"Yes, ma. Wa'g po kayong mag-alala, okay na ako. You see?" Sabi ko kay mama pagkatapos ay umikot ako sa harap nila Papa as if showing that I am already healed from the invisible wound that James caused almost three months ago."Okay, then. Bye. Mamimis ka namin anak." Sabi ni mama tapos ay niyakap na niya ako.
"Mag-iingat ka dito, ha? Pag-isipan mo iyong sinabi namin sa iyo ng mama mo." Sabi ni papa.
Tumango lang din ako at niyakap ko na din siya. Pagkatapos no'n ay nag-check in na sila sa Terminal 1.
I stayed at our province for three months, spent it with my family. I took that time to workout, mentally and physically. I learnt to find inner peace within myself and the only way to emancipate myself from other people is to love myself more, harder this time. Okay na ako pero nakakaramdam pa din ako ng lungkot minsan but I have always reminded myself that I don't need anyone to make myself happy.
"Vanessa! I'm on my way sa'yo!" I shrieked when she answered my call.
I drove away from the airport when my parents boarded the plane going to Canada.
Pupunta muna ako kila Vasha ngayon para sabihin na nandito na ulit ako sa siyudad. May karapatan silang malaman na okay na ako dahil hindi nila ako iniwan noong gabing iyon.
"Okay. Everything's ready. I'm gonna ruin your diet!" Narinig ko ang hagikgik niya.
Nakarating ako sa exclusive subdivision – kung saan nakatayo ang bahay nila Lance – after thirty minutes. Ipinakita ko ang akinh valid ID sa guard. Masyado pala itong exclusive. Hindi naman ako inabisuhan ni Vasha. I just used waze to navigate myself on the way. I did not Google the subdivision.
"Pang-ilang blocks po ang bahay nila Lance Sebastian mula dito?" Tanong ko.
"Malayo pa iyon, ma'am. Liliko ka pa ng pakaliwa sa unang intersection. May makikita kang park doon pagkatapos ay magbilang ka ng tatlong blocks mula sa park at iyon na po ang bahay ni Mr. Sebastian." Paliwanag niya.
Nagpasalamat ako at pinatakbo na ulit ang kotse. Sinunod ko iyong sinabi nung guard. Noong nakarating ako sa park ay nagbilang ako ng tatlong blocks mula doon. Agad kong natanaw ang pink na pintura ng bahay. Napangiti ako. Alam ko na agad na kila Lance iyon dahil favorite ni Vasha ang pink. I can only imagine Vasha's face when she saw the house. Siguro ay sobrang saya niya no'n. Napabuntong-hininga ako. Masaya ako para sa kaibigan ko. Hindi man naging maganda ang kapalaran ko sa pagpapakasal, masaya naman akong naging matagumpay iyon sa iba. Lalo na't sa kaibigan ko pa.
Napansin ko agad ang Raptor at Jeep na naka-park sa labas ng bahay nila. Napakunot ang noo ko, hindi lang ata ako ang bisita nila. I parked parallelled to the Jeep. I looked at the rearview mirror to check myself. I was wearing a pearl white long sleeve blouse tucked in a high-waisted pants. Naka-heels ako. I smiled at myself, I also learnt to love my height!
Nag-doorbell ako sa mataas na gate. Lumabas agad roon ang babaeng naka-uniporme ng asul at puti. Sa bihis niya ay alam kong katulong ito nila Vasha. Nginitian ko sya.
"Trina Acilles po. Kaibigan ako ni Vasha." Sabi ko. Agad akong pinapasok.
Napanganga ako sa bahay na ipinatayo ni Lance para kay Vasha, napaka-elegante nito. Mula sa exterior design hanggang sa interior. Bawat sulok ay talaga namang fully furnished and nice interiored. Nag-lakad pa ako patungo sa porche nila dahil andoon daw sila ni Lance kasama ang isa sa mga kaibigan nito.
Hindi ko alam kung sinong kaibigan ni Lance iyon pero nakakasiguro akong hindi si James iyon dahil alam ko na hindi sila good terms ngayon. Si Kevin naman? Hindi ko alam. Hindi ko na siya nakita simula nung mangyari iyong gabing iyon. I sighed. Sobra kong pinagsisihan iyong ginawa kong pag-sampal sa kanya no'n. Nadala lang ako sa galit ko pero alam kong hindi sapat na dahilan iyon para sampalin siya. I'll deal with him once I saw him. Hindi din ako mapakali sa probinsya no'n kapag naiisip ko siya. I felt like I have unfinished business with him.
BINABASA MO ANG
His Kind Of Love
General FictionHe need to stop the love he had for her. Seriously, how can he love her perfectly when she was a fiancee of his bestfriend? Mark Kevin Hortaleza needed to back off on their story. Of course, that would be a piece of cake for him. Maliit na panahon...