nChapter 15

3.2K 67 3
                                    

"Salamat Dan!" Sabi ko.

Nagpark sya malayo sa lahat ng mga studyante, pagka-park nya ay bumaba di sya kasama si Al. Nagkatinginan kame ni Emma dahil sobrang pogi nilang tingnan sa porma nila.

Ngumiti si Emma sa akin.

"Bakit kayo nakatingin sa amin?" Tanong ni Dan.

Napa-giggle kame ni Emma. "Ang pogi nyo pala pag naliligo kayo." Sabi naman ni Emma, sabay tawa naming dalawa.

Pumasok kaming apat at napatingin kame sa isat-isa habang pinagmamasdan ang mga bago naming kaklase na mga nagso-socialize. Yung iba payabangan ng sapatos at mga watch. Yung girls naman dress, bag, and who's make up looks better.

Nag ring na ang bell which is the sign for all the students na pumila para sa opening speech ng principal. Napanganga ako sa bagal kumilos ng mga studyante, para bang naglalakad lang sa park o kaya naman ay nagpa-fashion show ang mga babae sa sobrang taas ng takong nila.

Nagumpisa na kameng maglakad patungo sa center ng school.

"Oh my gosh look who's here, ang mga mahihirap na naghahangad makabingwit ng mayayaman." Napatigil ako at sinamaan ko ng tingin yung babaeng nagsalita.

Etong babae nanaman na ito? Ano ba problema nito? Kabute ba to at pasulpot-sulpot ng lang kung saan saan.

"Oo nga Heather, bakit ba naman kase pinapayagan ang mga ganyang tao na pumasok sa ganitong school." Napatingin sa akin yung babaeng kaibigan ni Heather "At ikaw bakit ganyan ka makatingin kay Heather, hindi mo ba alam na sya ang anak ng principal, baka gusto mong ma-expel kaagad."

"Wait lang diba sya yung tumulak sayo Heather?" Sabi nung isa pa nyang kasama. Tiningnan ako maigi ni Heather pagkatapos ay lumapit sya sa akin, tinaas nya ang kamay nya, and I was ready for her. Sasampalin nya sana ako, pero like I said I was ready. Nasalo ko ito at nginisian ko sya.

"Alam mo ba na kahit palad ng mga magulang ko never akong sinaktan, tapos sa tingin mo ikaw masasaktan mo lang ako ng ganon ganon lang." Binitawan ko yung kamay nya at parang mukang sasabog nanaman sya sa galit.

2 points for me 0 for Heather.

"Ipapa-expel kita!" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Oh go ahead then." Sabi ko. "Hindi ka ba natatakot na masira ang pangalan ng nanay mo dahil lang pina-expel mo ang isang mahirap na tulad ko. Ano kaya ang sasabihin ng board of directors pag malaman nila na nagte-take advantage ang mama mo sa pagiging principal nya, dahil lang sa spoiled brat nyang anak?"

"You!" Galit na pagduro nya sa akin.

"Burn." Sabi ng isang boses lalake. Sabay kame ni Heather na napatingin sa dumating.

Nakita ko ang ang takot sa muka ni Heather at napayuko na lang sya.

"Hi Meg." Tiningnan ko sya ng masama. "I mean Meghan pala." Sabi nya na may halong pangaasar sa boses nya.

Nakangiti syang lumalapit sa amin habang kasama nya yung dalawa nyang kaibigan.

And I stood there watching him get close, while my heart is about to explode. Hindi ko maintindihan kung nagkakaganito ang puso ko pag nakikita ko tong surot na to.

I ignore it, which I'm good at by the way.

I ignore it, but I know it will not go away.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon