Pagkatapos ng kasal nila Vasha ay balik sa trabaho ulit. Tambak ang kailangang ayusing inventory at sales report sa parehong branch ng Cupcake Cafe ko. I've expanded my shop 8 months ago at masaya naman dahil nagkakaroon na ako ng mga trusted partners and customers. Binabayaran na din ang shop ko para sa mga events like wedding, debut, launching, and other occasions to offer cakes and different sweets. Kahit na mahirap i-manage yung dalawang branches ng TJ's Tea Bean ay hindi pa din ako nag-hahire ng assistant manager. Ayoko lang kasi. Kaya ko pa naman.
Napatigil ako sa ginagawa ko nang mag-vibrate ang phone ko. Inabot ko iyon at binasa ang mensaheng galing kay James.
James Dela Fuente:
Fetch you later. Gonna tell you something.
Napakunot ang noo ko. Plain text, e? Nakakapanibago naman. Dati kapag magtetext siya, may I miss you, I love you at dear. Pero ba't ngayon wala? Pinagkibit-balikat ko na lang. Baka pagod siya.
Hindi naman kasi madali ang trabaho niya at naiintindihan ko iyon. He's managing two corporations at a time. Matapos kasi siyang mag-propose sa akin ay nagpatayo din siya ng shipping lines na ang sabi niya ay para daw sa future namin. Napangiti ako dahil pakiramdam ko ay secure na kaming dalawa sa isa't isa. Bilang fiancee niya, I need to support and understand him. At ganu'n din naman siya sa akin.
Pinagpatuloy ko na lang ang trabaho ko. Nang medyo malapit na ang out ko ay pumasok naman si Ella sa office ko.
"You have a meeting with the owner of HortaRestau Asian Cuisines at 7pm, Miss T. Hope you don't forget." Seryoso niyang sabi. Malamlam ang kanyang mata at hindi ako sanay.
I nodded. "Mind telling me what's bugging you, Ella?" Sabi ko habang inaayos ko ang mga ginawa kong reports. Alam ko kasing may gumugulo sa isipan niya kaya ganyan siya. Tumingin ulit ako sa kanya nang hindi siya magsalita.
Her eyes started to well up so I came closer to her. I sat down in front of her. I held her hand and squeezed it. Importante na din naman sa akin si Ella, higit na din sa pagiging personal assistant, kaibigan at little sister ko na din s'ya.
"May nangyari sa amin ni MN nung kasal ni Ate Vasha." Sabi niya habang nakayuko.
Huminga ako ng malalim. Hindi na ako magtataka pa, si MN pa. "Then?"
"Since then, hindi na siya nagpaparamdam sa akin..." Humahagulhol na siya kaya lumapit ako sa kanya at ni-tap ang kanyang likod. Hindi ako nagsalita, hinayaan ko lang siya. "...and I'm 2weeks delayed."
Napatigil ako. "What?!"
Lalo siyang umiyak. Tinahan ko siya at kinuhanan ko ng tubig. I'll gonna talk to that bastard! How dare him! Nang nahimasmasan na si Ella ay pinauwi ko na siya. Ako naman ay nag-ayos na din. 6:30 na at kailangan kong magmadali sa HortaRestau. Bagong client namin ang ang sikat na restaurant na iyon. They called us for a meeting para sa opening ng bago nilang branch. And according to Ella, sa isang branch ng HortaRestau sa Ortigas kami magmi-meet ng owner. 20 minutes 'yong byahe mula dito kaya medyo malapit lang.
"Fiona, kayo nang bahala dito. I'll go ahead."
Pagkatapos kong bilinan ang mga barista ay umalis na ako. Nagmadali akong nagdrive. Hindi ko na din alam kung mukha ba akong presentable. Magreretouch na lang ako mamaya.
"The great! Traffic pa!" I muttered as I intertwined my hands, praying na sana makaabot ako sa meeting sa tamang oras. I flinched when my phone vibrated, kinuha ko iyon sa phone pocket ng kotse ko. Natampal ko ang noo ko. Nakalimutan kong susunduin pala ako ni James ngayon, nagmamaktol na naman 'yun panigurado.
"WHERE THE HE–" He cut his question and I heard him sighed. Galit siya, I know it, nagpipigil lang siya. Napangiti naman ako dahil kahit na gusto niyang magmura ay pinipigilan niya ang sarili niya dahil sa akin. He really knows me. I'm not into cussing.
BINABASA MO ANG
His Kind Of Love
Genel KurguHe need to stop the love he had for her. Seriously, how can he love her perfectly when she was a fiancee of his bestfriend? Mark Kevin Hortaleza needed to back off on their story. Of course, that would be a piece of cake for him. Maliit na panahon...