People may not believe me when I say na iisa pa lang ang naging girlfriend ko sa tanang buhay ko. I loved her, akala ko sya na kaso mali pala ako, beside the fact na I'm already engage to someone mas pinili ko pa rin na sundin ang puso ko. She was amazing at akala ko kahit wala akong pera mamahalin nya pa rin ako, pero mali pala ako. Kung hindi pa sasabihin sa akin ni Lloyd na ginagamit nya lang ako dahil sa pera ko, baka siguro matagal na kaming nagtanan, at yun ang malaking pagkakamaling magagawa ko sa buhay ko.
Ako yung taong kapag nagmahal ayoko yung nilalaro ang pag ibig, o ginagamit ito para lang makuha ang isang bagay. Ang pag ibig ay hindi dapat ginagawang excuse para lang makapaghigante ka sa isang taong nanaket sayo, ang pagibig ay iniingatan at inaalagaan.
Sabi nga nila para itong halaman, kailangan alagaan at mahalin, diligan at paarawan para maging isang maging malusog na halaman ito pag lumaki.
Sabi dati ng Mom ko. Hindi daw dapat pinaglalaruan ang pag ibig, kung iibig ka dapat sa isa lang. Dapat sya lang.
Hindi daw kailangan ng dalawa o tatlo sa buhay ng tao dahil baka hindi kayanin ng puso.
Hindi yung ginagawa collection ang mga pusong napaibig at nasaktan.
Madami ang nagsasabi na walang forever, pero hindi totoo yan. Marami na ang magkasintahan na umaabot na ng lagpas pa sa edad nila, yung iba nga umaabot hanggang death do them apart. May iba din hanggang sa kamatayan nila isang tao pa rin ang sinisigaw ng puso nila, at yun ay ang tunay nilang pag ibig.
Habang nagkatitigan kame ni Meghan sa isat-isa, at hanggang sa punasan nya ang mga luha sa mata ko, duon ko lang narealize na mahal ko na sya. Na gusto ko syang mayakap at mahawakan ng ganto. Comfotable ako sa kanya at sa tuwing malapit sya, sumasaya ang puso ko.
"Baliw ka na ba?" Tinitigan ko si Ron. "Nakangiti ka kasing mag isa. Oh." Inabutan nya ako ng Coke. "May nangyari sa inyo?"
"Ano? 'Di ko alam ang sinasabi mo." Sabi ko.
"Sus, kunyare ka pa eh. May nangyari ba sa inyong dalawa ni Meghan?" Iniwan ko sya at naglakad na ng palayo, pero naabutan nya ako. "Meron ano?"
"Loko-loko, walang nangyari." Sabi ko.
"Eh bakit ganyan ka makangiti?" Ang kulit talaga ng lalake na to, kung hindi ko lang alam na babaero tong mokong na to iisipin ko bakla to, napaka-chismoso.
Sa lahat na lang ng bagay ang daming tanong, siguro nakipag break up nanaman to sa jowa nyang two weeks pa lang ang relasyon. "Eh ikaw? Nakipagbreak up ka nanaman sa syota mo 'no?"
Inayos-ayos nya yung jacket nya sabay kumindat sa akin. "Alam mo naman ako pre, pang two weeks lang ako." Tumawa kame habang padaan sa library.
Napatingin ako sa isa sa mga bintana at napansin ko si Meghan na nakapatong ang ulo sa lamesa at nakapikit ang mata nya. Natututlog kaya sya?
"Sol." Tawag ni Ron.
"Mauna ka na Ron, nakalimutan ko pala na may kailangan pala akong recipe book dito sa library." Napakunot ang noo ni Ron, pero tumango-tango sya.
"Ok, sunod ka na lang." Sabi nya.
Pumasok ako sa loob ng library, ngumiti ako sa librarian at nagtungo ako kung saan ko nakita si Meghan. Ng makita ko syang mahimbing na natutulog, isang ngiti ang nag-form sa labi ko. At pinagmasdan ko sya.
Umupo ako sa tabi nya at nagpangalumbaba ako habang pinagmamasdan ko ang muka nyang maganda. Habang pinagmamasdan ko ang muka nya, parang sumulyap sa akin ang future ko.
Nakikita ko ang muka nya habang lumalakad sa altar papalapit sa akin. Magkahawak ang kamay namin habang pinapanood namin ang mga anak namin na naglalaro sa harapan namin.
Biglang binuksan ni Meghan ang mata nya at tumitig lang sya sa akin.
"Ok ka na?" Tanong nya habang nakapatong pa rin ang ulo nya sa mesa. Pumikit ako at ngumit sabay tango.
Ang weird hindi nya ako sinigawan para sabihin masama ang tumitig sa tao.
"Bakit dito ka natutulog?" Tanong ko sa kanya.
Pinikit nya ang mata nya at huminga ng malalim. "Kase tahimik dito."
"Pwedeng..." Umpisa ko. Pwede ka bang maging girlfriend ko? Sabi ko sa utak ko.
Umayos sya ng upo at tumingin sa akin na nakakunot ang noo. "Ano yun?"
Napalunok ako. "Pwedeng samahan mo ako sa sementeryo, para bisitahin ang Mama ko."
Hindi muna sya sumagot at tiningnan lang ako, pagkatapos ay nagulat ako sa ginawa nya.
Kinuha nya ang kamay ko at hinawakan nya ito, ngumiti sya sa akin at sumigaw ang puso ko. "Oo naman." Sabi nya sa akin.
Habang hawak nya ang kamay ko, parang may sarili kaming mundo. Sa mundo ko sya lang ang nakikita ko, sa mundo ko sya lang sapat na. Sa mundo ko...sya lang ang mundo ko.
Ang problema lang sa mundo ko, sa mundo ko lang sya pwedeng maging akin. Dahil kahit pwede ko syang gawing girlfriend, hindi ko naman sya magagawang asawa ko.
Kaya sa mundo ko, girlfriend ko sya, asawa ko sya, forever ko sya, at mundo ko sya.
--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊
BINABASA MO ANG
Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]
RomanceNagibigan sila bago pa man nila malaman na engage na sila sa isa't-isa. Soulmate nga ba sila Sol at Meghan? Sila nga ba ang itinadhana? PS: PHOTO CREDITS TO @_pa.wi.nee_ ENJOY READING THIS!!! (I'm a big fan of Jungkook and Lisa and I ship them as...