Chapter 44: Papa.

75 0 0
                                    

Nakarating na din kami ni Tita dito sa bahay namin sa Davao. Sinalubong ako ni Mama.

Nicole! Kamusta ka anak? Miss na miss na kita. Niyakap ako ni Mama.

Okay lang ako, Ma. Miss ko narin kayo. San si Papa?

Nandun siya sa kwarto. Puntahan mo na Anak.

Dance with my Father, now playing...

2nd floor yung room nila Papa. Nakabukas yung pinto, tinignan ko si Papa, pero di muna agad ako pumasok. Nakita ko si Papa na nakahiga may nakasaksak na kung ano'ano. Lalo akong nanlumo. Tatalikod na sana ako, pero tinawag ako ni Papa.

Nicole.. Nung sabihin niya yun, lumakad ako ng mabilis papalapit skanya at niyakap siya. Umiiyak nako nun.

Huwag ka nang umiyak Anak, okay lang si Papa. Pinunasan ni Papa yung mga luha ko at umupo ako sa tabi niya. Hinawakan niya yung kamay ko.

Nicole, Anak. Patawarin mo si Papa ha, hindi ako naging mabuting ama sayo. Kaya ka nga nagtampo sakin nung pinapunta kita sa States. Hindi ko naman talaga gustong diktihan ang buhay mo Anak e, pero yun yung nangyari. Naging madamot ako sa kaligayahan mo. Di ko naisip na nasasaktan ka din. Patawarin mo ko Anak.

Pa, okay na po yun. Alam ko na ginawa niyo lang po yun, kase iniisip niyo yung ikabubuti ko. Sorry Pa, kung nagtampo ako sayo. Ako po yung madamot, kase di ko man lang inisip na may dahilan kayo kung bakit niyo ginawa yun.

Hindi anak, kasalanan ko. Laking pasasalamat ko nga kase di ka nag'rebelde kahit na pinaghihigpitan kita. Tignan mo oh, nag'aaral ka ng mabuti. 

Kase Pa, gusto ko balang araw maipagmalaki mo ko. Yun bang sobrang ipinagmamalaki mo ko sa harap ng maraming tao, yung lagi mong sinasabi sakin kung gaano ka ka'swerte kase ako yung naging anak mo. Kaya ako nag'aaral pa. Kase alam ko, darating din yung araw na mangyayari lahat yan.

Eto na yung tamang araw anak. Bumulong sa tenga ko si Papa. Ipinagmamalaki kita Anak. Araw'araw akong nagpapasalamat sa Diyos dahil ikaw yung naging anak ko. 

Pa, bakit po kayo bumulong sakin?

Kase Anak, ikaw ang mundo ko. Kayo ng mama mo.

Thank you Papa. Mahal na mahal po kita..

Mahal na mahal din kita Anak.

Papa, kaya dapat gumaling ka. Para sa Graduation ko, nandun ka nanonood.

Di na kaya ni Papa e.

Pero papa..

Alam mo naman na malala na yung sakit ni Papa e.  

Matapang ka naman Pa dba? Lumaban ka, please.

Kung pwede lang anak, lalaban ako. Kaso mahina na si Papa e. Huwag kang mag'alala gagabayan ko kayo ng Mama mo araw'araw.

Pa, wag ka magsalita ng ganyan. T_T Niyakap ko si Papa habang umiiyak.

Gusto ko maging ready ka na. Para 'pag nawala ako di na ganun kasakit. Ayokong iiyak kayo ng Mama mo ha. Kundi mumultuhin ko kayo. Sge ka!

Pa.... T_T

Hndi na kita makakasayaw sa 18th roses mo sa debut mo, hindi nako makakapalakpak sa Graduation mo, Hindi na kita maihahatid sa altar. Pero kahit ganun, tandaan mo Anak. Lagi mo kong kasama. Di mo man ako nakikita pero mararamdaman ng puso mo. Tumingin ka lang sa mga bituin anak, hanapin mo dun yung pinakamalaki nandun ako. 

Till we meet again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon