Chapter 37

165 10 0
                                    

  Andrew POV.😍

Nagsiuwian na kami dahil sa wala ng klase kasi may important meeting ang mga teacher.

Nang nagpaalam na kami na uuwi at umalis na ako na kunwari ay uuwi na ako,

pero ang totoo sudundan ko si Kathy para kausapin siya tungkol sa nararamdaman ko sa kanya.

Sinusundan ko sa ng patago dahil natatakot ako sa magiging reaction niya pag sinabi ko iyon sa kanya.

Nabigla nalang ako ng may lumapit sa kanya, tinitigan ko ang lalaki, at alam kong hindi talaga pamilyar sa akin ang lalaking iyon at kinausap pa ni Kathy na naka smile pa.

Pupunta na sana ako sa kanila na baka may gawing masama ang lalaking iyon sa pinaka mamahal kong babae.

Pero natigilan ako ng yakapin nitong lalaki si Kathy at hindi man lang pumalag siya.

Sa sobrang inis ko sinipa ko ang batong nasa gilid ng paanan ko.

Inisip ko nalang na baka boyfriend niya yon kaya hindi ko nalang tinuloy ang sasabihin ko at umalis na ako.

Dumeretso nalang ako sa bar at uminom ng uminom, ang sakit kasi may boyfriend na pala siya.

Hindi ba niya nararamdaman ang pagmamahal ko sa kanya, nakakainis naman siya.

Hindi ba niya alam na sa pinapakita niya mas lalong mag seselos ako.

Hindi ko na masyadong maintindihan ang mga nanyayari dahil sa sobra kong kalasingan ko.

Lumabas na ako at nag lakad lakad nalang ako pauwi at bigla nalang akong tumumba at pumikit ang mata ko at may narinig nalang akong boses ng isang babae.
At tuluyan ng nakatulog na.

  Kathy POV.😍

Lumabas nalang ako at pumunta ng park,
Para lasapin ang sariwang hangin.

Palagi nalang na pag may titingnan ako sa isang lugar puro mag shota ang nakikita ko kaya napagpasyahan ko nalang na umuwi na.

Habang nag mamaneho ako may nakita akong lalaki na pamilyar sa akin at parang tutumba na.

Bigla nalang itong tumumba kaya pinara ko ang kotse ko at nilapitan iyon at nagulat ako ng makita kong sino iyon.

  "Andrew" tawag ko pero walang nagsalita.

May naamoy akong alak, kaya nalaman kong nag lasing ito.

Ang iniisip ko, bakit? bakit siya nag lasing ng ganito?

Inakbayan ko nalang siya papasok ng kotse at itinuloy nalang muna siya sa bahay namin.

Pagkauwi ko tinawag ko sina mommy at daddy at labas naman sila.

  "Oh Kathy bakit anong nangyari at bakit ganyan ang hitsura ni Andrew?" tanong ni mommy.

  "Ewan ko po dito bat nag pakalasing!" sagot ko.

  "Wag kang mag alala mommy dito lang muna po siya aalagaan ko nalang muna itong kaibigan ko!"

  "Oh sige, Louis tulungan mo munang dalhin ito sa taas," utos ni mommy kay daddy.

Pumunta naman si daddy at tinulungan ako at dumeretso kami sa kwarto ko at hiniga namin siya.

  "Ok na po daddy at mommy ako na po ang bahala dito!" sambit ko.

   "Sige anak matutulog na kami ha? ikaw na bahala diyan!" sambit ni mommy at umalis na.

Inayos ko nalang ang paghiga niya at kinuha ko na ang dinala ng katulong namin na ipupunas para kay Andrew.

kinuha ko na ang tela at binasa ng maligamgam na tubig at pinunas sa kanya.

Habang pinupunasan ko siya napatingin ako sa mukha niya hanggang sa napatitig ako sa napakaamo niyang mukha.

Hinawakan ko ang mukha niya, napatanggal nalang ako ng gumalaw siya.

Umalis nalang ako at umupo at ini yuko ko nalang ang ulo ko sa table at natulog nalang.

    Andrew POV.😍

Nabigla ako ng magising ako, dahil hindi naman akin ang kwartong ito.

Napatingin ako sa may table at nakita ko si Kathy na natutulog, inaalala ko kung bakit?

Tungkol iyon sa kanyang boyfriend kaya sa selos ko pumunta nalang ako sa bar at uminom ng uminom at ano bayan wala na akong maalala?

Umalis nalang ako hindi na ako nag paalam sa kanya, dahil basta ang alam ko hindi ako masaya at malungkot ang alam ko.

Hindi narin ako nag paalam kina tita at tito.

Tumuloy nalang ako sa bahay at nag ayos na para pumasok.

   "Andrew saan ka naman nanggaling?tanong ni mommy Althea.

   "Wala po" sagot ko.

   "Hay nakong bata ka talaga, halika na nga kumain kana dito!" yaya ni mommy.

Sumunod naman ako at nag breakfast na.

Pagkatapos kung kumain nagpaalam na ako kina mommy at daddy na papasok na, at hiniram ko narin ang car ni daddy.

At umalis na ako.

😋

My Three Best Friends And Me And The Lover BoysWhere stories live. Discover now