03: 11:11

3.1K 67 9
                                    


STORY BEHIND 11:11


HER POV
"Ano ba Cailey, ganun-ganon na lang yon? Sa loob ng apat na taon, tatalikuran mo yung relasyon na meron tayo? Kingina naman Cailey! Mahal kita! Mahal na mahal kita. Tapos aalis ka? Iiwan mo ko? Papatayin mo ba ko ha? Bakit? May nagawa ba kong mali sayo? Ano? Sabihin mo naman! Hindi yung ganitong mukha akong tanga na naghihintay ng sagot kung bakit kailangan mong tuldukan yung relasyon na meron tayo! "
"...."
"Wala ka ba talagang sasabihin? Magsalita ka naman oh! Bakit ba kailangan mong gawin to? Wag ka namang bumitaw oh. Wag mo namang sayangin yung apat na taon na pinagsamahan natin. Parang awa mo na Cailey! Hindi ko kaya! Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Please. Wag kang bumitaw. Mahal na mahal kita."
"Umalis ka na Gab"
"Umalis? Hindi ako aalis dito hangga't hindi malinaw sakin kung bakit mo ginagawa to! Cailey!Para mo na din akong pinapatay! "
"Umalis ka na sabi!"
"Ayoko!!!! Hindi ako aalis dito hangga't di mo sinasabi sakin kung bakit ganun na lang kadali para sayo na iwan ako. Hindi ako aalis dito hangga't---"
"HINDI NA KITA MAHAL!! MAY IBA NA KONG MAHAL! AYOKO NA SAYO! HINDI NA KITA MAHAL! KAYA UMALIS KA NA!!"
"Hindi totoo yan Cai! Mahal mo ko! Nagbibiro ka lang naman di ba? Mahal mo ko!!!"
"Hindi to biro Gab! Sorry pero di na kita mahal! Umalis ka na! Umalis ka na dahil hindi na kita kailangan sa buhay ko. Iba na ang mahal ko. HINDI NA IKAW ! KAYA UMALIS KA NA!!! "
Umiiyak na sigaw ko at mabigat sa loob na isinara ang gate ng bahay namin.
Masakit iwan at bitawan ang lalaking mahal na mahal mo. Masakit piliing palayain ang lalaking minahal mo ng sobra dahil alam mong yun ang mas makabubuti para sa kanya. Masakit ipagtabuyan at paalisin sa buhay mo yung lalaking walang ibang ginawa kundi ang ipaglaban ang relasyon niyo. At ang pinakamasakit sa lahat ,yung makitang umiiyak yung lalaking mahal mo na walang ibang ginawa kundi ang pasayahin ka at buuin ang araw mo. Wala na. Wala na ang lahat.
Napakalakas ng ulan sa mga sandaling ito. Pero mas pinili kong manatili sa lugar na kinatatayuan ko kahit pa basang-basa na ko. Naririnig ko pa din yung sigaw niya. Yung pagkalampag niya sa gate at pagpupumilit na buksan ko iyon. Yung bawat paghikbi niya na sobrang kumukurot sa puso ko. Yung pagsigaw niya ng mahal na mahal kita na dumudurog ng lubusan sa damdamin ko. Bakit? Bakit nga ba kailangang mapunta tayo sa ganito? Bakit pareho tayong nasasaktan ng ganito? Bakit ang unfair satin ng mundo? Mahal na mahal din kita Gab. Pero mas mabuti na nga sigurong mawala ako sa mundong to na tapos na kung anong meron tayo, kesa mawala ako sa mundong to na ako pa din yung nasa puso mo. Iiwan kita ,hindi dahil sa hindi na kita mahal. Iiwan kita dahil gusto ko, bago ako mawala , may ibang tao na magmamahal sayo gaya ng pagmamahal ko. Gusto ko na may ibang tao na magpapasaya sayo at makakasama mo ng matagal na hindi ko magagawa sayo. Hindi ako magtatagal sa piling mo kaya hindi ako ang karapat-dapat para sayo. Im sorry Gab. Im sorry...
Napaluhod at napatingala sa langit habang nagpapatakan ang ulan kasabay ng pagpatak ng luha ko.
Hanggang sa maramdaman ko na lang ang bisig na nakayakap sakin. Si mama..
