya sa pagkakahiga dahil napaupo siya sa suntok ni kuya.

  "Sige po? aalis ako pero hindi ako titigil hanggat hindi niya ako pinapatawad.

Umalis na siya at bumalik ako sa kama ko.

Umiyak nalang ako ng umiyak at niyakap ang ang unan ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

   Dino POV.😍

Pumunta ako sa bahay nila Khyle para ipaliwanag ang lahat ngunit ang higpit higpit ng kanilang guard, alam narin ng mga kaibigan niya pati narin ni Blaze at Renz ang nanyari.

Wala akong nagawa kundi umalis nalang dahil kahit anong pilit ang gawin ko hindi talaga sila papayag.

Sinabi ko narin ang mga kaibigan niya na wag ng pumunta sa bahay nila kasi hindi lang naman din sila papapasukin.

Pumayag naman sila.

😋

My Three Best Friends And Me And The Lover BoysWhere stories live. Discover now