NICOLE's POV:
Almost 3pm na kami nakauwi sa bahay. Kasama ko si Angelo. And nakauwi nadin pala si Papa. :0 Pagkapasok namin sa loob, nakatingin sakin si Papa ng masama.
Pa, Si Angelo po. Boy-- Biglang naputol yung pagsasalita ko kase nagsalita si Papa. Galit na galit siya. ><'
Pauwiin mo na 'yang lalake na yan, Nicole!
Pero pa.
Wala ng pero'pero! Umuwi ka na kung sino ka mang lalake ka!
Ako po si Angelo, mahal na mahal ko po anak niyo.
Aba! Walang hiya! Sabe ko umuwi ka na! Tinulak ni Papa palabas si Angelo, tapos ako nakayakap kay Mama. Pagka'alis ni Angelo. May biglang hinagis sakin si Papa.
OMG, Syet! Yung mga sweet pictures namin ni Angelo. :0 Saan niya nakuha to? Ehh nasa facebook lang namin to, and walang account si Papa dun.
Saan mo nakuha 'to, Pa?
*Flashback*
Arianne and Jane are talking.
Arianne, guess what! :)
Ano nnman yun, Jane?
Eto ohh, mga pics. nila Angelo and Nicole.
Ohh? Ano namang gagawin ko diyan?
Ibibigay natin 'to sa papa ni Nicole. 'Pag nalaman to ng papa niya tiyak na paghihiwalayin silang dalawa. Okay ba sayo yung plano ko Arianne? >)
Huwag na nga tayong makielam sa relasyon nila. Please lang, wag mong gawin yan, Jane.
Ehh dba dati gusto mong maghiwalay sila? Bakit ngayon bigla kang nagkaganyan?
Nakita ko kung gaano kasaya at kung gaano kamahal ni Angelo si Nicole. I'm sure na 'pag naghiwalay sila, malulungkot ng sobra si Angelo.
Hmp! Basta ibibigay ko 'to sa papa ni Nicole, ginagawa ko to para sayo Arianne.
Jane, please. Huwag mong gawin yun. Nagmakaka'awa ako sayo. Pleaseeeeeeeeeee.
No. Bye Arianne! Pupunta pako sa office ng papa ni Nicole, para ibigay to.
*End*
Mabuti nga ta dun ko pa nalaman dun sa classmate mo na si Jane at Arianne na ang tagal mo na pala akong niloloko ha! Bigla akong sinampal ni Papa. Sumigaw si Mama:
Ano ba! Huwag mo ngang saktan si Nicole! Mahal nila ang isa't-isa. Sana matuto kang tanggapin yun.
Kasalanan mo rin to e, masyado mong kinunsinti yang anak mo!
Pa, tama na! Walang ginawang mali si Mama. Binigay niya lang yung alam niyang makakapagpasaya sakin. Inisip niya lang ako, sana nga ganun din kayo e! Sana naman hayaan niyo ko na magdesisyon para sa sarili ko. Hindi yung puro kayo nalang ang masusunod! Sinampal nnman ako. T_T
Ayan ba ang naturo sayo ng boyfriend mo ha?! Natuto ka ng sumagot'sagot Nicole! Wala ka ng respeto!! Dahil sa ginawa mong pagsisinungaling, dun ka mag'aaral sa States kasama ang tita mo!!
Hayaan mo nalang si Nicole na mag'desisyon para sakanya.
Okay lang Ma. Sge Pa, yun ung gusto mo? Ok fine! Alam ko naman na robot niyo lang ako e. Gusto niyo kayo yung nagpapatakbo ng buhay ko. Pa sana huwag dumating yung araw na pagsisihan mo 'tong ginagawa mo sakin. Tumalikod nako and umalis.