"Anak. Pumasok ka na sa loob. Tahan na. Tara na. Umalis na sya. " umiiyak na tonong sabi niya.
"Mama." para kong bata na umiiyak sa balikat ng isang ina. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Para kong iniwan ng mundo , kahit ako yung nangiwan sa lalaking naging mundo ko.
Its 6:00 in the evening...
Tahimik lang ako na nakaupo sa may passenger's seat ng kotse na sinasakyan ko at tinatanaw ang bawat madadaanan nito.Mamimiss ko ang lugar na ito. Mamimiss ko ang lahat ng ito. Pero ang pinakamamimiss ko sa lahat, yung lalaking nakilala ko sa lugar na to. At yung mga ala-ala na nabuo dito kasama siya.
"Sigurado ka na ba talaga anak sa desisyon mo? Ayaw mo ba talagang magpunta sa Amerika? Anak.. Kaya pa nilang dagdagan ang buhay mo.Kaya ka pa nilang paga----"
"Ma!! Wala na.. Limitado na ang buhay ko.. At sa loob ng tatlo, dalawa o baka nga isang linggo na lang ang taning ko ma.. Yun ang sabi ng doktor di ba??.. Wala ng pag-asa... At ayoko na ring umasa... "
"Naniniwala ako anak na may pag-asa pa. Madami ka pang pangarap di ba?Kaya please... Wag ka namang mawalan ng pag-asa. " muli kong niyakap si mama.
Nadiagnose ako na may sakit na cancer sa dugo. At kumalat na yun. Malala na at nasa stage 4 na. At ang daya lang, dahil saka ko lang to nalaman kung kelan malapit na pala kong mabura sa mundong to.
"Hinanda ko na ang sarili ko para dito mama.. " At gayon na lang ang mahigpit na pagyakap sakin ni mama. Habang naririnig ko ang pagiyak niya sa mga balikat ko.
Bumalik na ko sa ospital na naging tahanan ko sa loob ng dalawang buwan na magkalayo kami ni Gab at ang alam niya noon, kasama ko sila papa sa isang bakasyon. Di niya alam na nandito ako sa ospital na to at nilalabanan ang sakit na dumaloy sa buong katawan ko. Muli akong pumasok sa puting kwarto at humiga sa puting kama na katabi ng mga apparatus na muli na namang isasalpak sa iba't ibang parte ng katawan ko. Pinikit ko ang mga mata ko.
HIS POV
Di ko alam ang dahilan ng pagbitiw mo. Di mo man lang nagawang ipaliwanag sakin ang lahat. Yung sinasabi mong may mahal kang iba,imposible naman Cai! Apat na taon ? Nagsawa ka ba? Kaya ba bumitaw ka ?Kingina!Para na kong mamamatay Cai! Sobrang sakit. Di ko kaya !
"Gab!! Lumabas ka na nga dyan sa kwarto mo!Tama na yang pag-inom mo ng alak! Isang linggo ka ng ganyan! Papatayin mo ba yang sarili mo? Alam mo? Kung masaya syang iniwan ka niya, pwes magsimula ka na ulit. Maging masaya ka na din. Wag kang magpakalugmok ! Ipakita mong mali na iniwan ka niya." Diretsong pumasok sa kwarto ko si Vina. Kababata ko. Dumating sya ,tatlong araw matapos makipaghiwalay sakin si Cai. Umuwi sya kasi nabalitaan niya daw yung nangyari sakin at sa amin ni Cai. Pero wala namang nagbago kahit nandito si Vina. Pinipigilan niya lang ako sa mga ginagawa ko lalo na ang pagiinom! Pero hindi siya ang kailangan ko. Si Cai... I want her ! Gusto ko na syang bumalik sakin. Mahal na mahal ko sya! Sya lang ang gusto ko! Sya lang ang kailangan ko. Kahit triple yung sakit na iniwan niya sa puso ko. Mahal ko pa rin siya !
Kinuha ni Vina ang hawak kong baso na may lamang alak...
"Sinabi ng itigil mo na to!!!! She dont deserve your love!!! She already left you! At di ka na niya babalikan!!!"
PAAAK!!
Di ko napigilan ang sarili ko matapos magpantig ang mga tenga ko sa mga sinabi niya...
Napahawak sya sa pisngi niya matapos ko syang mapagbuhatan ng kamay...
"Wala kang karapatan na sabihin sakin yan... Di mo alam kung gaano namin kamahal ang isa't isa!! Babalikan niya ko!!!! "
"Wala nga kong karapatan pero nandito lang naman ako bilang kaibigan mo !!! Nandito ako para damayan ka!!! Nagmamalasakit lang ako.. Dahil alam kong kailangan mo ngayon ng masasandalan.. Pero wala nga pala kong karapatan... Dahil sino nga lang ba ko sayo?.. Wala !! Wala lang ako sayo !! " saka sya tumakbo palabas ng kwarto ko...
I really dont know what to do! Di ko alam kung paano o saan ako maguumpisa.. Di ko alam kung tatanggapin ko na lang ba na wala na siya sa buhay ko o hihintayin ko pa din syang bumalik.
Nahiga ako sa kama ko. At muli ko na namang ninamnam yung pagpatak ng mga luha ko sa king mga mata...
HER POV
Dalawang linggo na ang nakakalipas.. Isang linggo na lang pala.. Ibang-iba na ko.. Ibang-iba na yung itsura ko... Wala na yung dating lakas ko... Halos buto't balat na nga lang ako.. Wala na yung sinasabi nila na Cai na maganda at dyosang dyosa daw..Yung buhok ko na halos maubos na at ilang piraso na lang ang natira ... Wala na yung dating haba at lambot nito.. Yung katawan ko na halos nagagawa ko pa yung mga gusto kong gawin . ngayon ay hindi na.. Tinanggal ko na ang mga machine na nakasalampak sakin.. At nagdesisyon ako na sa loob ng isang linggo na natitira sakin, hindi ako mananatili sa loob ng ospital na ito.. Gusto kong masilayang muli ang ganda ng labas.. Ang mga tao sa paligid ... At ang ingay na ang tagal ko ding hindi narinig mula sa labas...At masasabi ko na handa na nga talaga ko...
Handa na ko, dahil masaya na siya..Handa na ko, dahil may mahal na siyang iba..Handa na ko, dahil iba na ang nagaalaga sa kanya...Handa na ko, dahil nagawa na niyang magpapasok ng iba sa puso niya...Handa na ko dahi..
Ikakasal na siya sa iba..
Siguro dahil sa sinabi ko kay mama na sabihin sa kanyang ikakasal na ko para tuluyan niya na kong bitawan.. At tinanggap niya na nga din marahil na di na ko babalik pa sa buhay niya...
HIS POV
Dalawang linggo na ang lumipas.. Madami na ang nagbago. Lalo na nung malaman kong ikakasal na sya sa iba..Yun ang naging hudyat ko para itigil na nga siguro tong kahibangan ko na mahalin pa sya..
Si Vina.. Di sya nawala sa tabi ko..Kahit ilang beses ko pa syang pinagtabuyan..
Kahit ilang beses ko pa syang napagbuhatan ng kamay.. Nanatili sya sa tabi ko.. Naging sandalan ko sya..
Kaya napagdesisyunan ko na ding baguhin ang buhay ko at sanayin na iba na ang magiging takbo nito.. Pinapasok ko sa puso ko si Vina.. At pumayag ako sa desisyon nila papa na ipakasal ako sa kanya...Kahit hanggang ngayon..Di ko maitatangging ..Mahal na mahal ko pa din sya!!Pero ito na nga lang talaga siguro ang tanging paraan para unti-unti ko na syang bitawan.
Sa linggo na ang kasal namin ni Vina.. isang linggong paghahanda... Nagpunta ko sa isang parke bago ako makipagkita kay Vina at sa wedding planner namin.. Sa paglalakad ko, .. Natanaw ko ang isang babae na nakatitig sa isang puno... Yun yung puno na lagi naming tinitigilan ni Cai.. At yung punong yon ang saksi sa apat na taon na pagmamahalan naming dalawa.. Nakatalikod yung babae na yun sa kinatatayuan ko.. Hindi ko alam kung bakit gayon na lamang kalakas ang kabog ng puso ko ... Imposibleng si Cai ang babaeng yun ,dahil payat ito , at natatakluban ng bonet ang mga buhok niya... Imposibleng si Cai iyon dahil mahaba ang buhok nito.. At imposibleng si Cai iyon dahil nakawheel chair ito... Lalapitan ko na sana yung babae pero lumapit ang isang nurse dito at umalis kaagad sila sa lugar na yun.. Di ko na sila nagawang sundan pa... Lumapit ako sa punong yun... At nakita ko ang isang papel na nasa tapat nito. Pinulot ko iyon at binasa ang nakasulat dito.
GAB ,
Salamat sa lahat ng ala-ala na nabuo kasama ka.. Salamat sa mga taon na pinaramdam mo sakin ,kung gaano ako kahalaga.. Salamat sa pagmamahal mo na sobra sobra.. Patawad.. Patawad sa paglisan ko sayo.. Patawad kung tinuldukan ko yung relasyon na meron tayo.. Patawad kung nasaktan kita ng sobra.. Patawad kung sinira ko yung pangako natin sa isa't-isa.. Hindi kita magagawang pasayahin ng habambuhay.. Hindi kita kayang alagaan ng matagal.. At di ko kayang manatili sa buhay mo hanggang sa tumanda tayo... Patawad... Patawad kung binitawan kita... Patawad kung sinukuan ko kung ano ang meron tayo... sana.. Sana maging masaya ka sa piling niya.. Pahalagahan mo siya ha.. Mahalin mo siya.. Karapat dapat siya para sayo.. At masaya ko kasi nakikita kong masaya ka... Sa piling niya...
Alam kong imposible na din na bumalik ka sa lugar na to.. Pero kung sakali man , .. Kung sakali man na mabasa mo to,.. gusto kong sabihin sayo na ,walang nagbago... Walang nagbago sa nararamdaman ko para sayo.. Mahal kita.. At hinding-hindi yun magbabago... Gusto kong hilingin na sana makita pa kita... Pero di na ata mangyayari yun.. Abala ka na sa bagong buhay mo... At sana nandun ako sa masayang araw mo... Sana nandun ako sa kasal mo.. Gusto kong makita muli yung mga ngiti mo.. Kaso sa araw na yun, aalis na ulit ako... At pupunta na ko sa pinakamalayong lugar... Pero ok lang Gab... Basta alam ko na masaya ka na.. Masaya na din ako... Mahal na mahal kita Gab.. Mahal na mahal kita... Hanggang sa muli nating pagkikita... Sa lugar kung saan wala ng problema... Paalam :')
-Cai
Tila bumagsak ang mga balikat ko matapos kong basahin ang sulat na yun.. Halu-halong emosyon yung nararamdaman ko... Napuno ng tanong yung isip ko... Anong ibig niyang sabihin?.. Shit!!!
Di ko napigilan ang emosyon ko ng makita ko ang isang face mask na may nakaburdang pangalan ni Cai... Muling bumigat ang dibdib ko.. Mas doble pa sa sakit noon ng iwan niya ko.. Binitawan niya yung relasyon namin dahil nilabanan niya yung kung anumang sakit na pinagdadaanan niya??
HER POV
Huling dalawang araw.. Bukas na ang kasal niya ... At bukas , mabubura na ko sa mundong to...
Hinang-hina na ang katawan ko pero pinipilit ko pa ding lumaban... Kinausap ko sila mama na kung pwede akong lumabas... At pumunta sa isa pang lugar na napakaimportante sakin... Nagpunta ko sa simbahan ... Simbahan kung saan ipinangako ni Gab sakin na dun kami ikakasal sa ikaanim na taon ng relasyon namin..
Lumuhod ako... Tumungo ... Pumikit at kinausap SIYA...
"Salamat po sa buhay na ipinahiram mo sakin... Salamat po kasi nakilala ko sya.. Yung taong bumuo ng buhay ko.. Yung lalaking minahal ako sa loob ng apat na taon.. Salamat po kasi sa kabila ng lahat ng pagsubok na pinagdaanan ko , pinatatag mo ko... Salamat po kasi naging matapang din ako.. Salamat po sayo... Salamat po Panginoon... May hihilingin po sana ko sayo.. Wag mo po syang pababayaan ha?.. Gusto ko po syang maging masaya.. Bukas.. Sa huling araw ko, sana ... Sana makita ko po syang nakangiti.------"
"Cai... " natigilan ako ng may isang babae ang tumayo sa harap ko.
