Bughaw

10.6K 437 504
                                    

Mga alas-diyes na kami nagising pareho. Nauna ata siya nagising dahil pag dilat ko, nakatitig na siya sa 'kin.

"Good . . . morning," bati niya.

Ngumiti ako. "Good morning, Kabi."

Nagulat ako nang hinalikan niya ako sa labi.

"Kinikilig ako," sabi niya. Lalo akong napangiti.

Naligo muna kami parehas. Hindi namin maiwasan ulitin bahagya 'yong nangyari kagabi dahil . . . ewan. Siguro mga isang oras kami sa banyo bago kami lumabas habang tumatawa.

Nagluto kami parehas ng agahan, 'yong mga canned goods lang na nakaimbak sa cabinet sa may kitchen niya. Masaya kaming nagluto ng corned beef at Maling.

"Shit." Tumayo siya bigla.

"Bakit?" nagugulintang kong tanong.

Nakita ko na hinahanap niya 'yong phone niya. Nalungkot ako dahil alam ko namang na "technically," sila pa rin ni Luke. Tapos narinig ko siyang tumawa, medyo may pagka-sarcastic.

"Bakit?" tanong ko.

"Capslock na text ni Mama at Papa. Di kasi ako nagsabi na sa condo ako uuwi."

Nakahinga ako noong 'yon 'yong sinabi niya. Pero di ko na rin maiwasang magtanong, "Si . . . Luke?"

"Walang missed call."

"Gago talaga 'yon." Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit ako. Tingin ko, mas nagalit ako dahil sa kahuli-hulihang saglit, wala pa rin siyang pake kay Kabi.

"Huling text niya ata noong umaga pa noong isang araw. Sabi niya may field work daw sila sa Bicol ata. Tapos baka walang signal. Limang araw siya doon. Simula Huwebes, di na kami nag-usap. Martes ata balik niya. Kakausapin ko na lang pagbalik."

"O—"

"P-pero . . . pwede mo ba akong samahan? Parang hindi ko kaya mag-isa. Bago 'tong lahat sa 'kin."

"Andito lang naman ako."

Nagbuntong hininga siya.

"Bakit? Kabi, ayokong madaliin ka, okay? Alam ko naman na wild and fresh mga feelings natin. Medyo aminado ako na mabilis 'yong kagabi pero . . . totoo naman 'tong feelings ko."

"Alam ko naman," sagot niya tapos niyakap niya ako. Nilagay niya 'yong ulo niya sa ibabaw ng dibdib ko. "Pero natatakot ako. Ang dami kong tanong. Tapos lahat ng sagot, hindi sigurado."

"Hindi naman lahat sigurado."

"Paano kung . . . nabibigla pala ako dahil bago sa 'kin lahat ng 'to? Paano ko sasabihin kina Mama at Papa?"

"Teka, Kabi, isa-isa lang." Hinawakan ko siya sa mga balikat niya. "Di mo naman kailangan sagutin lahat ng tanong nang sabay-sabay. Hinga."

"Natatakot ako . . ."

Niyakap ko si Kabi. Hindi ko alam kung anong mga pinagdaanan niya para matakot siya nang ganito, na sa likod ng pagka-"spontaneous" niya, marami pa rin siyang takot na hindi kayang harapin—tulad ng bigyan ang ibang tao na mahalin siya nang naaayon sa narararapat na matanggap niya.

"Umuwi ka muna sa inyo. Hindi mo kailangan madaliin lahat. Kaya kong maghintay," sabi ko.

"Ako . . . hindi ko kayang maghintay." Kinuha niya 'yong mga pisngi ko at hinatak papunta sa mga labi niya. "Gusto ko na malaman ng buong mundo na mahal kita."

Napangiti ako. "Naalala mo ba noong sinabi mo sa 'kin na masarap siguro ako magmahal?"

"Nagpapahiwatig na kaya ako noon," sabi niya habang natatawa. "Well, ang swerte ko."

Tibok (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon