04

2K 41 5
                                    

------------------


BF: Let me go! I never love you! I never did!
GF: Pero sinabi mo na mahal mo ako? Ano iyon? Paano na ako? Paano kung magbunga ang nangyari satin?
BF: Tsssk! Ginusto mo naman diba? Tsaka hindi ka mabubuntis!
GF: Mark, mahal kita! (umiiyak)
BF: Talaga?
(Bahagyang tumango si GF habang patuloy ang pag-iyak)
BF: Then let me go.
GF: Mark bago tayo maghiwalay gusto kong mangako ka.
(Walang tugon)
GF: Na sana kung mamamatay man ako ay huwag kang iiyak. Dahil ayaw kitang nakikitang nasasaktan.
BF: Tsk (napangisi ito sabay tango, as if na iiyak ako)
BF: Alam kong nasa tama kanang pagiisip. Kung magpapakamatay ka man dahil dito. Problema mo na iyon.
(At tumalikod na si BF saka naglakad palayo. Doon natapos ang isang taon nilang relasyon.)
***
Hindi alam ng babae ang kanyang gagawin, siguradong papagalitan siya ng kanyang Ina.
Pagkalipas ng ilang buwan ay nabuntis nga ang babae. Itinakwil siya ng kanyang pamilya ngunit ipinagpatuloy niya parin mabuhay para sa kanyang magiging anak.
Sa isang fastfood chain...
Hindi inaasahang magkrus muli ang landas ng mag ex. Ang lalaki na may kasamang magandang babae. Habang ang Ex-GF ay nagpart time sa isang fastfood chain habang hindi pa halata ang kanyang tiyan.
XGF: Ay naku sorry po.. (Mahinang saad ng babae dahil nalaglag ang dala nitong pagkain)
Ngunit natigalgal ito ng makita ang lalaki sa kanyang harapan na may kasamang babae.
XBF: Jasmin, Is that you? Tumaba ka ata?
New GF: Kilala mo siya? (Tanong nito sa lalaki)
XBF: Yup, by the way she's my ex. (Walang emosyon nitong sambit)
XBF: Kumusta kana? Ito pala si Lorie my new girlfriend. Ahh mauna na pala kami pupunta pa kasi kami sa park. (ulit nitong sambit)
Napaluha nalang si Jasmin, sa katotohanang hindi na sa kanya ang lalaking pinangakuan niya ng pagmamahal. Ang lalaking kumuha ng lahat sa kanya. At kahit ganoon pa man ang nangyari. Umaasa parin itong babalik ito sa kanya.
****
Sa bahay ng Ex BF.
BF: Sino yan! Paano siya nakapasok sa pamamahay ko! Mga baboy kayo!
(Sigaw ng lalaki ng madatnan niya na may ibang kalampungan ang kanyang nobya. Agad namang umalis ang kalaguyo ng babae.)
New GF: Hon le--et me explain. Akala ko kasi hindi ka uuwi ngayon.
BF: So kung hindi na ako uuwi! Okay nang makipaglampungan ka sa iba. My god! Lalaki ako Lorie! Ano sa tingin mo--
(Naputol ang sasabihin niya sana dahil biglang nanikip ang kanyang dibdib.)
New GF: Hon okay ka lang? Hon!
(Isinugod sa hospital ang lalaki at napagalaman na may diperensya ang kanyang puso at kailangan nitong maoperahan.)
***
Sa kabilang banda...
Problemado si Jasmin dahil hindi niya alam kung saan ito kukuha ng pambayad ng ospital dahil sa kanyang panganganak. At naisip niya rin kung paano niya ito palalakihin.
Naluluha ito habang iniisip ang pwedeng mangyari sa kanilang mag ina. Ng biglang nagvibrate ang kanyang cellphone.
XGF: Hello?
New GF: Hello? Si Jasmin ba ito?
XGF: Opo...
New GF: Ako ito si Lorie. Kinuha ko ang number mo sa fast food chain na pinagtratrabahuan mo.
XGF: Ahhhh? (Dahil tuliro ang kanyang isipan ay wala itong maapuhap na salita)
XGF: Bakit ka napatawag?
New GF: Ano kasi, naospital si Mark. Wala kasi akong kilalang kamag anak niya baka kako may alam ka. Maooperahan kasi siya sa madaling panahon kaya kailangan malaman ng kanyang mga kamaganak saka wala kasi akong pera na pambayad sa bill---
XBF: Saan ospital siya?
(Agad na nagtungo si Jasmin sa kanyang XBF dahil parehong ospital lang ang napuntahan nila)
Mayaman ang pamilya ni Mark. At kung sa puder niya lalaki ang anak ko, lalaki itong malusog at makakapag aral ng maayos.
Masakit man sa kanya ang magiging desisyon niyang iyon. Ngunit para saan pa't nabubuhay siya. Wala na siyang pamilyang pwedeng balikan. At alam niya sa isip niyang hindi niya kayang palakihing mag isa ng husto ang anak.
****
Nakausap nito ang mga magulang ng lalaki at sumang ayon naman sila sa kanyang alok. Lingid sa kaalaman nila ang naging nakaraan ng dalawa.
****
Naoperahan nga ang lalaki, at pagkagising nito ay naisip niya ang dati nitong kasintahan. Ang babaeng ibinigay ang lahat sa kanya ngunit sinayang niya lang. Ang babaeng nagmahal sa kanya ng lubos at tinanggap siya ng buo.
Naalala niya ang mga magagandang ala ala nilang magkasama. At nasambit nito...
"Magpapagaling ako at babawiin kita. Ano man ang mangyari, bubuuin kong muli ang relasyon sinira ko." sambit nito sa kawalan.
Nang biglang may pumasok sa kanyang kwarto.
Mother: Gising ka na pala anak? (masayang bungad ng matanda)
BF: Kaninong anak yan?
Mother: Siya si Marco. Meet your Kuya Mark.(sambit nito sa bata)
BF: Kuya?
Mother: Oo mula ngayon magiging kapatid mo na siya.
BF: Saan mo naman napulot ang batang iyan ma?
Mother: Anak ito ng babaeng nagbigay ng puso mo, kapalit ng pangakong aalagaan natin ang anak niya. Look may pagkakahawig kayo anak. Just like you when your still a kiddo diba dad?
Father: Oo. At may iniwan yung babaeng sulat para daw sa lalaking nagmamay ari na ng kanyang puso.
(Saka binigay ng kanyang ama ang isang puting sobre)
Father: Basahin mo.
(Binuklat naman ng lalaki ang sulat maikli lamang ito ngunit sapat na upang magpadaloy ng kanyang saganang mga luha)
Mark,
Kamusta kana diba pangako ko sayo, sayo lang ang puso ko. Natupad kuna mahal ko. Sana Mark gamitin mo ito upang mahalin rin ang batang pinaniwalaan kong bunga ng ating pagmamahalan.
Mark, alam kong kahit nasayo na ang puso ko ay hindi ko parin kayang diktahan ang isip mo. Pero sana mahalin mo ang anak ko at palakihin ng maayos at may mabuting asal.
Pasensya kana, sayo ko na iaasa ang kinabukasan niya dahil batid kong hindi ko iyon kayang ibigay.
At kahit sa huling hininga ko iniisip kong maging tayo ulit. Pero siguro ganun talaga....may mga bagay na hindi para sa atin.
Diba nangako ka rin na huwag kang iiyak kasi ayaw kitang nakikitang nasasaktan ngunit batid kong wala lang din sayo kahit mawala ako.

--------------------------------------------

Nasipagan Si author Niyo....
Hope You Like it. Guys

Sad Stories (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon