14

1K 16 0
                                    

"Mabuti pa sigurong maghiwalay na tayo. Tama na 'to. Sorry."

Napasinghap ako nung marinig ko ang sinabi ni Markus sa kausap niya sa cellphone. Kita ko sa mga mata ni Markus ang sakit at ang dahan-dahang pagpatak ng mga luha sa mga mata niya pero pinanatili niyang matigas ang boses niya matapos niyang magsalita ulit.

"The feelings are gone, Jamie. Wala na akong maramdaman pa sayo. I tried to bring back the feelings that I used to feel before pero wala eh. Wala na siya, Jamie kaya I am sorry but I am breaking up with you. This is gonna be the last. Bye."

Napatulala nalang ako kay Markus nung ibaba niya ang tawag. Pagkatapos ay sinalubong ng mga mata ko ang namumula niyang mga mata na wala paring tigil sa pag-iyak.

"Best friend, nagawa ko na. Nasaktan ko na siya. Hindi ko alam kung tama ba tong desisyon ko."

Dahan-dahan akong napalapit kay Markus at napayakap sa kaniya.

"Hindi ko alam kung tama ba tong ginawa mo, Markus o hindi pero susuportahan ko maging anuman ang desisyon mo." Bulong ko sa kaniya na naging dahilan din para yakapin niya ako ng mahigpit.

"Best friend, I'm sorry at naiipit kita sa sitwasyong to. I'm sorry."

"Ayos lang, best friend. Ayos lang."

Napapikit ako ng mga mata ko  matapos kong sabihin ang mga salitang iyon.

Best friend...

Ang totoo niyan, masakit siya sakin. Ang isiping hanggang pagkakaibigan lang ang kayang ibigay sayo ng taong mahal mo. Ang isiping may iba ng minamahal ang taong mo. Pero sa ngayon, hindi ko mapigilang magpaka-selfish.

May sakit si Markus. Canser sa dugo. Hindi ko alam kung ano na ba ang nangyayari sa treatment niya pero isa lang ang alam ko, hinang-hina na ang katawan niya. At masakit ang makita siyang nahihirapan at umiiyak habang iniisip na sana'y mawala na ang sakit na nararamdaman niya. Pero sa desisyon niyang hindi ipaalam sa girlfriend niya ang sitwasyon niya dahil alam niyang sa dulo, mawawala rin siya sa mundong to, hindi ko mapigilang mainggit at masaktan. Mabuti pa raw ang saktan niya ang damdamin nito ngayon pero kung makakahanap naman ito ng bagong mamahalin na siyang mag-aalaga rito at hindi siya iiwan ay mas mabuti na raw iyon.

Nung napagdesisyunan yon ni Markus, hindi siya sigurado sa desisyon niya at wala siyang lakas ng loob na gawin iyon. Pero selfish na kung selfish pero ako ang umudyok sa kaniya na ituloy ang planong naisip niya, hindi para sa kapakanan ni Jamie kundi para ako na ang bahalang mag-alaga sa kaniya. Para narin sa akin na siya dedepende at magkaroon ako ng mas mahabang oras na makasama siya. Dahil dito'y ramdam kong ako ang kasintahan niya, ako ang asawa niya... ako ang taong nagmamahal sa kaniya na siyang minamahal niya rin.

Ngunt sinong mag-aakala na matapos ang ilang araw na pakikipaghiwalay ni Markus kay Jamie ay hinanap siya ni Jamie sa kung saan-saan hanggang sa ako na ang mapagtanungan niya.

"Please, ikaw ang best friend ni Markus kaya baka alam mo kung nasaan siya. I really need to talk to him, personally. I love him at may dapat pa kaming pag-usapan. Please." Naiiyak na pagmamakaawa sakin ni Jamie na pinilit ko lang na hindi pansinin. Selfishly, iniisip ko na para rin to sa kanilang dalawa. So when I opened my mouth, I made the biggest mistake I ever did in my life.

"Wag mo na siyang hanapin pa, Jamie. Tanga ka ba o ano? Hindi pa ba halatang pinagtataguan ka niya? At hindi, wala na kayong dapat pang pag-usapan dahil hiwalay na kayo. At para sabihin ko sayo, tigilan mo na siya dahil buntis ako at— at siya ang ama!"

"B-buntis ka?" Natulalang tanong niya pagkatapos ay namutla pa.

"Oo. Kaya tigilan mo na kami!"

