Bahaghari

10.9K 545 165
                                    

Nang makita ko kaagad si Kabi, napuno ang dugo ko ng pagnanais, handang sumabak sa giyera ng walang kasiguraduhang mapapasaakin siya.

At habang unti-unti ko siyang nakikilala, alam kong naging preso ako ng kanyang mga maiinit na ngiti na kasing ganda ng paglubog ng araw.

Kahit naduwag man ako na harapin ang mga damdamin ko, sa huli, alam kong siya pa rin ang mapapaligaya sa akin, ang magbibigay ng bagong umaga katulad ng pagsikat ng araw.

Habang magkasama kami, ramdam ko ang kasariwaan ng kalikasan. Maihahambing ko ang pakiramdam kapag kasama siya tuwing nakikita ko ang kalikasan. Doon pa lang, alam kong gusto ko siyang maging akin.

Ang lalim ng pagkatao niya ay parang ang langit at ang dagat—walang hanggan. Nabibigyan niya ako ng katahimikan na hindi maibibigay ng kahit sino.

At kahit pa minsan lumalalim ang gabi at nagiging kasing kulay ng langit ng hatinggabi ang buhay naming dalawa, dadating kami sa isang pagtatanto na pinagtagpo kami ng langit.

At mula rito, handa kaming dalawa na mamuno sa isang kahariang puno ng mahika at misteryo bilang dalawang reynang umibig sa isa't isa.

Walang kulay ang pag-ibig, pero alam naming dalawa na makulay ito, at kinukulayan din nito ang buhay namin. Mapasaya, mapalungkot—alam naman namin na kailangan lang namin  kumapit sa kung ano mang tinitibok ng mga puso namin. Ako ay para kay Kabi, at ako—si Kayi—ay para sa kanya.

Dahil sa huli, pagmamahalan pa rin ang magwawagi.

Tibok (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon