11

1K 18 0
                                    

"Ano na naman ba iyong kahihiyang ginawa mo?! "
bulyaw nyang tanong sa akin.


Nangingilid na luha ko syang sinagot.

"Sssoo....Sorry."

Ang tanging salitang lumabas sa aking bibig bago ako napayuko.


"Sorry? Hindi mo man lang ba naisip ang kahihiyang ginawa mo?! Nakakapagod ka nang mahalin! Nakakapagod ka na talaga.."
Singhal niyang muli.

Alam kong hindi lamang ang mga salitang iyon ang nais nyang bitawan. Alam kong konti na lang at masasambit na nya ang salitang "tanga","bobita" at "walang isip".


Pero hindi ko na kaya. Pagod na rin ako. Hindi lang siya ang pagod.

"Ano? Nakakapagod na akong mahalin? 'Yan na naman ba ang sasabihin mo?! Pwes , ako, pagod na rin"

sambit ko kasabay ng pagpatak ng mainit na likido mula sa aking mata.

"Matagal na rin akong pagod, Brian ! Pagod na rin akong intindihan ka!"

Matapos kong sambitin iyon ay sunod-sunod na luha ang kumawala sa aking mga mata.

Nagulat sya sa pagsigaw ko, marahil sa ito ang unang pagkakataon na sinagot ko sya. 
Pero hinayaan nya lang akong magpatuloy.

"Pagod na pagod na ako,Brian."
Patuloy kong paghagulgol.

"Pagod na akong gawin ang mga bagay na hindi ko naman gusto just for you to be proud of me as your girlfriend. "
Singhal ko.

"Nakakapagod ka nang i-please sa lahat. Iyong tipong I have to watch my every action because you're eyes are focus on what dumbness am I going to do next."


"Pagod na akong pigilan ang sarili kong gawin ang mga bagay na gusto ko because it won't make you happy" Tuloy tuloy ko pa ring sambit.

"Pero paano naman ang happiness ko?"


Dati ang akala ko, 'pag nakita kong masaya si Brian sa mga ginagawa ko magiging masaya na rin ako kahit na hindi ko naman talaga 'yun gusto. Pero heto ako ngayon. Dumating na sa puntong gusto ko na lang maging ako.


"Sorry if I made you feel controlled. Mahal lang kita kaya gusto ko you excel too in different fields like me." Paghingi nya ng paumanhin pero may halong pagkadismaya sa biglaang pag-amin ko.

"Mahal? Mahal mo nga ba talaga ako? Ayy, mali. Minahal mo nga ba talaga ako?" Patuloy kong tanong kasabay ng patuloy na pagpatak ng luha.


"Kasi ang alam kong dapat kong maramdaman sa pagmamahal ay kasiyahan at pait. Pero bakit puro pait at pagdurusa? "

sunod kong tanong. 

.
.
"At para mawala na ang pait, let's just finish this suffering. I. Am. Breaking. Up. With . You "

may halong diin kong tono kasabay pa rin ng pag-agos ng aking luha.

"No! Hindi pwede! Please, no no" pagmamakaawa sa akin ni Brian.

Gusto kong maawa kay Brian pero mas nananaig ngayon ang awa ko sa sarili ko. I have to be selfish even just for now.

"No, Brian. Tama na. Hanggang dito na lang ito"


"I am already tired being your coward, obedient and pathetic girlfriend. And.... I Quit"


Matapos kong sambitin ang mga huling salita ay nagpasya na akong iwan siya ng tuluyan.

Sad Stories (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon