CHAPTER 6

5 0 0
                                    

~~~

Dear Hira,

Una sa lahat, gusto kong sabihin na nakita kita last week. Sa isang supermarket. Bumili ka ng maraming potato chips. Hahahaha. Sabi kona nga ba at destiny tayong dalawa. Pareho tayo ng gusto. Ito pa ha, sabay pa natin sanang kinuha yung paborito kong flavor ng PC , balak ko sanang ipaubaya yun sayo para mapansin mo ako pero nilampasan mo ako ng parang wala lang.

Saklap no? >_<

Pero ayos lang yun Bebelabs, malakas ka sakin eh. Hehe.^^ Buti nalang talaga nagmask ako nun, baka kasi mainlove ka sakin kahit wala pa naman akong ginagawa.

Tas yung Z na print sa mask ko bebeko? Alam mo bang Zakkhira ang ibig sabihin nun? Laaab kasi kita. Muwah.

Ito pa bebeko, nabalitaan kong marami daw nambubully sayo dyan? Okay kalang ba? Kung gusto mo, lilipat ako sa university niyo next semester. Kahit kutusan ako ni Papa ay okay lang. I just want to make sure you're fine. 

Tsaka yung mga masasakit na salitang pinagsasabi ng mga haters mo na dati fans mo? Naku bebeko, kasinungalingan yon. Alam mo ba kung bakit?

Kasi hindi ka naman pumanget. Hindi karin tumaba. Lumaki lang talaga yung braso mo na nagmukha kang si Goku tsaka yang pisngi mo ay lumubo lang naman na dati ay buto ang andyan. Nagkabilbil kalang naman ng kaunti ah.

Ganun parin naman ang kulay ng mga mata mo, subrang tangos parin naman ng ilong mo at kissable...teka nga! Basta yung labi mo ay wala namang pinagbago. -_-

Kaya ewan ko sa mga yun Bebeko. Wag mo na yung pansinin. Kasi kung ako sayo? I will do what I love. Yung mga bagay na nagpapasaya sakin. Yun ang gusto kong gawin. Wag mo silang pansinin, as long as you're happy, ignore their insecurities.

Isa kana sa nagpapasaya sakin knowing napakastrong mong babae dahil hindi pa nasulat sa bulletin board na umiyak ka. Haha. Pangalawang happiness ko ay food and ofcrs, POTATO CHIPS.

Tatlo ang buhay ko bebelabs.

My potato chips,  Foods and ikaw. Kapag nawala ang potato chips, lalala ang sakit ko, kapag nawala ang pagkain, 50/50 ang buhay ko at kapag nawala ka, ikamamatay ko.

Bebeko, pansin kolang din na wala ng masyadong nagbibigay ng mga gift sayo. Siguro...siguro naman napapansin mona ang mga sulat ko 'ano?

Wag kang mag-alala, hindi ako titigil sa pagsusulat. Kasi baka balang araw, at isang araw ay mapapansin morin ang mga walang kwentang saluobin ko.

Bebeko, iwan ka man ng lahat... Pero hindi ako.

Kasi...I'm...





-Destin (to wait for you)

~~~~

Wala ba syang ibang joke? Corny ah. Tatlong boxes ang andito ngayon galing sa mga fans and haters.


Dati ay hindi nag-eeffort ang mga haters ko na padalhan ako ng kung ano-anong kaiinisan ko dahil alam nilang dudumugin sila ng mga admirers ko. Ngayon... Kapag mainis ako sa mga pinapadala nila, sigurado akong ako ang dudumugin ng mga yun. tss.

Her Mighty Downfall (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon