Chapter 33: Sol's POV

2.7K 53 5
                                    

Nakangiti ako habang pumasok sa bahay, habang inaalala ko ang nangyari sa amin ni Meghan. Close na kame at mukang medyo naguguho na ang pader sa puso nya.

Napakasaya ko ngayong araw na to at yun ay dahil sa kanya.

"Sol." Nawala ang ngiti ko ng mapatingin ako sa may sala. Nakaupo si Lolo At kaharap naman nya si Papa.

"Lolo, Dad." Sabi ko, habang dahan-dahan akong lumalapit sa kanila.

Alam ko na to, this is about my engagement. Paano ko ba sasabihin sa kanila na ayaw kong ituloy to. Na meron na akong babaeng gusto makasama habang buhay.

"Come sit here with us, may kailangan kaming sabihin sayo lalo na at nasa edad ka na, na pwede ng magasawa." Dahan dahan akong umupo malayo sa Lolo at Dad ko. Alam ko na ang sasabihin nila pero naupo pa rin ako.

"Solomon." Napatingin naman ako sa direction ng kitchen at lumabas si Lola na may dalang tray ng juice. Lumapit ako sa kanya at tinulungan syang dalhin ang tray sa table.

"Solomon." Tawag ni Lolo. "Kailangan nating pagusapan ang engagement mo sa del Rosario.

"Balita kase namen, nakauwi na ang apo ni Del Rosario kaya kailangan na kayong magkita, para ba makilala nyo ang isa't-isa." Pagpapatuloy ni Lolo.

Kinagat ko ang labi ko at huminga ako ng malalim bago ako magtungo muli sa sofa. Nagkatinginan sila ni Dad at tiningnan ko sila ng masama.

"Dad, Lo I need to..." Hindi ko na naituloy dahil May inilapag silang litrato sa harapan ko.

"Here." Tinuro ni Dad ang litrato na nasa mesa. Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang nasa picture. "Her name is Meghan del Rosario Mijares. Apo ni Diego del Rosario at apo ni Rick Mijares, matagal ng napagkasunduan ang kasal nyo. At ngayong nasa edad na kayo, it's time na magmeet na kayo. Alam nyo ba na dati ay lagi kayong magkasama At lagi kayong naglalarong dalawa, yun nga lang inilayo sya ng nanay nya nung bata pa sya."

Hindi ako makapagsalita, at tinitigan ko lang ang picture ni Meghan na may magandang ngiti sa muka. I wonder kung alam din ni Meghan na engage sya sa akin?

At apo sya ng isang del Rosario? Pero bakit sya nagpapanggap na scholar lang sya, halos lahat ng tao binubully sya yun pala isa din sya sa may ari ng school.

Ngumiti ako, fiance ko na sya. Hindi pa kame pero akin na sya, how interesting.

"Maganda sya diba?" Biglang nagsalita si Lola habang naupo sya sa tabi ni Lolo.

"Uh...yeah. Lo alam na ba nya to?" Tanong ko.

"Ang alam ko ayaw pang sabihin ni Diego kay Meghan, dahil natatakot itong mawala ang apo nya. Baka daw magrebelde." Sabi ni Lolo. "Kaya nga gusto namin kayo magmeet baka sakaling mapalambot mo ang puso nya."

"Bakit daw?" Napatingin si Lolo kay Lola.

"Dahil ginawa na ito ni Diego sa nanay ni Meghan, kaya natatakot si Diego na baka pati yung apo nya iwan sya. Tulad ng ginawa ng nanay ni Meghan." Tumango-tango na lang ako. Hindi ko binitawan ang photo at tumayo na ako para umakyat sa taas.

"Sol?" Tawag ni Dad na may gulat sa muka nya. "Hindi ka makikipagtalo sa amin about dito?"

"No." Ang tanging sagot ko lang. "I'll keep this picture." Umakyat ako sa kwarto ko na hanggang tenga ang ngiti.

Humiga ako sa kama ko habang pinamamasdan ang picture ni Meghan, hindi umalis ang mga ngiti sa labi ko. Alam kong sabi ko dati na ayaw ko ng isang engagement na in-organized ng pamilya ko, pero mahal ko na ang babaeng ito. Mahal ko na ang babaeng pinili ng pamilya ko matagal na, bago ko pa man malaman na sya pala ang magiging Mrs. Villanueva ko.

Ang problema nga lang, ano ang magiging reaction nya kung malaman nya na engage sya sa akin? Matutuwa kaya sya? Dapat ba na sa akin manggaling ang tungkol sa amin?

Biglang nagring ang phone ko.

"Pre nasa bar kame ngayon, guess who's here?" Sabi ni Kris sa other line.

Napaupo ako sa kama. "Who?"

"Si Meghan bro. May kasama syang ibang tao tapos yung babae at yung dalawang lalake na kasama nya lage sa school!" Sigaw ni Kris. Naririnig ko ang music at sigawan sa likod.

"Saan yan?" Tanong ko habang nagreready ako at kinukuha ko ang susi ko sa may bedside table.

"Alam mo kung saan yung clothing store nila Ron, yung bago." Sabi ni Kris.

"Keep her out of trouble, I'll be there." Sabi ko.

Nagmadali akong umalis at nagtungo ako sa bar.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon