Inaayos na namin ni Tita yung mga papers ng school ko, pati yung Visa namin. Kase 'pag uwi ko sa Pilipinas hindi nako babalik dito. So, dun ko na tatapusin sa Pilipinas yung pag'aaral ko.
Patatapusin ko muna yung finals namin bago ako umuwi sa Pilipinas.
Nicole! Pagpasok ko sa campus, sinalubong agad ako ni Jane. Okay na kami. May good side din pala itong si Jane. Nagkasundo na kami and friends na kami! ;)
Oh Jane! Hi!
Uuwi ka na ba tlga sa Pilipinas?
Oo e. Tatapusin ko lang yung finals natin. Hm, Jane nakita mo si Dylan? Hindi siya nagpapakita sakin e. Hindi rin siya nagpaparamdam.
Maaga siyang pumasok e. Gusto mo puntahan natin yung building niya?
Sgesge!
Pumunta na kami ni Jane sa building ni Dylan. Nakita ko si Dylan na nagbabasa ng mga libro. Di ko na sana siya kakausapin, kaso tinawag na agad siya ni Jane.
Dylan! Come here!
Tumayo siya at lumabas na patungo samin.
Ano kailangan niyo? Ang cold ng pagkakasabi niya. x.x
Gusto ka kaseng makausap ni Nicole e.
Oo Dylan, hindi ka kase nagpaparamdam e. Akala ko may nangyari nang masama sayo. May problema ka ba?
Umiling lang siya at sinabi niya: Yun lang ba sasabihin mo? Sge papasok nako, magre'review pa ko. I nodded.
Tumalikod siya at patuloy na naglakad papasok sa room niya. Kami naman ni Jane bumaba na.
Nicole, okay ka lang? Ang tahimik mo e.
Si Dylan kase e. Parang may something skanya na hindi ko alam.
Oo ngae, ang tamlay niya kanina. Pero malay mo busy lang yun kase nga finals natin ngayon.
Sana nga. Hmm.
Nauna nang umalis si Jane kase magkaiba kami ng building. Hanggang ngayon hindi ko parin alam yung nangyayari kay Dylan. -.- Tinext ko siya nung isang araw tungkol dun sa paguwi ko sa Pilipinas tska sa sakit ni Papa pero hindi siya nagreply. Tinatry ko siyang tawagan pero ayaw niyang sagutin. Wala naman akong ginawa skanya, para iwasan niya ko e.
Almost 5 hours din yung finals namin. Meron pa bukas. -.- Grabe di ko masyadong nasagot yung exam, dahil walang laman yung utak ko puro kalungkutan. T_T Iniisip ko si Papa, dumagdag pa si Dylan!
Buti nalang at nandyan si Jane para makasama ko.
Nicole, maya ka na umuwi. Gala muna tayo, kase ilang araw nalang aalis ka na din naman e. Dapat enjoyin mo na yung stay mo dito! ;)
Sus. Gusto mo lang gumala e. Hhaha! Sge, gala tayo.
Kalimutan mo muna yung mga problema mo huhh? Maging masaya ka muna. :)
Sge, Thanks Jane!
Kakalimutan ko muna yung mga problema ko ngayon. :) Dinala ako ni Jane sa isang Filipino Restaurant. Namimiss na kase namin ang mga pagkaing pinoy e. =))
Kain to the max tlga kami ni Jane! :D
You still wearing your couple ring. Tinignan niya yung daliri ko.