Angelo pabayaan mo muna si Nic. Nasasaktan din naman yun e.
Onga bro, halika na. Kain nalang tayo.
Pano si Nicole? Baka san pumunta yun. Maligaw pa siya.
Ano ka ba! Ang tagal na kaya dito sa Maynila ni Nic, hindi na maliligaw yun. Tara na!
Sa KFC na lang kami kumain. Medyo nag'aalala ako kay Nicole baka kase hindi niya pa alam yung mga pasikot'sikot dito. Hayy, ako naman kase e, ininis ko pa siya. Amp!
Mahal mo pa ba si Nicole? Tanong ni Eliza. Hindi ako sumasagot ehh kase naman kahit di niya tanungin alam naman niya yung sagot. -.- Hoy Angelo, sumagot ka! Tinutok pa niya sakin yung tinidor niyang hawak! Hhhaa
Baka naman matakot si Angelo sa iyo babe. Hhaha
Hm, Hindi naman ako tumigil na mahalin siya e. Tumigil lang ako na ipakita at iparamdam skanya.
Ahh. Pero do you think matututunan mong mahalin si Arianne?
I don't know. Pero lahat naman natututunan e.
Pero ang puso bro, mahirap turuan lalo na kung ang sinisigaw niyan ay ang pangalang: NICOLE GRACE REYES! Napatawa ng malakas si Eliza. Hhhaa, Si Christian nakakapagsalita na ng ganyan? Drama. XD
Msyado na kase kayong nagiging senti ng babe ko e! Nandito tayo para mag'celebrate dahil nanalo nnman yung school natin sa Basketball League! Bigla niyang inakbayan si Eliza. Nagiging host ka na kakatanong kay Angelo! Baka mamaya biglang maiyak na dito si Angelo, dba bro? Then he laughed.
Bakit ikaw di ka ba umiyak nung nag'break kayo ni Eliza? Lul. Hhhaa
Kumain na nga tayo, ang kulit niyo tlgang magkaibigan!
Ring*
Hello Tita! Bakit po?
Eliza kasama mo ba si Nicole? Wala pa siya hanggang ngayon e.
Kanina po kasama ko, pero nauna po kase siyang umalis. Akala ko po uuwi na,
Wala pa dito e. Baka naligaw na yun!
Hahanapin ko po siya tita, wag po kayong mag'alala.
*End.
Eliza, mama ba ni Nicole yun? Anong nangyari?
Tama ka nga, di pa nakakauwi si Nicole. Wait, tawagan ko muna siya. Baka san pa pumunta yun.
Update niyo nalang ako 'pag nakauwi na si Nicole a. May pupuntahan lang ako. Bye!
Eto na nga ba sinasabi ko e! Maliligaw talaga yun, ang layo pa kase ng pinuntahan naming mall. -.- Pero alam ko kung nasan si Nicole.
Pumunta ako sa school and dumiretso sa rooftop, tama ako nandun siya. Nakaupo siya umiiyak.
Nag'aalala na si Tita, iuuwi na kita. Gulat na tumayo si Nicole.
Pano mo nalaman na nandito ako?
Kapag nasasaktan ka naman dito ka pumupunta dba?
Ya. Uuwi nalang ako mamaya, sge umuwi ka na rin.
Hindi ako uuwi ng hindi ka kasama Nicole!!
Ano ba! Sabi ko umuwi ka na, iwanan mo na ko dito! Lumapit ako skanya at niyakap siya ng mahigpit.
Nicole, please huwag ka nang umiyak. Naalala mo ba yung sinabi ko sayo, yung "If you hide, I’ll seek for you. If you’re lost, I’ll search for you" Nag'alala agad ako nung tumawag kay Eliza mama mo para sabihin na hindi ka pa daw umuuwi. Kaya hinanap kita! Alam mo naman na ayokong nakikita kang umiiyak dba?
Angelo, sorry. T_T I miss you! I want you back. Please come back. This time I'll fight for you!
Hinawakan ko ang mga kamay niya. Naintindihan ko na yung reason mo kung bakit mo ko iniwan. Sinunod mo lang ang papa mo, yun yung tama Nicole. Makitid ang utak ko noon pero ngayon na'intindihan ko na. Sorry kung naging manhid ako dati kasi hindi ko naramdaman na nasasaktan ka din pala nun. Alam mo naman na si Arianne na yung girlfriend ko ngayon. Siguro mas mabuti kung palayain na natin yung isa't isa. Sorry Nicole. Thanks for the memories! You made my life so happy. Umalis nako. Nakayuko si Nicole. Iyak siya ng iyak.
Masakit din sakin 'to. Pero ginagawa ko 'to kase sabi niya nga eto yung tama. Siguro nga hindi kami para sa isa't isa. Pero at least, may nakilala akong katulad niya. Alam ko sa puso ko na hinding'hindi ko siya makakalimutan. She gave me so much happiness for the time we were together. Yung mga memories na hinding'hindi ko makakalimutan. T.T Simula nung mahalin ko siya dun ko lang naramdaman ang true happiness. Hinding'hindi ko pagsisisihan na nakilala ko siya..
