Lila

8K 386 193
                                    

Ang dami naming pinag-usapan at pinagplanuhan ni Kabi. Kinakabahan ako na nasisiyahan dahil nagplaplano ako kasama ng isang taong gusto kong makasama habambuhay. Ang sarap sa pakiramdam na matapos ko siyang pinangarap ng ilang taon mula noong nakita ko siya sa isang masikip na MRT, makakasama ko na rin siya sa wakas.

Labag sa loob ko na umalis siya sa kanila, pero ang mga magulang niya mismo ang nagsabi at tinulak siya palabas. Nalungkot ako dahil naging sobrang lapit na nila sa akin tapos ganito ang mangyayari. Sa kanilang mga sariling salita: "Wag na wag kang babalik dito hanggat tunay kang babae."

Nalungkot ako dahil "black and white" pa rin ang pananaw nila sa kasarian. Pero ayoko silang ipilit sa paniniwala ko. Kahit naman ako, ayokong ipilit ang akin.

Umiiyak si Kabi nang tumawag siya sa 'kin. Hindi ako nagsalita. Wala rin ako masabi. Nakikinig lang ako habang nagsusumbong siya ng mga masasakit na salita na sinabi ng mga magulang niya.

"Kayi?" tanong niya.

"Andito pa rin ako."

"Akala ko binabaan mo na ako."

"Gusto kong isuka 'yong salitang sorry."

"Ayoko ngang marinig 'yan. Di naman ako nagsisisi sa desisyon ko, ano ka ba."

"Kundi dahil sa 'kin, hindi ka palalayasin ng mga magulang mo. Hindi ka sana umiiyak nang ganyan-"

"Ano ba . . . sumusuko ka na ba sa 'tin?"

"Siyempre hindi!" sigaw ko sa likod ng telepono. "Kaka-'tayo' lang eh. Nahihirapan lang ako na nahihirapan ka."

"Malungkot lang ako ngayon," sagot niya. "Pero alam ko naman na ngingiti ako pag nakita na kita."

"On time ako, okay? Maghahanda na muna ako. Sabihin mo sa 'kin kung nakasakay ka na."

Naligo ako at nagpaalam kina Mama at Papa na magkikita kami ni Kabi. Cellphone, wallet, at payong lang ang dala ko.


Kalmia Bie

18:21

Nakasakay na ako ng Uber. Nagsend ako ng link para makita mo kung malapit na ako.


Kayi

18:24

Sige. Ingat ka. I love you.

18:43

Saan ka na? Aalis na ba akong bahay?


Kalmia Bie

18:45

Sige, alis ka na. See you!


Pagkalabas ko ng gate, nagulat ako na may sasakyan sa tapat ng bahay namin. Mas lalo akong nagulat nang biglang lumabas si Luke.

"Hey, chick."

Chick? Iniinsulto ba ako nito? naisip ko.

"Hindi ako 'chick,'" sagot ko.

"Eh di sige, tandang. Okay na?" sabat niya. Inirapan ko siya tapos umalis ako, pero hinawakan niya bigla 'yong braso ko. "Teka, nagmamadali ka?"

"Oo. Pupuntahan ko si Kabi-," sabi ko nang malakas, pero hinigpitan niya lang 'yong hawak niya sa 'kin. "Aray! Ano ba, Luke!"

"Lumayo ka nga kay Kabi! Bakit, ano bang balak mo, ha?"

"Anong pinagsasasabi mong balak ko?"

"Gusto mo ko no? Kaya mo kami pinaghihiwalay!"

Tibok (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon