Chapter 9

378 14 0
                                    

Umuwi na ako at nag handa na ng gamit na dadalhin mamaya sa paggawa ng activity.

Lumabas na ako ng bahay at nagpaalam narin ako kina kuya Justin at kuya John.

Sinabi ko narin na baka gabihin ako.
Pumayag naman sila basta lang tawagan ko sila pag may kailangan.

Dumeretso ako sa gate.

Pagpunta ko doon nakita ko si Louis na nakatayo.
Napansin nya siguro na may paparating kaya lumingon sya.

"Oh Khyle hali kana?" Aya nya.

Naglakad nalang ako papunta sa kanya at sumakay na ng kotse.

Habang nag ba byahe kami may mga tinatanong naman siya at sinasagot ko naman.

Nang makarating kami sa bahay nila.

Bumaba ako sa kotse niya at lumabas kinuha ko narin ang dala kong gamit.

Nang maka pasok kami sa bahay nila, pinaupo nya ako sa sala at kukunin lang daw niya ang laptop sa taas.

Nang makababa na siya dumeretso na siya sa maliit na mesa.

Tinawag niya ako at lumapit naman ako, tumabi nalang ako sa kanya at hindi ko pinapakita na naiilang ako dahil dalawa lang kami dito.

Hindi na ako nakatiis kaya tinanong ko siya kong isalang ba sya sa bahay na ito ay ang laki naman ito.

Sabi naman niya nasa Korea ang papa at mama nya kaya nag iisa lang sya dito.

"Magsimula na tayo?" sambit nya
Napatango nalang ako.

Tumingin na sya sa laptop nya at nagsimula ng magsulat.
Nanonood lang ako sa kanya habang nang ta type tungkol sa love hindi ko alam marami na syang type.

"Oh ikaw para sayo ano ang love?" biglang tanong niya.

Para sakin ang love ay......

Sinulat nya ang mga sinabi ko.
Natapos narin kaming gumawa.

"Ako nalang mag pri print" sambit nya.

"Sige" sambit ko pabalik.

Nagpaalam nalang ako sa kanya ng biglang bumuhus ang ulan.
Napabalik nalang ako sa may pinto at hinihintay na tumigil ang ulan.
nakita kong lumabas si Louis at hinila ako papasok ng bahay niya.

"Dito ka nalang mag papalipas ng gabi" sambit nya.

"No! ayoko dalawa lang tayo dito ehh, lalaki ka babae ako!" pagtanggi ko sa kanya.

"Ano kaba natatakot kaba na baka gahasain kita ha? hahaha, wag kang mag alala may respeto naman ako ehhh" siya.

"Sige" sambit ko naman at aktong hihiga na ako sa may sofa ng hilahin ako ni Louis

"Ano ba, bat dyan ka matutulog?" sambit nya.

"Don ka sa kwarto ko" sambit niya.

"Ehh ikaw?" tanong ko.

"Ayos lang ako! dito nalang ako, sige pasok kana sa loob" sambit nito at humiga na sya at pinikit na nya ang kanyang mata.

Kaya pumunta na ako sa taas pumasok na ako sa loob at pagtingin ko sa bintana ang lakas parin ng ulan.

Humiga na ako na napakalambot na kama ni Louis.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang ipinapahiwatig nito na gusto ko si Louis. Puchaa to ang corny.

Naguluhan ako doon, hindi rin ako makatulog dahil iniisip ko si Louis.

Bakit parang nag aalala ako sa kanya. Siguro gusto ko siya. Enebe. Na realize ko na gusto ko siya. *Marupok daiii? Pero hindi pa mahal.

Lumabas ako dahil hindi ako makatulog at pagtingin ko sa ibaba nakita ko si Louis na nilalamig dahil narin may hangin ding pumapasok sa loob.

Kumuha ako ng kumot at bumaba at pumunta sa kanya. Nilagay ko ang kumot sa kanya at inayos ito.

Kinuha ko narin ang unan na nasa paanan nya at nilagay sa kanyang uluhan.

Bumalik na ako sa taas at nakatulog narin.

Nang magising ako kinuha ko ang phone ko at tingnan kong anong oras na ba? at naalala ko na sa bahay ni Louis ako natulog.

Lumabas ako ng kwarto at pag baba ko ay nakita ko si Louis na nag luluto ng breakfast.

Bumaba na ako at nagmadaling nagpaalam na umalis, pero pinigilan niya ako.

"Ano ba Louis bitawan mo nga ako may pasok pa ako" pilit ko sa kanya habang tinatanggal ang pag kakahawak nya sa akin.

"Ano kaba Khyle, relax sabi ni ma'am wala daw munang pasok dahil aasikasuhin pa ang pageant na magaganap bukas" sambit niya.

Huminahon nalang ako at tumango.

"Akala ko kasi late na ako?" bulong ko.

Tinawag ako ni Louis na nasa mesa na pala.

"Dito kana kumain pinagluto kita" sambit niya.

"Ahh wag na nakakahiya naman" pagtanggi ko.

"Halika na wag ka nang mahiya" sabay hila sa akin at pinaupo sa upuan.

Hala ang bilis na naman ang tibok ng puso ko ng pinag lagyan pa ako ng pagkain sa plato ko.

"Thanks!" Lah pabebe* pagpapasalamat ako at tumango nalang siya at nag smile.

Matapos kong kumain ay nag paalam na ako na uuwi na at pumayag naman siya ngunit siya na naman daw ang hahatid ulit sa akin.

Tumango nalang ulit ako at pumasok na sa loob ng kotse nya at umalis na.

Te amo babi's

My Three Best Friends And Me And The Lover BoysWhere stories live. Discover now