Chapter 38

153 8 0
                                    

   Kathy POV.😍

Paggising ko kaninang umaga wala na si Andrew sa bahay, hinanap ko nga siya eh pero wala siya.

Tinanong ko si mommy at daddy pero hindi rin siya nagpaalam sa kanina.

Ano bang nangyari sa kanya at hindi man lang niya ako ginising para mag paalam, ganon ganon lang yon, matapos ko siyang tulungan.

Hindi ko na iyon pinaka isip at nag lakad nalang ako papuntang school at buti nalang naka abot pa ako ng flag ceremony.

Habang nag fa- flag ceremony kami, ginagala ko ang mata ko at tiningnan ko si Andrew sa pwesto niya nakita kong parang wala siya sa mood.

Ng matapos ang flag ceremony sabay kaming tatlong magkaibigan na pumasok sa room.

Hinanap namin si Andrew kung nasaan pero hindi namin siya nakita.

Pero ng pagkapasok namin ng room nakita namin si Andrew na bc sa kanyang phone habang naka headphone pa ito.

Nagsi upuan na ang mga friends ko at pumunta muna ako kay Andrew.

    "Andrew ba't ganyan ka hindi mo kami pinapansin?" Tanong ko sa kanya.

Pero hindi man lang sumagot o lumingon man lang.

Sa sobrang inis ko umupo nalang ako dahil wala naman akong mapapala sa kaibigan kong iyon.

Tumingin ako sa dalawa kong kaibigan na napailing lang, kaya napa buga nalang ako ng hangin.

Nag bell na kaya pumunta nalang kami sa canteen, niyaya nga namin siya pero hindi naman niya ako pinansin buti pa tong dalawa kong best friend na pinapansin niya kahit papano.

Ang weird niya ha.

Dahil sa gusto ko siyang kausapin sinabihan ko muna ang dalawa kong friends na susundan ko muna si Andrew at pumayag naman sila.

Nakita ko siyang papasok ng library kaya pumunta narin ako.

Lalapit na sana ako ng may tumawag sa akin si Drake pala.

   "I miss you Kathy! miss kita ha!" sambit nito pero hindi ko muna siya pinansin.

Tumingin ulit ako sa kinaroroonan ni Andrew at nakita ko siyang nakatingin sa akin at bigla nalang siyang umiwas at umalis.

   "A--andrew!" tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

   "Kathy?" tawag sa akin ni Drake at lumingon naman ako, "sorry?" Sambit ko

   "hindi, ok lang iyon!" sambit nito.

Umupo nalang kami.

   "Ano mo yong lalaking iyon? tanong nito.

   "Best friend ko siya, ang totoo nga yan gusto ko siya ehh, pero ewan ko kung gusto niya rin ako?" sambit ko.

   "Ah ganon ba, malay mo gusto karin niya?" Sambit nito.

   "Ah ewan hindi ko maintindihan, basta ang importante ngayon ay ang makausap ko siya!"

   "Mamaya kaya mag usap kayo ng maayos, pilitin mo na magkausap kayo para naman mag ka ayos narin kayo!" sambit nito.

   "Sige, salamat!" sambit nito at nag paalam na sa kanya na aalis na.

Pumunta na ako sa dalawa kong kaibigan na nag kakatuwaan.

  "Aham?" parinig ko.

Tumingin naman sila sa akin.

   "Oh Kathy kamusta na nag kaayos naba kayo?" tanong ni kiro, pero umiling lang ako.

   "Wag kang mag alala mawawala rin yan kaagad dahil hindi naman ikaw matitiis ng kaibigan nating yon!" Nakangiting sambit ni Sharah.

  "Weird ha, nakatawa pa talaga?"

   "Bahala na nga kayo riyan, uuwi na ako, sige bye?" pagpapaalam ko at umalis na

Wala naman na kaming klase, mag aayos lang ng room kasi may pupuntang mga bisita sa school namin.

Habang nag lalakad ako papuntang bahay, iniisip ko kung bakit ganon nalang ang pakikitungo niya sa akin? kung may ginawa ba akong mali? ang weird talaga niya.

Ng makarating na ako sa bahay may isang lalaki akong nakita na sasakay na ng kotse at pamilyar sa akin iyon.

Hindi ko nalang pinansin dahil hindi ko naman kilala.

Pumasok na ako sa loob.

  "Oh anak bat ang aga niyong umuwi ngayon?" Tanong ni mommy, "wala naman po kaming klase ngayon, mag aayos lang po dahil may pupunta pong bisita sa amin," sagot ko.

Makalipas ng ilang oras.

Gabi na pala, napag pasyahan kong lumabas nalang muna, nag paalam nalang ako kay mommy, at pumayag naman siya.

Kinuha ko ang jacket ko kasi malamig sa labas.

Nag lakad lakad ako hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa plaza.

Nag ikot ikot lang ako tinitingnan ang mga batang masayang nag lalaro.
Hanggang sa makita ko si Andrew na nakasandal ang likod sa puno na nakapikit rin ang mata.

Dahil sa gusto ko siyang maka usap pinuntahan at nilapitan ko siya.

   "Andrew!" tawag ko sa kanya.

Minulat naman niya ang mata niya ngunit iniwas niya kaagad ito at bigla nalang itong tumayo at aalis na sana pero napigilan ko siya.

😋

My Three Best Friends And Me And The Lover BoysWhere stories live. Discover now