Hanggang ngayon ay hindi pa din nagsi-sink-in sa utak ko 'yung sinabi ni James kanina. Hindi ako nakapag-react agad dahil binitawan niya 'yung kamay ko at umalis na siya harap ko. Hindi ako nakasunod sa kanya dahil nanghina ang tuhod ko sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Something's really bothering me!
"I hugged you so tight as if I don't want to let you go but we both need to let go in order for us to come up."
Ang simpleng english pero ang hirap maintindihan ng sistema ko. Ganu'n pala talaga kapag may mga bagay kang hindi maintindihan. Hindi sapat ang salita lang.
Hindi maintindihan o hindi matanggap?
I shook my head. Pagkatapos ng nangyaring iyon ay bumalik ang sari-saring emosyon sa mga mata ni James. Nag-lunch kami ng walang kibuan. Natatakot akong mag-salita dahil baka maibulalas ko ang mga pagdududa sa isip ko. Ayaw kong bigyan siya ng doubts dahil ayokong pangunahan ang mga bagay.
Huling gabi na namin ni James dito ngayon pero nandito lang ako sa kwarto. Wala si James, may kausap siya kanina sa phone sa living room. Madilim ang aura niya at nagpupuyos sa galit ang kanyang mga mata. Nung nakita ko siya sa ganoonh estado ay bumalik ako sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit ganun ang inaasta niya. Alam kong dahil iyon sa trabaho niya. Pero alam ko talagang may mali.
May mali akong nararamdaman at natatakot akong maging tama ang maling nararamdaman ko.
Bumangon ako at isinandal ko sa headboard ang ulo ko. Iniisip na naman ang sinabi ni James kanina. Baka literal lang talaga 'yung ibig niyang sabihin doon. Oo, literal 'yun. Kailangan talaga naming maghiwalay para maka-ahon kami mula sa dagat. Pero bakit gano'n? Pati sarili ko hindi ko makumbinsi na literal lang iyon. It seems like, it has figurative meaning. I shook my head. I'm being paranoid again.
Pinunasan ko kaagad ang luha ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Nakita ko si James, nakangiti pero malungkot pa din 'yung mata niya. Wala na 'yung madilim na aura niya kanina. Lumapit siya sa akin. He was holding a black silk.
"Come. Let's eat." Sabi niya sa mahinahon na boses. Kinuha ko 'yung inabot niyang kamay at tumayo na ako. Inayos ko muna ang damit ko.
Nung papalabas na kami ng kwarto ay niyakap niya ako mula sa likod. Nakaramdam naman ng kapayapaan ang aking puso. Pwede bang sa likod na lang lagi si James kapag yayakap sa akin para hindi ako nababagabag sa mata niyang puno ng lungkot?
Napatili ako nang halikan ni James ang leeg ko. Narinig ko siyang tumawa kaya napangiti. Pero agad ding napalis iyon nang nilagyan niya ng blindfold ang mata ko.
"J-james! Ano 'to?" The black silk that he was holding was a blindfold, then. Napakunot ang noo ko.
"Hussh. We'll have dinner, dear. I'll hold your hand. Just trust me. Okay?" He whispered in my ear. I groaned when he lick my earlobe. "Laters, dear." Bulong niya.
"You're such a tease, Mr. CEO." I snorted and he chortles.
He started to guide my way. Naramdaman ko ang paglamyos ng hangin sa mukha ko kaya alam kong nandito na kami sa labas. Sana ang lamig ng simoy ng hangin ay ilipad din ang mga nararamdaman ko sa dibdib ko. Sana ganu'n kadali. Tumigil na siya sa paglalakad kaya tumigil na din ako. Rinig ko ang mga tunog ng alon ng dagat. Pagkatapos niyon ay tinanggal niya ang blindfold sa mata ko.
Pinikit ko pa ng mariin ang mata ko dahil foggy ang paningin ko. When I opened my eyes, I awed the view. Sa gilid ng dagat ay may mesang nababalutan ng yellow rose petals na naililipad ng hangin. Ang tanging nagbibigay ng liwanag sa amin ay iyong maliwanag na buwan.
"You like it?" He asked. Kinuha niya ang yellow tulips sa upuan at ibinigay sa akin.
Inabot ko ito at ngumiti sa kanya. "I love it." Sabi ko. James is romantic. James is indeed full of surprises. Akala ko matatapos ang gabing ito na hindi kami nag-uusap. Iyon pala ay may hinanda siyang surpresa sa akin.
BINABASA MO ANG
His Kind Of Love
Ficción GeneralHe need to stop the love he had for her. Seriously, how can he love her perfectly when she was a fiancee of his bestfriend? Mark Kevin Hortaleza needed to back off on their story. Of course, that would be a piece of cake for him. Maliit na panahon...