"Vina.."
"Anong ibig sabihin nito? Anong nangyari sayo?.. Bakit ka nagkaganyan?.. Anong sinasabi mong huling araw??" Ngumiti ako sa babaeng nasa harap ko ngayon... Yung bagong babae sa buhay ni Gab
"Kaya mo sya iniwan? Cai.. Anong sinasabi mong huling araw?.. "
"Masaya ko pra sa inyong dalawa.. Salamat Vina.. Dahil nandun ka nung araw na kailangan niya ng masasandalan.. Alagaan mo sya.. Mahalin mo sya ha. At pagpasensyahan mo na yung minsang kakulitan niya.. Pag nagagalit sya , lambingin mo lang.. Ok na yun. Wag mo syang iiwan ha.. make him happy everyday. Please promise me. " sabay na pumatak yung mga luha naming dalawa.. Niyakap ako ni Vina..
"Bakit di mo na lang sinabi sa kanya.. ? "
"Mas ayoko na nakikita siyang nahihirapan at malungkot sa sitwasyon ko.. Ayokong magdusa sya sa tuluyang pagkawala ko.. Malala na yung sakit ko.. At taning na lang ang buhay ko.. Bukas. Maaaring bukas bawiin NIYA na tong buhay ko. Kaya ipangako mo sakin na pasasayahin mo sya.. At mamahalin ng sobra..."
HIS POV
Araw na ng kasal namin... Dala dala ko pa din yung bigat na hindi ko alam kung saan nanggaling...
Hinanap ko siya.. Pero nabigo ako.. Di ko siya nakita... Wala ni miski anino niya ang nagpakita sakin..
Nasa loob na ko ng simbahan... Ang araw na espesyal para sa dalawang tao na nagmamahalan.. Ikakasal na ko.. Pero bakit ang bigat-bigat ng pakiramdam ko?.. Bakit parang kinokontra ako ng puso at isip ko sa desisyon kong ito?.. Di ko man lang namalayan na naglalakad na pala sa isle si Vina suot ang gown na pinili naming dalawa para isuot niya sa espesyal na araw na to... Pero teka.. Bakit siya umiiyak ng ganun?... Sobrang lungkot ng mga mata niya... Hanggang sa makalapit sya sakin.. Niyakap niya lang ako ng sobrang higpit...
At tila gumuho ang mundo ko sa mga sinabi niya...
"Puntahan mo sya.. Ito na ang huling araw niya.. Sa ***** hospital... May cancer sya.. at may taning ang buhay niya.. Ngayon ang nakatakdang araw na babawiin ang buhay niya... Puntahan mo si cai... Kailangan ka niya.. At mahal na mahal na mahal ka niya... "
Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay pagtakbo ko papunta sa kotse ko.. Pinaandar ko ito ng sobrang bilis patungo sa hospital na sinabi ni Vina... Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko...
" Please Cai.. "
"Lumaban ka.. Nandyan na ko.. "
"Wag mo kong iwan .. Wag kang sumuko..."
" Cai... Magkikita pa tayo.. Magkikita tayo... "
"wag kang bumitaw... Please.. Hintayin mo ko.. MAGKIKITA TAYO!!! "
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
*BOOOOGGGHHSSSHH**
And all went black...
(Author's PoV)
Sa sobrang bilis ng pagmmaneho ni Gab, di niya namalayan na may isang truck na sasalubong sa kanya... Nawalan ito ng preno, at malakas ang impact ng pagbunggo sa sasakyan nito na dahilan ng
Pagsugod sa kanya sa ospital ... At sa pagkakataong iyon, dun pa sya dinala sa katabing kwarto kung saan nagaagaw buhay ang isang babae na may malubhang karamdaman.. Si Cai...
Subalit sa pagkakataong iyon din ay sabay sila na binawian ng buhay..
TIME OF DEATH 11:11
Tinupad ni Gab ang pangako niya kay Cai.. Na magkikita pa sila at magkakasama subalit iyon ay sa lugar kung saan may habambuhay sa piling ng isang AMA na lumikha ng istorya ng pagmamahalan nilang dalawa....
WAKAS..

Sad Stories (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon