Chapter 43

2.8K 45 9
                                    

"Uuwi na po ako, hinahanap na po pala ako ni Lolo." Nagpaalam na ako sa pamilya ni Sol.

"Pakikamusta mo ako sa Lolo mo Meghan saka sa mom and dad mo." Tumango na lang ako at ngumiti. Hinawakan ni Sol ang kamay ko at sinamahan akong maglakad palabas at papunta sa car ko.

Papasok na sana ako sa drivers seat ng bigla nya akong hinila. "Bakit?" Tanong ko.

"Hindi mo lang ba tatanungin yung about kay Rica?" Hinarap ko sya.

"Hindi kita tatanungin dahil aantayin kong ikaw mismo ang magkwento sa akin kung ano talaga ang nangyari sa inyo. Ikaw mismo ang magkwento sa akin pag handa ka na. Pero wag ngayong gabi, kase antok na ako." Tumawa si Sol at napangiti ako kase ang cute nyang tumawa.

"Sige na umuwi ka na, magiingat ka." Sabi nya. "Kase papakasalan pa kita at bubuo pa tayo ng little me at little Meghan."

"Ewan ko sayo!" Sigaw ko sa kanya sabay alis.

Ng nakauwi na ako, halos hanggang tenga ang ngiti ko at halos hindi matanggal ang kilig na nararamdaman ko. Kasalanan yun ng mokong na yun, kung ano ano kase ang pinagsasabe. Pero ng makarating ako sa kwarto ko, bigla namang napasagi sa utak ko yung babae kanina.

Yun ata ang ex ni Sol. Ano kaya ang kailangan nya kay Sol?

Habang iniisip ko pa yung ex ni Sol, hindi ko namalayan na pumasok na pala si Emma sa kwarto ko na may dalang gatas.

"Ok ka lang? Kanina pa kase ako kumakatok pero hindi ka nasagot." Tiningnan ko yung gatas na hawak nya. "Nakita ko kaseng bukas pa yung ilaw mo, baka hindi ka lang makatulog kaya dinalhan kita ng gatas."

Paliwanag nya.

Kung bibigyan ng pagkakataon si Emma, pwedeng pwede syang maging model, lalo na at maganda sya saka maganda naman ang korte ng katawan nya.

"Gusto mo ba ikwento?" Tanong nya. Tumango na lang ako. Ipinatong nya yung gatas sa may side table ko, pagkatapos ay umupo sya sa tabi ko. "Anong nangyari?"

Hindi ko muna sya inimikan at tiningnan ko muna sya sa mata. "Naaksidente yung sinasakyan nila Sol, pumunta ako sa hospital maigi na nga lang hindi sila masyado napaano."

"Nasan na sila ngayon?" Tanong ni Emma. "Si Kris ba ok lang?"

Napatingin ako sa kanya at mukang alalang-alala sya. "Ok lang si sila Kris, pero si Lloyd napuruhan ang binti nya kaya sya lang ang nasa hospital ngayon." Huminga sya ng malalim. "May something ba sa inyo ni Kris?"

Mabilis syang napatingin sa akin, tapos ay napayuko din agad sya. "Wala naman something sa amin ni Kris. May...may gusto lang ako sa kanya, one sided love ba."

"Bakit mo sya nagustuhan?" Huminga sya ng malalim.

"Kase...kase nung nasa bar tayo nung isang araw, niligtas nya ako sa isang lasing na gusto sana ako dalhin kung saan. Kung hindi dahil sa kanya baka kung saan na ako natagpuan ng hubo't hubad. Hindi man nga lang ako nakapag thank you sa kanya, sa sobrang takot ko tumakbo na lang ako paalis at hinanap ko sila Al at Dan." Nakinig ako ng maigi sa kanya.

"Ok ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman sya.

"Meg tulungan mo naman ako magpasalamat kay Kris, please." Sabi nya.

Tumango ako. "Sige kausapin ko si Sol." Napakunot bigla ang noo ni Emma.

"Close na close na kayo ni Sol. Balita nga sa buong school iisa pa lang talaga ang naging gf ni Sol. Kase nga serious type daw si Sol." Ngumiti ako. "Yang ngiti na yan parang more than close na kayo ni Sol, anong nangyari ngayong gabi Meg?"

Excited kong hinarap si Emma. "I kissed him."

"Omg! Ikaw talaga ang nagtake ng first step?" Tanong nya. Tumango na lang ako habang may ngiti sa mga labi ko. "Tapos ano na ang nangyari?"

"Ehem...ummm...well kami na." Sabi ko lang.

"Well fiance mo na naman sya kahit hindi pa kayo pinapanganak, pero yung nagkagustuhan kayo sa isa't isa na hindi man lang alam na engage na pala kayo, ay something na yun girl." Sabi nya.

"Kaya nga eh, pero parang nahihiya akong pumasok bukas, baka mamaya kung anong gawing ng Sol na yun." Sabi ko. Tumango-tango sya.

Napansin ko lang kay Emma medyo nagiging familiar na sya sa alin, which is good. Hindi na sya yung masyadong nahihiya pa At tinatrato pa akong amo imbes na kaibigan.

Napatingin si Emma sa orasan. "Nako 2 am na pala, matulog ka na Meg baka hindi ka pa magising bukas." Tumayo na si Emma at inantay nyang maubos ko yung gatas, pagkatapos kong uminom ay kinuha nya ang baso at umalis na ito.

Nakatulog ako ng mahimbing at sa sobrang himbing ay nagising ako ng late. "Shit!"


--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon