Chapter 3

14.2K 116 0
                                    

***
Alesha's PoV

"Kailan kaya ako makakaalis dito?" Bulong ko sa sarili ko. Habang nakatanaw sa baba. Kita dito ang iba't ibang gusali. Hayss. Kakaumay!

Matagal-tagal na din ako'ng pumapalagi dito sa condo ng lalaking yun. Naiisip ko lang  na pa'no na kaya ang trabaho ko 'dun? Malamang konti nalang matatanggal na 'ko! Sobrang istrikto pa naman ng manager namin. Ano na kaya ang ginagawa ng mga ka-trabaho ko 'dun? I think medyo stressed na din yun kasi maghapong nakaharap sa sketch pad, laptop, mga damit na kailangan i-desinyo, etc. Eh yung bestfriend ko kaya? Siguro nagtataka na yun kung bakit ako wala. Hayss. Boredom Strike. Psh, kung tinatanong niyo kung may boyfriend ako? Tsk. Asa naman ako! NBSB kaya ako, proud pa 'yan!

May bigla ako'ng naisip kaya dali-dali ko'ng kinuha ang cellphone ko. Ngunit sa kapos na palad, empty battery ako.
Hay litsing buhay! Naibalik na din ni Aeris ang cellphone ko pero League ang langya hindi man lang naisipang i-charge UGH! Kagigil. Tsk Ang sarap mag laslas. Sabagay wala din naman to'ng silbi. Minsan naisip ko na ding magpakamatay pero sa magaling ko'ng kaibigan na si Sophia at sa mala-magic word na salita niya ay bigla ko nalang na realize na..

-Flashback-

Wala na ako'ng silbi sa mundo! Gusto ko ng mamatay! Sabi ko sa sarili ko habang pinagpla-planuhan kung paano ako mag su-suicide.

May ideya naman ang pumasok sa kokote ko.

Bigti na paghihinalaang foul play; tatalon sa mataas na building; mag lalaslas sa pulsuhan; o mag o-overdose?

Ang mas tumatak saakin eh yung bigti na paghihinalaang foul play.

Bumili na ako ng dapat ko'ng kailangan para Oplan Suicide 101 na gagawin ko. Bumili ako ng Ice, pills, lubid, at heater.

Itinali ko sa kisame ng apartment ko ang lubid, kinuha ko ang upuan para sa pag papatungan ko mamaya, isinarado ko lahat ng bintana upang di makapasok ang kahit ano'ng lamig, binuksan ko naman ang heater upang uminit ang paligid. Ininom ko muna ang pills para kung magdadalawang-isip man ako na hindi ituloy o ituloy ito ay madali ko'ng mapagdesisyunan. At nu'ng maayos ang aking ipupuwesto ginulo ko lahat ng gamit ko. Nang matapos sa paggulo, yung Ice naman ay linagay ko sa upuan para malaman nilang isang dihamak na foul play ito kahit suicide. Linakasan ko pa lalo ang heater at para kung tumuntong na ako sa upuan na may yelo ay ang yelo naman ay madaling matunaw dahil sa init at isama pa ang bintana na nakasarado. Tumuntong na ako sa upuan ng bigla namang bumukas ang pinto.

Ang tawa na nakaguhit sa labi ng kaibigan ko'ng si Sophia ay napawi, na lalaki ang mas at parang hindi makapaniwala sa ginawa ko.

"A-Alesha a-anong g-ginagawa m-mo?" Tanong niya na nanginginig.

"Maglalaro" biro ko kahit wala ng oras para sa mga ganyan

"WAAAAAHHHHH!! A-Alesha w-wag naman" malakas na sigaw niya

"WALA NG SILBI ANG BUHAY KO SOPHIA! MABUTI KA PA MAY PAMILYA KA PA PERO AKO WALA NA! WALANG-WALA NA AKO KAHIT NGA NI ISA SA TAO SA MUNDO WALANG NAG-MAMAHAL SAAKIN" Sigaw ko, habang dire-diretso ang pag-agos ng luha ko sa mukha ko.

Lumapit siya sakin bigla naman niya ako'ng sinampal. Na bigla ako dun kaya ang mukha ko ay medyo tumagilid paharap sa kanan.

"Bakit ako Alesha 'di mo ba ako tinuring na pamilya? Isa din ako sa mga taong nag mahal sayo kaya wag mo'ng isumbat na walang tao ang nag-mamahal sayo. DAHIL ANDITO AKO!" Ma-awtoridad ang tono ng boses niya kahit gumagaralgal na ito.

Napatigil ako ng mag sink-in saakin ang sinabi niya. Patuloy parin sa pag-his ang luha ko na parang gripo dahil sa sunod-sunod na agos. M-meron p-pa? Meron pang nagmamahal saakin? Humarap ako sakanya, basang-basa na 'din ang mukha niya dahil sa luha niya.

Feels like HeavenWhere stories live. Discover now