"I'm sorry. I'm really sorry." Nakita kong nanginig siya pagkatapos ay tumalikod na at tumakbo.

Napahawak pa ako sa dibdib ko nung makaramdam ako ng guilt matapos makita ang namumutla niyang mukha at ang mga luhang tumutulo mula sa kaniyang mga mata.

Pero hindi ko inakalang pagsisisihan ko ang nagawa ko nung malaman kong na-depress daw si Jamie dahilan para uminom siya ng maraming sleeping pills at kung anu-ano pang gamot para sa anxiety pero nauwi iyon sa pagka-overdose at pagkalaglag ng bata sa sinapupunan niya. Oo, buntis na pala siya noon. Buntis na pala siya pero nawala iyon dahil sa kagagawan ko.

Nung malaglag ang bata sa sinapupunan ni Jamie ay wala namang masamang nangyari sa katawan niya maliban sa panghihina at pagkawalan ng malay ng ilang araw pero matapos niyang malaman ang nangyari sa bata, iyon na ang naging dahilan para tuluyan siyang lamunin ng kalungkutan niya at mawalan na siya ng tamang pag-iisip.

Na-guilty ako sa nangyari kay Jamie but then again, selfishness has gotten into me kaya sinubukan kong itago ang lahat kay Markus.

"Best friend, kamusta na kaya si Jamie?" Naalala kong tanong ni Markus habang pinapakain ko siya ng sopas.

"Ahmm. Sa tingin ko'y ayos naman siya." Iwas ang mga matang sabi ko sa kaniya.

"Wala ka bang balita sa kaniya?"

"Dinig ko, may kinikita na siyang bago at buntis siya."

Nakita kong nangunot ang noo ni Markus sa sinabi ko at napakuyom siya ng kaniyang mga kamay.

"Buntis siya?"

"Oo. At mukhang masaya siya—

"Sinungaling!"

Nagulat ako sa naging pagsigaw ni Markus pagkatapos ay tinabig niya ang sopas na hawak ko dahilan para matapon ang sabaw nito sa kamay ko at mapaso ako. Pero habang tinititigan ko ngayon ang nga mata niya, tila ba'y balewala ang sakit na nararamdaman ng paso ko sa kamay sa sakit na nararamdaman ng puso ko.

"Akala ko kaibigan kita pero bakit mo ginagawa sa akin to? Alam ko ang lahat! Alam ko  nag totoo! You killed my child at dahil sayo, nawala sakin si Jamie. Bakit? Bakit mo nagawa sakin to?" Umiiyak na tanong ni Markus tsaka hinang-hina na pinilit na makabangon para lamang itapon ang mga bagay na kaya niyang maabot.

"Wala na sila sakin. Wala na..." Dinig ko pang naiiyak na bulong ni Markus pero tinalikuran ko nalang siya bago ako tuluyang lumabas ng kwarto niya.

I felt guilty sa lahat ng nagawa ko pero ano pa bang magagawa ko? Nagawa ko na. Nasaktan ko na sila. Kahit pa'y pakiramdam ko, ang naging kasalanan ko lang naman ay ang mahalin si Markus.

Ilang araw din akong hindi na nagpakita kay Markus dahil sabi narin niya sa mga magulang niya na ayaw niya na akong makita pa. Pero isang araw, nung magpumilit akong makita siya ay tumakas lang ako sa mga mata ng magulang niya para makapasok sa kwarto niya para makita siya. Pero hindi ko inaakalang makikita ko nalang siyang nakahiga sa kama niya habang yakap yakap ang litrato nilang dalawa ni Jamie na ngayo'y puro na dugo.

Umubo pala siya ng dugo. Umubo siya ng umubo na naging dahilan para matakpan na ng mga dugo ang hawak niyang frame. Pero bakit ganon? Sa maputla niyang mukha at walang buhay niyang katawan, kita ko parin kung gaano niyang sinubukang kumapit sa litrato nilang dalawa ni Jamie na magkasama. 

Nakokonsensiya ako, oo. Pero ang sakit sakit lang pero hindi ko na mababago pa ang mga bagay na dati kong nagawa.

Kaya nama'y tuwing gabi, tuwing napapanaginipan ko ang panubumbat at ang pag-iyak ni Markus at ang pagpalahaw ni Jamie sa sakit ay napapapikit nalang ako't napapatakip ng aking mga tenga habang paulit-ulit na sinasabing, 'tama na. Tama na.'

Sad Stories (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon