Chapter 32

218 11 0
                                    

   Khate POV.😍

Tatlong taon narin ang nakalipas bago maikasal kami ni Dino.

Kasal narin sina Khyle at Louis, pati narin sina Rhoda at Renz.

   "Mommy!" tawag sa akin ng anak kong si Sharah.

   "Mommy sabihin mo po sina tita Khyle, tita Rhoda at si tita Althea na mag swimming tayo?"

  "Para mag laro kami nila Kathy, Andrew at Kiro?" pilit nito.

Isa lang ang anak ko pati narin ang mga kaibigan ko.

Anak nina Khyle at louis ay si Kathy, Si Andrew naman ay kina Blaze at Althea at kina Rhoda at Renz naman ay si Kiro.

Pumayag naman ako sa gusto ng anak ko kasi gusto ko rin makasama ang mga kaibigan ko.

Sinabihan ko narin si Dino kung papayag siya at pumayag naman siya dahil kagaya ko gusto rin niyang maka bonding ulit ang mga kaibigan namin.

Tinawagan ko ang mga kaibigan ko na pumunta dito sa bahay mamayang gabi, at buti nalang pumayag sila.

Nag ayos ako at nag handa na ng lulutuin.

Nagpatulong din nalang ako sa katulong namin.

Nagsimula na kaming magluto.

Maya maya natapos narin kaming magluto at kararating lang din ng mga kaibigan ko.

Sinamahan na ni Dino sila papuntang pool.

Grabe naman itong mga anak namin, ang saya saya.

Pagpasok palang nina Kathy, Kiro,at Andrew sinalubong kaagad ito ng anak ko at siyaka niyaya itong pumunta sa pool at mag si swimming na daw sila.

Sumunod naman ang tatlo.

At nandon narin naman sila, pumunta narin ako at inutusan nalang ang katulong namin na sila nalang ang magdala ng mga pagkain.

Ng makarating ako doon, nakita kong nag kakasayahan ang mga kaibigan ko pati narin ang asawa ko.

Tumingin ako sa direction ng mga bata, nakita ko silang naglalaro at sobrang saya nila.

Nagulat ako ng nagsipag tabihan sila sa akin.

  "Ang saya saya ng mga bata noh!" sambit ni Khyle.

  "sana palaging ganito tayo palaging masaya kagaya ngayon masaya tayo lalong lalo nat kasama mo friends mo" sambit ni Althea.

  "Tama ka diyan bess!" sambit ni Rhoda.

Tinawag na namin ang mga bata kasi nandito na ang mga pagkain na hinanda namin kanina.

Lumapit naman ang mga bata at umupo na sa kanilang pwesto, hiwalay kasi sila sa amin kasi gusto nila sa pang batang mesa.

Nagsimula na kaming kumain at ang  gana nilang kumain habang nag ke kwentuhan.

Minsan pa nga natatawa ako sa kwento ni Renz ehh.

Kasi si Renz ang mahilig mag kwento at mahilig siya na pasayahin kami.

Tumingin naman ako sa mga bata na ang gana ring kumain at na patulala ako dahil ngayon lang sila kumain ng ang bilis.

At ng makatapos na itong kumain umupo nalang muna sila at nagtawanan at biglang tumakbo sila papuntang pool ulit at nagbasaan na naman.

Napabuga nalang ako ng hangin.

Nabigla ako ng may bumulong sa akin.

  "Baka matunaw ang mga bata sa katitig mo sige ka," at pag lingon ko nakita ko silang nag pipigil ng tawa.

   "Itawa nalang natin yan!" biglang sambit ko.
Kaya tumawa naman ang mga ito.

Hayyy nako parang mga baliw, o kayay naman baliw na talaga.

Pati narin ako dahil nahawa ako sa kanila ehh.

Nagulat kami ng hilahin kami ng mga anak namin.

  "Hali na po kayo,"

  "Swimming na po kayo!" sambit nila.

Hindi na kami umangal kasi hindi naman ito titigil eh.

Kaya lumangoy narin kami at kagaya ng mga bata nag basaan din kami kaya walang nakalagpas sa kabaliwan namin.

Pero sa totoo lang gusto ko palaging ganon kami pagkasama ko mga kaibigan ko.

Pagkatapos non umupo kaming walo at pinagmasdan ulit ang mga bata dahil napagod kami sa kalalaro sa mga anak namin.

Napapatawa kami sa ginagawa ng mga bata.

Matapos non nakaramdam narin siguro ng pagod kaya umahon na sila at lumapit sa amin at umupo din.

  "Thank you po mga Tita's at Tito's at pumayag po kayong pumunta dito, ang saya saya ko po ngayong araw na ito dahil naka sama at naka laro ko uli ng mga best friends ko?" sambit ng anak kong si Sharah.

   "Ok lang yun, baka gusto mo pang pag wala kaming trabaho pupunta kami dito?" sambit ni Althea.

  "Talaga po?" tanong ng apat na bata na ang laki ng ngiti.

  "Syempre naman, kayo pa eh, ang lakas lakas niyo kaya sa amin?"

  "Thank you po!" sambit ng mga bata.

At ngumiti lang kami sa kanila.

😋

My Three Best Friends And Me And The Lover BoysWhere stories live. Discover now