Indigo

8.3K 391 466
                                    

Unti-unting nag-iba ang kulay ng langit kasama ng paglitaw ng mga bituin at ng buwan.

Ilang beses ko na nakasama si Kabi na mag-stargazing. Paborito niya si Orion dahil siya naman daw ang pinakamadaling makita. Naaalala ko pa ang sagot ko noon:

"Gusto mo naman pala ng mga bagay na medaling makita eh. Eh bakit hindi mo makita na hindi ka tinatrato ni Luke nang tama?"

Kung saan ang sagot niya ay "Love is blind."

Nasaktan ako noon kasi . . . ganoon ba talaga ang pag-ibig? Parang hindi naman. Si Luke lang ang nagturo sa kanya na iyon ang pag-ibig.

Pero ngayong sa akin na siya, iibahin ko 'yon.

Mula sa malayo, may maliit na party na nagaganap sa kabilang resort. Naiinis ako dahil mas gusto kong marinig 'yong alon. Naramdaman ata 'yon ni Kabi at niyaya niya akong sumayaw sa may buhangin. Napangiti lang ako sa kabaliwan niya.

Pero bigla siyang napatigil at nawala kaagad ang mga ngiti niya.

Tumingin ako sa direksiyon na tinitingnan niya at . . . andoon si Luke, may kahawak na kamay na ibang babae. Hindi lang hawak . . . nakaakbay, nakahawak sa baywang. Malayo man sila sa amin, alam naming siya 'yon. Hindi niya kami pansin, marahil dahil hindi naman niya kami inaasahan dito. Una sa lahat, bakit siya andito?

Nakita namin kung paano dakutin ni Luke 'yong pwet ng kasama niya, at itong kasama niya, napatawa pa. Nabasa ko sa mga labi ng babae ang "Ikaw talaga" habang pinalo niya si Luke sa may dibdib.

At kung hindi ba naman masokista si Kabi, pinagmasdan din niya kung paano iharap ni Luke 'yong babae sa kanya, yakapin hanggang sa magdikit 'yong mga katawan nila, at halikan sa labi na parang may dinudukot ata siyang kung ano sa lalamunan ng babaeng kasama niya.

Lumakas 'yong tibok ng puso ko. Nanggagalaiti ako. Napatingin ako kay Kabi na nakatulala na lang na para bang hindi na siya humihinga.

Pasugod na ako nang pinigilan ako ni Kabi sa braso. Hindi niya ata namalayan na sobrang higpit ng pagpigil niya, nasaktan 'yong braso ko. Humingin naman siya kaagad ng tawad, pero ramdam ko sa kanya ang lungkot-hindi man lang galit-sa loob ng puso niya.

"Ano, tutunganga lang tayo?" tanong ko.

Hindi siya sumagot.

"Kabi, no. I won't let him do this to you."

"Saglit lang . . . ," sagot niya. "H-hindi ko na siya . . . mahal . . . pero . . . masakit."

"NATURAL!"

May paghikbi sa gitna ng mga salita niya. Lalong hindi ako nakapagpigil. Hindi ko hahayaan na saktan nitong hayop na lalaking 'to si Kabi. Maghihiwalay na rin lang naman sila, totodohin ko na at ipamumukha ko sa kanya kung gaano siya kawalang-kwentang tao . . . o hayop . . . o baka insulto pa sa mga tunay na hayop na tawagin siyang hayop. Isa siyang antimatter. Lintik!

Bumitaw ako sa hawak ni Kabi at naglakad patungo kay Luke. Hindi ako nagpapigil.

Tinulak ko si Luke nang sobrang lakas, muntik na siya sumubsob sa buhangin. Wala naman akong intensiyon na sugatan siya. Gusto ko lang makuha ang atensiyon niya, pero napalakas ata 'yong tulak ko.

'Yong babaeng kasama niya, hindi ko kilala.

"Who the fuck are you?" sabi ko pa sa babae dahil sa sobrang galit.

"K-Kayi! Anong ginagawa mo d-dito?" tanong ni Luke.

"Anong 'anong ginagawa ko dito'? Nag-u-unwind. Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa Bicol ka, ha?"

Tibok (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon