08: SUKDULAN.

1.5K 25 1
                                    

~~

Ako po si Ivan. Pitong taong gulang. Mahal na mahal ko po ang aking nanay at tatay. Ngunit kasabay nito ay takot na takot din ako sa kanila. Madalas kasi nila akong sinasaktan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dahilan.
Kaninang umaga ay maaga akong gumising para pumasok sa eskwela. Nag-aaral akong mabuti at paborito ako ng aking guro. Marami akong mga kaklase, pero wala ako na kahit isang kaibigan. Pag breaktime ay madalas lang akong nasa loob ng classroom. Wala kasing gustong makipaglaro sa akin. Sinusubukan ko namang maging malapit sa ibang mga bata pero nilalayuan nila ako.
"Umalis ka dito. Ampangit mo!" ang madalas nilang sabihin sa akin.
Madalas nila akong pagtawanan dahil sa luma at sira-sira kong uniporme at sapatos. Isang araw, pagkatapos ng klase, nagpunta ako sa lagayan ng mga jacket sa eskwelahan namin. Kumuha ako ng isa sa mga jacket na nakasabit. Matagal nang nakasabit yun duon at sa tingin ko ay wala nang nagmamay-ari. Umuwi ako suot ang makapal na jacket at naglakad sa gitna ng makapal na nyebe. Madalim ang paligid. Malakas ang hangin na tumatama sa aking mukha. Hirap akong maglakad dahil sa bayo ng hangin. Nangangatog ako sa lamig. Maya-maya pa, may bigla na lamang tumulak sa akin mula sa aking likuran. Bumagsak ako sa kalsada at tumama sa makapal na nyebe ang aking mukha.
"Walang gustong makipagkaibigan sayo! Lampa!" sigaw sa akin ng matatapang kong kaklase.
Sinubukan kong tumayo pero nagpakawala sila ng mga tadyak sa aking tiyan at likuran. Pagkatapos nun ay tumakbo na silang papalayo at iniwan na akong mag-isa.
Umiyak lang ako ng umiyak hindi dahil sa sakit ng katawan kundi dahil sa wala akong kaibigan.
Pagdating ko ng bahay, sinalubong ako agad ng aking galit na galit na ina. Hinila niya ang buhok ko at sinabi:
"Saan ka nanggaling? Bakit andumi-dumi ng damit mo? Pasaway ka talagang bata ka. Hindi ka maghahapunan ngayon at hindi ka pwedeng lumabas ng kwarto mo!"
Sinunod ko si nanay at hindi lumabas ng kwarto hanggang sa sumunod na araw. Gutom na gutom ako at sobrang nilalamig.
Simula nang araw na yun, unti-unti nang bumaba ang aking mga marka sa eskwela. At tuwing malalaman ni tatay ang tungkol sa mababa kong grado, binubugbog niya ako. Isang beses, hinampas niya ako ng napakalakas na nagpabaluktot sa hintuturo ko. Hindi ko na maigalaw ng maayos ang aking daliri dahilan para pagtawanan akong muli ng mga kaklase ko.
Sa pagdaan ng mga araw ay nakaranas na ako ng pananakit ng dibdib. Sa kabila nito ay hindi naman ako iniintindi ng mga magulang ko. Kapag mahihiga ako sa kama, isang bagay lang ang pinapangarap kong mangyari. Gusto ko sana na may yumakap sa akin.
Isang araw, sa muling pagpasok ko sa eskwelahan, inutusan kami ng aming guro na ipinta sa isang malinis na papel ang aming pinakamalaking pangarap sa buhay. Ang iginuhit ng karamihan ay magagarang kotse, malalaking bahay at magagandang laruan. Ako, wala sa mga yun ang iginuhit ko. Hindi dahil sa ayoko ng mga bagay na yun kundi dahil iba talaga ang pangarap ko.
Ang talagang nais kong makamit sa buhay ay ang magkaroon ng mapagmahal na mga magulang.
Iginuhit ko ang larawan ng isang masayang pamilya. Larawan ng isang tatay, isang nanay at isang anak. Sa larawan ay masayang naglalaro ang bata kasama ng kanyang mga magulang. Habang ipinipinta ko ito sa isang sulok ay hindi ko maiwasang mapaluha. Gustung-gusto ko talagang magkaroon ng nanay at tatay na magmamahal sa akin.
Nang ipakita ko sa buong klase ang aking iginuhit, malakas na halakhakan lang ang naging kapalit.
Sinabi ko sa kanila:
"Ang pangarap ko sa buhay ay magkaroon ng masayang pamilya."
Matapos kong magsalita ay lalo pa silang nagtawanan. Hindi ko na napigilang humagulgol sa harapan.
"Wag niyo naman akong pagtawanan. Ito talaga ang pangarap ko. Pwede niyo akong saktan. Pwede niyo akong kagalitan. Pero pakiusap, wag niyo namang pagtawanan ang aking pangarap. Gusto ko ng mga magulang na gaya ng mga magulang niyo. Yung yayakapin ako, susunduin ako sa school at aalagaan ako. Alam ko na pangit ako, alam ko na lampa ako, baluktot ang hintuturo ko pero parang awa niyo na, wag niyo naman akong pagtawanan," pakiusap ko sa kanila.
Pinahiran ni titser ang luha ko. Tila naunawaan naman ako ng ibang mga kaklase ko habang ang ilan, patuloy pa rin sa paghalakhak.
Isang araw, nakakuha ako ng bagsak na marka sa pagsusulit. Takot na takot akong umuwi ng bahay. Tiyak magagalit na naman sina nanay at tatay. At gaya ng inaasahan ko, nagalit si nanay sa ibinalita ko. Hinila niya ang buhok ko at ibinalandra ako sa sahig. Napuruhan ang hita ko nang tumama ito sa silya. Hindi pa siya nasiyahan, lumapit siya sa akin at iniumpog ng dalawang beses ang ulo ko. Hindi ako makatayo. Hindi ako makagalaw. Iniwan na lamang akong mag-isa ni nanay sa sahig na namimilipit sa sakit.
Hindi pa dun natapos ang paghihirap ko. Pagdating ni tatay, siya naman ang gumulpi sa akin. Hinila niya ako at sinampal ng pagkalakas-lakas.
Hindi ko na maalala ang sumunod na nangyari. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa ospital na ko. Hindi ko maigalaw ang namamaga kong mga kamay. Lumingon ako sa may bintana at napaluha na lang.
Tanaw ko mula sa may bintana ang ilang mga magulang na nakikipaglaro sa kanilang mga anak. Iyak ako ng iyak dahil hindi ko man lang alam ang pakiramdam na maykap ng isang magulang.
Ngunit kahit na binubugbog ako nina nanay at tatay, alam ko sa puso ko na mahal ko pa rin sila. Ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko. Sinubukan kong maging mabuting anak at estudyante pero sa kabila nuon ay ayaw pa rin nila sa akin.
Nagpabalik-balik ako sa ospital dahil sa paninikip ng dibdib. Akala ko na sa pagkakataon na yun ay mararanasan ko na ang kalinga nila, pero naghihintay lang pala ako sa wala.
Ang orihinal na bersyon ng kwentong ito ay mula sa isang Russian fictional story. Sinasabi na makalipas ang ilang araw, binawian ng buhay si Ivan dahil sa tinamo nitong mga pinasala mula sa pambubugbog ng kanyang mga magulang. Sa pamamaalam ni Ivan, isang liham ang natagpuan sa kanyang kamay na ganito ang nakasulat:
"Dear Nanay at Tatay.
Patawad po kung ako ay pangit, lampa at madungis. Patawad po dahil nahirapan kayong mahalin ako.
Ayoko pong mapahiya kayo nang dahil sa akin. Ang tanging hiling ko lang ay maramdaman ang yakap ni nanay.
Tay, gusto ko sanang maglaro nang kasama ka, ang makasama kang maglakad sa habang ang mga kamay ko ay iyong hawak-hawak.
Tandaan po ninyo na anuman ang mangyari, mahal na mahal ko kayo PAALAM"

----------------------------------

I'm Backkkkk!!

IM SO, SORRY KUNG NGAYON
NALANG ULI AKO NAKAPAG UPDATE

NAGING BUSY KASI AKO
SO SANA PO MAINTINDIHAN NIYO SI AUTHOR.

-authorL.

Sad Stories (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon