Chapter 43: I'm Back! ;)

77 0 0
                                    

ANGELO's POV:

Tinext ako ng mama ni Nicole na ngayon na yung dating niya. Gustong'gusto ko na siyang makita....

Bigla kong naalala yung nangyari 6 days ago nung pinatawag ako, si Christian and Eliza ni Tita para sabihin na nasa Hospital nga si Tito. Gusto daw kaming makausap ni Tito.

6 days ago..

Tumatawag si Tita.

Hi Tita! Ba't po kayo napatawag?

Kase.... Naramdaman ko na umiiyak si Tita, kaya nag'alala ako skanya.

Tita, bakit po kayo umiiyak? Ano pong nangyari?

Nasa Hospital ngayon ang papa ni Nicole. Meron siyang sakit, Angelo. Gusto ka niya makausap kayo nila Eliza.

Ha? Ano pong nangyari? Sge po, pupunta kame.

Hihintayin ko kayo Angelo..

May sakit daw si Tito? Gusto daw niya kaming makausap? Alam na ba ni Nicole 'to? Kahit na pinagtabuyan ako ni Tito nung pumunta ako sa office niya, naga'alala parin ako skanya. 

Tinext ako ni Eliza.

FR: ELIZA:

Nasa Hospital daw si Tito, gusto daw tayong makausap. Maghanda ka na, susunduin ka na namin ni Christian dyan.

Sinundo na nila ako, nakarating din agad kami sa Hospital. Nilapitan agad kami ni Tita.

Buti nakarating kayo. Halina't pumasok na tayo.

Nakita ko dun si Tito, madaming nakasaksak na mga kung ano'ano sa katawan niya. Pero nakakapagsalita parin siya. Pero ramdam ko na sobrang nanghihina na si Tito. Una niyang kinausap si Christian at Eliza.

Christian, Eliza maraming salamat sa inyo dahil naging kaibigan niyo si Nicole kahit na bago lang siya sa school niyo. Alam kong hindi ako naging mabuting ama skanya, at pinagsisisihan ko yun.   Pinapunta ko ang anak ko sa States, iniwan niya kayo. Kaya patawarin niyo ako. Magmamahalan lang kayong dalawa ha, ipaglaban niyo yung relasyon niyo lalo na kung yun yung tama. 

Niyakap nila si Tito.

Ako naman yung gusto niyang kausapin. Kaya naiwan kaming dalawa ni Tito. Lumabas muna sila Eliza.

Mas malaki ang kasalanan ko sayo Angelo. Nung pinuntahan mko sa office nun, dun ko naramdaman kung gaano mo kamahal si Nicole. Kaya natakot ako nun, iisang anak ko lang kase siya e. Parang hindi ko kayang makita na may boyfriend na yung anak ko. Para kase sakin siya parin yung baby girl ko. Pero hindi e, dapat tinanggap ko na nung una na mangyayari tlga 'to. Na magmamahal yung anak ko. Naging madamot ako. Hindi ko binigay yung kasiyahan ng anak ko. Kaya Angelo, patawarin mo ko. Bago ako mawala, gusto kong ikaw parin yung magmamahal at magpapasaya sa anak ko. Alagaan mo siya. Alam ko na sa huli kayo parin ang magkakatuluyan.

Ayan yung sinabi sakin ni Tito nung nasa hospital siya. Ngayon nasa Davao na sila. Alam ko na mapapatawad ni Nicole ang papa niya. Mabuting anak si Nicole, masunurin siya. Umaasa rin ako na sana kami ni Nicole ang para sa isat'isa, sana kami ang magkatuluyan. <3

Biglang pumunta si Christian sa bahay namin.

Ohh Bro, napadaan ka?

Wala kase si Eliza e. Pumunta siya sa Airport, para makita si Nicole.

Ahh.

Huwag kang mag'alala Bro. Kayo parin ni Nicole hanggang sa huli. Tiwala lang!

Bro, bakit kayo nagtagal ni Eliza?

Kase mahal na mahal ko si Eliza. Kaya lahat ginagawa namin para hindi kami maghiwalay. Para mas lalong maging strong yung relasyon namin.

Sana kami rin ni Nicole, ganyan.

Ngayon na nandito na si Nicole, dumamoves ka na! Hhahaha. Joke lang, gumawa ka ng paraan para magkabalikan kayo. Bagay na bagay pa naman kayo. And siya na yung tamang babae para sayo.

Thanks Bro! In love ka tlga! Hhaha

NICOLE's POV:

"We have just been cleared to land at the NAIA Airport.....

I'm back! Nandito na kami sa Airport, magkikita kami saglit ni Eli bago kami ulet sumakay ni Tita sa plane papuntang Davao. 2x sasakay sa Airplane ngayong araw na 'to. Hhaha!

Nandun na si Eliza hinihintay ako!

Nung nakita niya ko, dali dali siyang pumunta sakin. And she hugged me! >:D<

Nic! Miss na miss na kita! Buti nandito ka na ulet! :) Kamusta ka na?

Mas miss kita Eli. Okay naman, Ehh ikaw kamusta na? Kayo ni Christian?

Ayun, going strong pa rin yung relationship namin. Alam ko na gusto mong malaman kung kamusta na si Angelo. Hm, he's fine. :)

Good to hear that! :) Ang ganda mo sobra Eli!! :)

You're prettier Nic. :) Naks, humaba na hair mo! ;)

Almost 1 year ako nawala kaya for sure humaba na tlga buhok ko. Hhaha! How's my parents?

Bago sila pumunta sa Davao, kinausap muna kami ni Tito. Miss na miss ka na niya Nicole. Hinihintay niya tlga yung pagdating mo. :)

Miss ko na rin sila. Onting oras na lang, makikita ko na ulet sila.

Narinig ko na nadyan na yung eroplano na sasakyan namin. Aww! :( Bitin yung moment namin ni Eli. T_T

Ayan na yung plane niyo. Sge na Nic. Text or tawagan mko 'pag nakarating na kayo sa Davao. Tska 'pag may kailangan ka, dial my number and darating kami dyan sa Davao. Okay? I love you Nic, mag'iingat ka. 

 Niyakap ko si Eli. At umalis nadin ako...

Till we meet again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon