Since ecq, many of you has been messaging me to post the unedit part... so eto na po :) Keep safe. Please don't cringe sa mga errors, I wrote this many years ago na and still can't have the precious time to edit since I started adulting 101. Haha!
—
I woke up feeling happy today. My eyes widened when I saw James. He was intently staring at me and I think I melted. Okay, that was OA pero naiilang pa din ako kahit na dapat sanay na ako na pinapanood niya akong natutulog.
"Goodmorning, dear. I love you." Sabi niya at agad akong hinalikan.
Nagdalawang isip pa ako bago ko tinugon ang halik niya kasi naman hindi pa din ako naiimmune kapag hinahalikan niya ako sa umaga.
"And I love you too, Mr. Dela Fuente." Sabi ko matapos niyang pakawalan ang labi ko. "I'm so in love with you, you know that?"
Ginulo niya ang buhok ko at hinalikan ang ilong ko. "I adore you so much. I love you so much. You know that?" Sabi niya habang tumatayo. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at tinulungan akong bumangon din. Niyakap niya ang bewang ko at napatili ako nung binuhat niya ako at idinala sa kitchen. Nang maiupo niya 'ko sa high chair ay hinalikan na naman niya ako.
Tinulak ko siya ng marahan. "Hindi pa ako nagtoothbrush ipinunta mo na ako dito sa kusina? Pwedeng maligo muna ako, Mr. CEO?"
Tumawa siya at mabilis niya akong nahalikan sa labi. "I love morning kisses, Trina."
I made a face at tumayo. Nagtungo ako sa stove. "Una ka ng maligo. I'll prepare our breakfast." Sabi ko.
"Uh-huh. I'll better have you for breakfa–"
"James!" Pinandilatan ko siya ng mata.
Tumawa siya at itinaas ang kanyang kamay na parang sumusuko. "Sabi ko nga maliligo na ako, manager. Mainipin ka masyado." Tumalikod na siya.
Ako naman ay nagluto na ng bacon, hotdog at pancake. Parehas kaming no rice for breakfast kaya ganito lang. I made him a mug of coffee and I made myself a cup of tea. Saktong natapos siyang maligo ay natapos din ako sa pagluluto ko.
"Ligo ka na din, manager. Sabay tayong kumain," Sabi niya habang pinupunasan niya ng tuwalya iyong basa pang buhok niya. Hindi ko maiwasang hindi purihin ang mukha niya. Kahit mukhang laging pagod ay ang gwapo pa din.
Tumango ako at nagtungo na sa banyo. Mabilisan lang akong naligo at nagbihis. Lumabas na ako matapos gawin ang aking ritual morning task. Narinig kong may kausap si James sa phone.
"Just give me time, Dad." Narinig kong sabi niya sa problemadong boses. Tapos ay hindi na siya nagsalita dahil pinapakinggan niya 'yung sinasabi nung Daddy niya. Tumango-tango pa siya na animo'y sumasang-ayon sa kausap niya. "Yes, I will. Don't worry. I just really need time and courage. You know it's hard for me, dad." Sabi niya ulit.
I can sense in his tone of voice that he has a problem -- or his dad has a problem. Instinct ko ang nagsabi. May mali at para akong biglang kinabahan lalo na naramdaman ko ang malungkot niyang boses. Matapos niyang binaba 'yung tawag ay umupo na ulit siya sa upuan. Malungkot at malamlam ang kanyang mata na parang may bumabagabag sa kanya.
Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya. Nung nakita niya ako ay biglang nagliwanag ang kanyang mukha. Nginitian niya ako pero nakita ko ang lungkot sa mata niya. Nilapitan niya ako at inakbayan tapos ay hinalikan niya ako sa may sentido ko. Pumikit ako, ramdam kong mahal na mahal niya ako sa ginagawa niyang iyan.
Pagkatapos no'n ay umupo na kami at nagsimulang kumain. Hindi siya nagsasalita kaya hindi din ako nagsasalita. Napapansin ko talaga ang biglaang pagkabalisa ng mga mata niya at ang tipid niyang pananalita. Usually kasi ay siya ang nag-oopen ng topic na mapag-uusapan namin. Hindi siya ganyan dati. Iyong saya sa mga mata niya kaninang umaga ay hindi ko na makita ngayon.
BINABASA MO ANG
His Kind Of Love
General FictionHe need to stop the love he had for her. Seriously, how can he love her perfectly when she was a fiancee of his bestfriend? Mark Kevin Hortaleza needed to back off on their story. Of course, that would be a piece of cake for him. Maliit na panahon...