Chapter 40

252 10 0
                                    

Sharah POV.

May party sa amin ngayon dahil debut ko ngayon, kasi sina Kathy, Andrew, at ang boyfriend kong si Kiro ay tapos na.

Ay siya nga pala boyfriend ko na pala si Kiro Glen dahil matagal na siyang nanliligaw sa akin, kaya sinagot ko siya, kasi naman maalalahanin siya, mabait, tapos may disiplina siya at napaka gentlemen pa.

Hindi naman siya kasi mahirap mahalin.

Pati narin si Kathy sinagot narin si Andrew at lalong lalo na't kasi parehas sila ng nararamdaman sa isa't isa.

Marami rami din ang mga tao dito sa bahay at nandito rin sina tita Khyle, tita Rhoda, at tita Althea, pati narin sina tito Louis, Tito Blaze at si Tito Renz.

Syempre hindi mawawala mga friends ko.

Nakita ko ang mga friends ko kaya lumapit nalang ako sa kanila.

"Hi!" Sambit ko.

"Oh Sharah happy 18th birthday!" sambit ni Kathy at iniabot ang regalo sa akin.

"Thanks!" pagpapasalamat ko.

"Eto oh regalo ko!" sambit ni Andrew.

"Happy 18th birthday Sharah"

Syempre nag pasalamat din ako.

Syempre hindi pwedeng walang birthday gift sa akin boyfriend ko.

"Eto Sharah para sayo at happy 18th birthday!" sambit ni Kiro at iniabot niya ang napaka gandang box.

"Wow, thank you!" sambit ko.

Tara na guys may pinahanda akong table para sa ating apat yaya ko.

"Teka Sharah ba't kami kasama mo sa table, eh pano naman ang parents mo?" tanong ni Kathy.

"Ano ba kayo, eh syempre especial kayo sa akin?" sambit ko.

"Sina tita's at tito's nalang daw ang kasama nila mommy at daddy?" paliwanag ko.

tumango nalang sila at pumunta na kami sa table.

At nag simula na ang birthday party ko.

"Ngayon po muna tinatawagan ko po ang ating birthday princess, Sharah Nichole Faz! Give her around of applause."

Pumunta naman ako sa gitna at kinuha ang microphone.

At nag simula ng mag salita.

"Una po sa lahat, nag papasalamat po ako sa napaka supportive kong parents, kay mommy Khate at daddy Dino!"

"Nagpapasalamat din po ako sa mga friends ng parents ko sina tita Khyle, tita Althea, tita Rhoda at sa mga Tito's ko po."

"Lalong lalo na din sa mga friends ko, si Kathy, Andrew at ang boyfriend ko po si Kiro at maraming maraming salamat sa inyo"

"Salamat din dahil nandiyan kayo na tumutulong para masolusiyonan ang problema ko at sa pag turing na kapatid hindi lang sa pagiging kaibigan, maraming salamat talaga!" sambit ko.

"Maraming salamat din po sa mga dumalo po ng kaarawan ko!" sambit ko pa.

At pagkatapos kong mag pakilala at mag pasalamat, umalis na ako at bumalik na sa pwesto ko.

At pagkapunta ko biglang tumayo ang mga friends ko at niyakap ako.

"Sharah" sambit nila na naiiyak pa.

"Oy ano ba kayo wag nga kayong umiyak? Baka mapaiyak ako ng wala sa oras?" Sambit ko.

"Kaya nga tayo nandito para mag saya, hindi mag iyakan," sambit ko uli.

Pinunasan naman ni Kathy ang luha niya at tumawa nalang kami.

Ngayon naman magsimula na tayo ng second part" sambit ng mc namin at nag simula ng tumugtog ang sound namin.

Niyaya ko nalang ang mga friends ko na sumayaw at sumunod naman ito.

Pag katapos non biglang pumalit ang music na pang sweet.

Kaya nag tig isa ang boys, sinayaw ni Andrew si Kathy at syempre si Kiro naman sinayaw ako.

Habang sumasayaw kami ni Kiro.

"Sharah I love you so much" sambit nito.

"Kiro I love you more, forever."  sambit ko naman at smack lang ha, nag nakaw ng halik buti nalang walang nakatingin sa amin.

Natapos narin ang party.

Pagkatapos ng party nagsiuwian na ang mga bisita at umuwi narin ang mga Tito's at Tita's ko dahil may gagawin pa daw sila, at nagpaiwan nalang ang mga friends ko.

May nagligpit na sa labas at pumasok na kami.

Umupo na kami sa sala at nag pahinga nalang muna.

"Sharah, bat di mo muna buksan ang regalo naming tatlo?" sambit ni Andrew.

Ngumiti lang ako at kinuha ko muna ay kay Andrew,

Pagtingin ko damit na may naka tatak na
I love this boy at may arrow hand na nakaturo sa right side

Nagulat ako ng may itinatapat sa aking damit si Kiro, at ang nakatatak ay
I love this girl at may arrow hand na nakaturo papunta sa akin.

"Bat may ganyan ka?" tanong ko kay Kiro at binigyan rin kasi ako ni Andrew sagot nito.

Binukasan ko narin ang regalo ni Kathy.

At pag kabukas ko ng regalo ni Kiro. nakita ko ang napakakintab na kwistas at hugis puso pati narin bracelet na may pangalan namin na pinag buo.

At binukasan ko narin ang iba pang regalo sa akin.

Enjoy!

My Three Best Friends And Me And The Lover BoysWhere stories live. Discover now