Akala ko, mag-cha-chat siya sa susunod na araw. Excited pa man din ako tingnan kung may chat siya, pero wala. Dumaan ang isang linggo, pero wala pa rin.
"Ano ba naman," sabi ko sa sarili ko. "Minsan na nga lang matamaan, taken pa, saglit pa, one-sided pa. Bakit ang hirap humanap ng girlfriend?"
Isang beses, tinitingnan ko lang 'yong profile pictures niya ng boyfriend niya. Hindi ko ba alam kung bakit kahit nasasaktan lang ako. Una, sa mga katulad ko, mahirap intindihin na ang gusto kay ay babae at hindi ko alam kung maiintindihan ba niya kung ano ako.
May itsura ka naman 'yong madalas na rason sa akin, at kapag sinasabi ko sa iba na lesbyana ako, ang sasabihin, Hindi halata, kasi nagdadamit pambabae ka.
Kailangan ko ipaliwanag na hindi lahat ng lesbyana ay astang lalaki. Simple lang naman ang ibig sabihin ng lesbian. Isang babaeng romantically o sexually attracted sa kapwa-babae.
Kahit anong gawin ko, hindi ko talaga madiktahan ang puso ko.
Sinubukan kong "patulan" iyong isang lalaki na nagkakagusto sa akin dati, pero parang hindi tama. Parang mas lalo ko lang niloloko ang sarili ko. Natural, hindi naman 'yon maiintindihan ng iba dahil "wala sila sa sapatos ko."
Pangalawa, may boyfriend siya. Malamang, 50 percent na pusibleng straight siya at hindi siya magkaka-interes sa akin.
O kahit wag na 'yong magka-interes. Kahit 'yong maintindihan na lang niya ako.
Pangatlo, bakit nakakaadik masaktan?
Habang tumitingin ako ng mga litrato niya at tumutugtog sa background ang You are my sunshine, my one sunshine, biglang may lumabas na e-mail notification. Pagpindot ko, nakita ko na isang e-mail galing kay Ms. Mylene, iyong managing editor ko sa isa sa mga publishing company kung saan freelance editor ako.
Mylene Tiangco
to me, Kalmia
Hi Kamille,
Here's your next assignment. I hope you can submit this at the end of the month as we are targetting its release on February, sakto Valentines Day. Isn't it your birthday as well?
Kalmia,
I would like you to meet Kamille. She'll be your editor.
With thanks,
Mylene
Halos hindi ko na maikurap 'yong mga mata ko nang makita ko 'yong e-mail ni Ms. Mylene. Ano ba 'to? Pinaglalaruan ba ng kalawakan ang puso ko?
Kalmia Bie
to Mylene, me
Thank you for trusting my work, Ms. Mylene! I'm really excited! I'll make sure that I'll work closely with Ms. Kamille.
Ms. Kamille,
It's a small world after all. I'm looking forward to working with you!
Sincerely,
Kabi
Nagsusulat pa lang ako ng reply sa e-mail nang biglang tumunog 'yong notification sa Facebook.
Kabi
Ang liit ng mundo!
BINABASA MO ANG
Tibok (Published)
RomanceTila tadhana nang makita uli ni Kayi si Kabi sa isang salo-salo matapos niya itong makasalamuha sa siksikang tren. Sa dami ng kanilang pagkakatulad, nakabuo sila ng natatanging koneksiyon . . . na madaling namang nakapagpatibok ng puso ni Kayi. Mahi...