Chapter 39

159 7 0
                                    


    Kathy POV.😍

Nang tinawag ko si Andrew minulat naman niya ang kanyang mata.

Tumayo siya at aktong aalis na pero pinigilan ko siya.

  "Andrew naman ano bang nangyayari sayo bat ka nag kakaganyan?" tanong ko sa kanya.

   "Ano ba wala kana don," seryosong sambit niya at bumitaw na siya sa pag kakahawak ko at nag simula ng mag lakad.

Tinawag ko siya pero hindi siya lumingon.

Hindi ko na siya maintindihan kaya't tumakbo nalang ako at nang mahabol ko siya niyakap ko siya kahit naka talikod siya.

  "Please naman Andrew sabihin mo sa akin kung may nagawa akong mali sayo?" pakiusap ko.

Humarap siya sa akin.
   "Dahil Kathy hindi mo ba na raramdaman ang sinasabi ng puso ko? Manhid kana ba? kasi hindi na kita gusto eh! Dahil Kathy mahal na kita, Kathy mahal na mahal kita higit pa sa totoong kaibigan ang turing ko sayo!" paliwanag nito habang tumutulo ang luha nito.

Na stock ako sa kinatatayuan ko sa mga sinabi niya.

   "Sayang lang na may boyfriend kana pala!" malungkot sambit nito.

   "Ano?" bigla kong sabi.

   "Ano bo--boyfriend?" tanong ko.

   "Oo! diba nga nag yakapan pa nga kayo non eh?" sambit nito.

   "Yong time nayong nag pakalasing ako non dahil may boyfriend kana pala!"

"Nakita ko kasi na may sumabay na lalaki sayo at niyakap ka pa niya"

  "At noong nasa library ka tinawag ka niya at sinabi pang i miss you"

"Nainis ako non kaya hindi nalang muna pinansin kita dahil nag seselos ako pag nakikita kitang masaya kasama boyfriend mo, eh ako mag pa paka mukmuk lang sa bahay"

  "Kaya sorry kathy?"

Napangiti naman ako doon.

  "Ano kaba Andrew baliw kana ba sino ba ang nagsabi sayo na boyfriend ko siya, eh friend ko kaya siya?" sambit ko.

Bigla namang lumaki ng ngiti niya.

  "Ibig sabihin hindi mo siya boyfriend? at may pag asa pa pala ako! Yes!" sambit nito.

Pinalo ko siya "aray" sambit nito.

  "Yan pinahirapan mo pa akong kausapin ka dahil lang sa maling akala, nakakainis ka? Alam mo bang maraming namamatay sa maling akala?" Tanong ko.

  "Ok na sorry na, ako naman kasi ehh hindi kita kinausap!" sambit nito tapos biglang tumawa naman, baliw na talaga.

  "O pano ba yan, wala kana namang boyfriend, may pag asa pa ba ako?" tanong niya.

  "Wala!" bigla kong sambit

Nawala naman kaagad ang ngiti niya sa labi at hindi na nagsalita.

   "Ok mauna na ako?" sambit nito.

  "Ano iiwan mo ako dito mag isa, eh gabi na, ay kung may dumukot sa akin? naghahamong tanong ko.

   "Bahala ka diyan, uuwi na ako, inaantok narin ako?" Sambit nito at naglakad na.

Mahaba na ang distance namin.

"Oo na payag naman talaga ako Andrew" sigaw ko.

Narinig siguro niya kaya bigla itong tumigil sa paglalakad at humarap sa kinaroroonan ko.

  "Andrew payag naman ako, ang dali mong maloko?" sambit ko.

Lumabas naman ang ngiti niyang halos mapunit na at bigla naman itong tumakbo pabalik sa akin.

  "Kathy tama ba ang narinig ko?" tanong nito.

  "Parang wala naman akong sinabi?" pabiro ko.

  "Huh?" sambit nito na nakakunot na naman ang noo.

   "Obvious ba? ano bang narinig mo?" tanong ko naman.

   "Payag ka na," sagot nito.

   "Ay yon pala eh, ikaw kasi tatalikuran mo na naman ako, ang bilis mo rin magtampo!" sambit ko.

  "Pano ba yan, pumayag kana na ligawan kita," sambit nito.

  "So ano ngayon?" sambit ko na nakakunot ang noo.

Nagulat ako ng hilahin niya ako bigla at nag simula ng maglakad.

  "Ang saya saya ko ngayon!" nakangiting sambit nito.

  "So ano na naman ngayon?" pabalang na sagot ko.

Napanguso nalang ito.

  "Joke lang, alam mo may sasabihin ako ng idadagdag ng saya mo?" malambing na sambit ko.

  "Ano yon" at nag puppy eyes pa na parang bata.

   "Gusto mo ba talagang malaman?" tanong ko ulit.

  "Oo nga bilis na, please!" sambit nito

  "Ang totoo kasi niyan Drew matagal narin akong may pagtingin sayo, kaso nga lang natatakot akong sabihin iyon at baka iwasan mo na ako, eh ayokong mangyari iyon dahil ayokong mabawasan ang kaibigan ko, kaya nilihim ko nalang iyon, alam nga iyon ni Kiro at Sharah eh nagmakaawa lang ako sa kanila na wag sabihin iyon sa iyo?" paliwanag ko.

  "Talaga!" sambit nito.

  "Parehas pala tayo eh"

   "Sige na Drew uuwi na muna ako baka kasi hinahanap na ako ni mommy eh, paalam ko, "Umuwi kana rin"

   "Ayoko pa umuwi, kaya ihahatid nalang muna kita," sambit nito.

Tumango nalang ako at nag lakad lang kami pauwi.

Nag ke kwentuhan lang kami habang nag lalakad.

At nang makarating na kami sa bahay
Pumasok na ako at nag paalam narin siya na aalis na.

Dumeretso nalang ako sa taas at pabagsak na humiga.

Grabe hindi ko akalain na kaya siya nag kaganon dahil sa akin, hindi lang pala ako ang nakakaramdam ng ganito, pati narin pala siya.

Hindi ako makatulog dahil doon, lumipas nalang ng mahabang oras bago ako makatulog.

😋



My Three Best Friends And Me And The Lover BoysWhere stories live. Discover now