Chapter 9

3.5K 64 0
                                    

Gabi na nga ata ako pumasok sa bahay dahil imbes na nakapagrelax lang ako ng saglit napaisip pa ako about kay ex. Late na din ako nagising, nung bumaba ako nakaalis na daw si Lolo, ako naman saka pa lang kakain. Ala una na nga ata ako nagising.

Pagkapasok ko sa kusina nakita ko si Emma na nakaupo sa may dining nagbabasa, napangiti ako at dumaretso ako kung nasaan ang kape.

"Maganda ang libro na pinili mo?" Tanong ko.

Napatayo bigla si Emma at sinara ang libro nya, nagulat naman ako kaya pagkatapos kong gumawa ng coffee nagtungo ako sa kanya. "Gising ka na pala, meron kang gustong kainin?" Bigla sya nagtungo sa refrigerator at naghanap ng kung ano.

"No I'm fine, kape lang ako sa umaga. Magbasa ka na lang jan wag mo na akong alalahanin hindi rin naman ako naguumagahan kahit nung nasa state pa ako." Sabi ko.

May biglang nag doorbell umalis si Emma para buksan ang pinto, ako naman nagscroll-scroll sa fb. Bigla namang pumasok si Dan na naka shirtless at may bitbit na tubig. Natulala ako kase ma-muscles yung katawan nyan, tapos pinagpapawisan pa sya.

"Goodmorning po ma'am Meghan," ngumiti sya at binaba ang tubig malapit sa may refrigerator.

"Meghan na lang, goodmorning!" Sabi ko pagkahigop ko sa kape.

Ngumiti si Dan at sabay alis para kumuha uli siguro ng tubig.

Si Al naman ang pumasok habang may bitbit na tubig din, and as usual hindi nanaman nya ako pinansin. Pero katulad sya ng kapatid nya na naka shirtless din at in fairness may abs, kaso masungit lang talaga at ang puti nya. Mas maputi pa nga sya kesa sa akin.

Pumasok naman si Emma na may hawak hawak na resibo. "Ano yan?"

"Delivery ng tubig ngayon." Nilapag nya ang resibo sa may lamesa.

"Eh bakit sila Dan at Al ang nagbibitbit sa loob, diba dapat yung mga nagdeliver." Tiningnan ako ni Emma na parang bang may nasabi akong mali.

"Well pwedeng gawin yun, pwede din na yung kasambahay na ang magpasok sa loob ng bahay. Saka ayaw ng Lolo mo na may ibang pumapasok sa bahay, kaya pag may deliveries na kailangan ipasok sa bahay sila Dan at Al ang nagpapasok." Tumango-tango na lang ako at uminom na lang ng kape.

Nagring ang cellphone ko at ang nakalagay na caller ay si Lolo. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtungo ako sa kwarto ko bago ito sagutin.

"Hello?"

"Apo, si Lolo mo ito. Susunduin kita mamaya para makapunta tayo sa school mo. At para maipaliwanag mo na din sa principal ang gusto mong mangyari." Sabi nya.

"Ok po Lo, magready na po ako." Sagot ko naman.

"O sya may meeting pa ako." Binaba nya yung phone call at nagtungo naman ako sa banyo para mag bihis.

Simple lang naman ako magdamit, hindi rin naman ako mahilig magbihis ng pormal dahil kase fan ako ng pants, t-shirt, at hoodie combo.

White plane shirt at yung butas butas na pantalon that I got from H&M, and pinili kong suotin. Bumaba ako at narinig ko ang malakas na kwentuhan sa may kusina, nagtungo ako dun at nakita ko si Al, Dan, at si Emma na umiinom ng juice habang nagtatawanan.

Si Dan at si Al parehas na may t-shirt na, at nakita ko si Al na tuwang tuwa sa sinabi ni Dan. Umubo ako at nagsitigil sila sa pagtawa, sumimangot nanaman si Al at ibinaba nya ang glass na hawak nya sabay labas ng bahay.

Napansin din siguro ni Dan ang kilos ng kapatid nya towards sa akin kase ngumiti sya na para bang humihingi sya ng sorry sa inaasal ng kapatid nya.

"Wag mong pansinin si Al, mailap talaga sya sa mga mayayaman na babae at maarte." Tiningnan ko lang si Dan.

"So maarte ako sa paningin nya?" Tanong ko na may halong biro.

Mabilis na umiling si Dan. "Hindi naman ma'am, ang bait-bait nyo nga saka ang simple-simple nyo pa."

Tumawa ako ng mahina at kumuha din ng juice. "Binibiro lang kita, hindi ko naman masisi ang kapatid mo kung ganun ang tingin nya sa akin. Hayaan mo na lang." Humarap ako kay Emma. "Aalis tayo Emma, magbihis ka na. Saka Dan siba sabi ko Meghan na lang."

Napakamot si Dan. "Sorry Meghan, sige sundan ko lang yung kapatid kong maarte."

Hindi na nagtanong si Emma at tumango na lang sya, sabay tungo papunta sa kwarto nya.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon