Chapter 49: Sol's POV

2.6K 48 3
                                    

Saka lang ako tumayo sa pag pupush up ng magring ang cellphone ko. Hindi ko na tiningnan kung sino ang caller.

"Hello?" Sagot ko habang pinupunasan ko ang pawis sa katawan ko.

"Sol." Ibaba ko na sana kaso yung sunod na sabi nya ang pumigil sa akin. "May anak tayo."

"Tigilan mo na ako Rica." Sabi ko na may halong galit sa boses ko.

"Tagaytay. We were drunk." Yung kaunting sentence nya lang yun saka ko lang naalala.

May party sila Kris dun sa bahay nila sa Tagaytay. Isinama ko si Rica dahil girlfriend ko pa sya that time. Nung gabi na yun naglabas ng vodka si Ron, tatlong tagay pa lang ay alam ko na lasing na ako. Si Rica din mukang lasing na.

Nagtungo na kame ni Rica sa kwarto namin, after kong matumba sa kama wala na akong maalala. Ang tanging naaalala ko lang ay nagising kame ni Rica na hubo't hubad. Kahit ilang beses kong subukang matandaan hindi ko talaga maalala.

"Magkita tayo." Ang tanging sabi ko bago ko ibaba ang phone.

Napatingin ako sa salamin at pinagmasdan ko ang sarili ko. Paano ko sasabihin to kay Meghan?

Ipapa-DNA ko ang bata, dahil hindi ako makapaniwala na may nangyari sa amin ni Rica.

Naligo ako at nagdrive patungo sa sinabi kong lugar kay Rica. Nag ring uli ang phone ko, this time tiningnan ko ang caller.

Lloyd.

Sinagot ko ang tawag. "Hey."

"Balita ko nagkita kayo ni Rica." May kakaiba sa boses ni Lloyd nang binanggit nya ang pangalan ni Rica.

"Oo pre." Tahimik sya. "Kamusta na ang paa mo Lloyd?"

"Medyo ok na, next week tatanggalin na ang cast ko." Nagturn ako papunta sa may mall bago ako sumagot.

"Maigi naman pre. Pre...pre may nangyari." Narinig ko ang pagkilos nya sa kabilang linya.

"Ok lang ba kayo ni Meghan?" Napalunok ako sa pagbanggit ng pangalan ni Meghan. "Pre?"

"Hindi ko alam pre. Pre sabi ni Rica may anak daw kame. Lloyd hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Meghan." Nag-shake ang boses ko.

"Ano? Kelan pa? Pre malaking problema nga yan. Paano mo sasabihin kay Meghan yan?" Nasa parking lot na ako at naupo lang ako sa kotse ko. Napabuntong hininga ako.

"Tagaytay. Sa Tagaytay nangyari, sabi nya." Huminga uli ako ng malalim.

"Tagaytay?" Patanong yung sabi nya.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon