Kalahati ng klase ay naggagayat ng mga veggies pagkatapos ay yung kalahati naman ay nagluluto at ginagamit yung mga nagayat na mga gulay para makaluto ng something na sinabi sa kanila ng chef.
Napalagay kame ni Sol sa paggayat dahil magaling daw maggayat si Sol at mabilis din. Pinanood ko si Sol na naggagayat ng mabilis, nakakaaliw syang panuorin para ba sya yung mga poging lalake sa drama na chef tapos napaka-hot nyang panuorin, na para bang kahit panuorin mo lang sya magluto at maggayat busog ka na.
"Muka na ba akong husband goal, future misis ko?" Sabi nya ng hindi man lang ako pinapansin. Nag-umpisa uli akong maggayat at hindi sya pinansin. "Bakit ka ganyang maggayat? Gusto mo bang maputulan ng daliri?" Ewan ko lang kung tama yung narinig ko sa boses nya, pero galit ba sya?
Lumapit sya sa likod ko at hinawakan ang kamay ko na may hawak ng kutsilyo, tapos yung isang kamay nya nakahawak sa gulay na ginagayat ko. Para bang binigyan nya ako ng back hug, ang init ng katawan nya, nanlalamig ang kamay ko at ang lakas-lakas talaga ng tibok ng puso ko.
"Bakit ka kinakabahan future misis ko?" Hindi ako sumagot. Ibinaba nya ang ulo nya sa may tenga ko at naramdaman kong dumikit yung labi nya sa tenga ko at naginit ang muka ko.
Naramdaman ko din yung hininga nya habang nahinga sya sa may tenga ko. "Bakit hindi ka nasagot?" Tanong nya ng pabulong. Ang sexy nyang bumumolng.
Bigla nyang kinagat ang tenga ko at dahil dun ay napatalon ako sa gulat. Tinulak ko si Sol na tumatawa ng malakas, nagtinginan ang lahat sa amin.
Tiningnan ko si Sol at umalis ako ng classroom.
"Meghan." Tawag ni Sol. Hindi ako tumigil sa paglalakad hanggang sa may humawak sa braso ko at hinila ako. Tiningnan ko ang kamay nya sa may braso ko tapos ay tiningnan ko ang muka nya. "Sorry. Galit ka ba?"
Tinitigan ko ang muka nya at nawala yung kalokohan nya sa muka, napababa ang mata ko sa mapula nyang labi na panay ang kagat.
Kinagat ko ang labi ko dahil hindi ko mapagkatiwalaan ang bibig kong magsalita.
Gusto kong halikan yung labi nya pero parang ayaw gawin ng katawan ko. I mean for sure gusto yun ni Sol.
Umiling na lang ako, nakita ko sa muka nya ang pag titig nya sa akin at nagaalala sya. Ngumiti ako, napakasweet ng tingin nya sa akin.
Hinawakan ko ang pisngi nya at napapikit sya, ngumiti ako tapos pinatong ko ang ulo ko sa may dibdib nya at niyapos ko sya. Hindi sya kumilos at nung naramdaman kong nagrelax sya, dun ko lang naramdaman yung pagyapos nya.
"Ibig ba sabihin nito tayo na?" Humiwalay ako sa pagyapos nya.
"Nope." Ngumiti ako sabay lakad pabalik sa classroom.
Narinig ko syang tumawa at wala pang isang minuto nasa tabi ko na sya, nakangiti ng malaki.
--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊
BINABASA MO ANG
Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]
RomanceNagibigan sila bago pa man nila malaman na engage na sila sa isa't-isa. Soulmate nga ba sila Sol at Meghan? Sila nga ba ang itinadhana? PS: PHOTO CREDITS TO @_pa.wi.nee_ ENJOY READING THIS!!! (I'm a big fan of Jungkook and Lisa and I ship them as...