19

12.5K 195 41
                                    

2:30 pm nang makarating ako sa bahay nila Vasha at alas tres pa mag-uumpisa ang kid's party. Busy si Vasha na nag-aayos at nakikipagusap sa planner kaya hindi ko muna sila inistorbo. Pumunta ako sa gazebo para mag-isip kung ano ang tamang salita sa pag-approach kay Kevin. Pinisil ko ang pinky finger ko at pumikit – trying to calm my heart. Iniisip ko palang na kakausapin ko siya ay humahataw na sa kabog ang dibdib ko.

Sa tapat ng gazebo ay ang Olympic sized pool at sa tabi nito ang kiddie pool na punong puno ng makukulay na lobo at cute-sized floating devices. Naisip ko bigla ang kambal ko. Never pa silang nag-birthday na kasama ang Papa nila at hindi ko naman maipagkakailang iyon ang kakulangan ko sa kanila.

I will always remember their birthdays when they always ask about their father and they're excited to open their presents in big boxes as if their father is in there.

Sa bawat birthday nila ay naaalala ko iyon. Kinikirot ang puso ko. I sighed. I'll do whatever it takes to have Kevin on their fourth birthday.

I snapped out on my reverie when someone handed me a hanky. Hinawakan ko ang pisngi ko at naramdaman kong basa ito. I rolled my eyes. I didn't even know that I was crying again.

"You're such a crybaby now." He muttered as he sat on the opposite side of the bench. "How are you, Trina?" He asked as he looked at me.

Hindi ko siya tinignan pabalik. Tinitigan ko lang ang pinky finger ko. "I'm fine, James. Ikaw? How's married life?" Tanong ko ng nakangiti.

I'm cool, sana ay siya din.

Tumawa siya ng pagak. "Don't smile like that. Mas lalo kong pinagsisisihan na pinakawalan kita noon kapag nakikita ko ang mga ngiti mo." Huminga siya ng malalim tsaka ako tinitigan.

I perused his face. Lalo siyang naging mature ngayon dahil siguro sa trabaho. Pansin ko din ang manipis na bigote at mumunting buhok na tumubo sa kanyang panga. It suits him, though. Makisig pa din siya sa soot na ragged pants at puting tshirt.

"Did I make the scene awkward?" He chuckled.

I smiled. "Not that much."

Tumitig ako sa kawalan. Nawala ng pansamantala ang kaba sa dibdib ko.

"I still love you, Trina." Napatingin akong bigla sa sinabi niya. Batid ko ang kalungkutan sa boses niya. "I'm stupid! I shouldn't have said that."

I shrugged my shoulders. I don't care. "You have a wife now."

"Yes, and that sucks."

Nagulat ako nang ipatong niya ang kanyang kamay sa aking kamay na nasa aking kandungan. Malamig iyon at ramdam ko ang kanyang kaba. Wala na akong naramdaman dito katulad ng dati.

Marahan kong iwinaksi ang kanyang kamay. "Don't start James."

Bigo ang kanyang matang tumingin sa akin. "I've watched you from afar. I've waited fo you, Trina. All that I'm asking is a second chance–"

Tumayo na ako pero bago pa man ako makalakad palayo ay hinawakan na niya ang kamay ko ng mahigpit na para bang hindi na niya iyon bibitawan. Alam ko kung ano ang sasabihin niya. He's asking for second chance and we both know na hindi na pwede. Hindi ko na gusting mangyari ulit kaming dalawa.

"Let go, James, you need to understand that you already lost me and I'm never coming back to you." I said.

"Please, Trina. Please. Come back to me, p-please." He said, almost pleading.

I am just controlling my temper. Ayoko lang magalit dahil wala na siyang bilang sa akin. I am not wasting my time and energy to someone like him. I saw how he held back the tears by looking away.  Kinagat ko ang labi ko. Naaawa ako sa kanya pero wala akong magagawa. I don't want to give him false hopes and besides he already lost me when he did not show up at our wedding.

His Kind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon