Chapter 7

3.8K 75 8
                                    

Let's do a flashback.

It was three years ago that I fell in love with this boy who I barely know. Hindi naman ako nainlove kaagad sa kanya just because he said hi, I fell in love with him because he was a consistent jerk. Lagi kame nagchachat at naguusap, paminsan pag may problema ako sa kanya ako natakbo or nagchachat.

He was the first one to actually notice me, he's the one who said hi first. Tumatawag sya sa akin at hindi rin sya yung bastos na pag may gusto sya pinipilit nya, he respected my decisions and my privacy.

I said yes to him on March 27, o diba tandang tanda ko pa. So yun na nga edi jowa ko na si mokong, edi syempre chat-chat, video call-video call lang kame kase nga sa England sya nakatira, but he's a Filipino like me.

So yun na nga chat chat at tawag tawag lang kame, paminsan magsend pa sya ng mga gifts galing sa England. Ang mas nagustuhan ko pa sa kanya ay yung nagkagusto sya sa akin kahit sa online lang kame nagka kilala, iniisip ko pa nuon siguro sya na nga ang para sa akin.

Syempre babae ako, so ang dami kong naiisip na tungkol sa kasal, yung magse settle na kame. I mean syempre hindi ko maiwasang isipin yun.

Habang nagchachat kame sinabi nya sa akin na balak nya ako bisitahin sa state, edi ako naman nagulat kase hindi ko akalain na dadating din pala ang time na magkikita kame in person. I was so happy and I was so excited kase finally makikita ko na in person yung boyfriend ko.

So that day finally arrived, sinundo ko sya sa airport tapos nagtungo muna kame sa isang resto para gawin ang aming first date. Ang saya saya namin, ang dami din naming napagusapan. Pagkatapos nun hinatid ko na sya sa hotel nya, wag ka Marriot hotel pa yun. Anyway pagkatapos mag check in at ilagay ang mga gamit nya sa room nya, dumaretso naman kame para ipakilala ko sya sa family ko. Syempre si Mama medyo happy pero tanggap naman nya kung ano ang meron sa amin ni Ex, sila kuya at Papa naman overprotective pero naiintindihan ko naman sila kase nga bunso ako at babae pa.

Those few days na nasa state sya ay super saya namin, nagpunta kame kung saan saan, ilang beses din syang nag dinner kasama ang pamilya ko. Mostly naghang out lang kameng dalawa at nagdate ng nagdate. Nung time na nyang umalis, grabe ang iyak ko at grabe sakit ng puso ko. Ayaw ko na nga syang paalisin pero syempre nasa England ang buhay nya.

After nyang umalis, mga ilang araw ang saya saya namin at nire-recall pa namin ang mga masasaya naming ginawa sa state. Tapos nagpaplano pa sya na bumisita uli, sabi nya pa pupunta naman daw kame ng Canada pag balik nya.

Naguusap kame araw araw hanggang paminsan parang three times a week na lang nya ako kausapin. Lumipas pa ang ilang buwan at once in three weeks na lang nya ako kausapin, hanggang sa iba na yung tono na ng mga sinasabi nya sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit, kahit yung mga kaibigan ko tinutulungan na ako ma-contact sya para lang malaman kung ano ang problema at hindi na nya ako kinakausap.

Halos kase lahat ng kaibigan ko kaibigan na din nya.

So yun na nga, pag kinakausap nya yung mga kaibigan ko kung ano-ano pa sinasabe. Na nagkasakit daw sya at may nagalagang babae daw sa kanya. Para bang pinapahiwatig nya na may lumalandi sa kanya at gusto sabihin ng mga kaibigan ko sa akin para masaktan ako at i-break up sya.

Hindi ko sya ni-break up syempre kase baka naman stress lang sya o baka naman may problema sya sa family nya. Saka baka naman nurse yung nagaalaga sa kanya nung nagkasakit sya.

I tried to talk to him pero paminsan ang sama na ng sinasabi nya sa akin, yung point na babasahin ko lang yung mga message nya na once in a blue moon lang lumalabas sa notif ko, tapos ang sasama pa ng sinasabe. Pero syempre ayoko munang isipin na baka nga mawala na sya sa akin.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon