Ang kalikasan ay sadyang ipinagkaloob sa atin ng Panginoon upang makatulong sa ating pamumuhay sa mundo. Nariyan ang mga puno at halaman na nagbibigay ng mga pagkain, ang mga ilog at dagat na bukal din ng mga isda at lamang-tubig na pinakikinabangan natin, ang nga kaparangan at kabundukan na may mga mina at troso, bukod pa sa mga ibon at hayop na nabibigay din ng pagkain sa atin.
Sa panahon ngayon, ano na ang nangyayari sa ating kalikasan? Patuloy na itong nasisira dahil sa ating ginagawang pang-aabuso. Ngunit sa biyayang tinamasa natin mula sa kalikasan, unti-unti nating nalimutan na may tungkulin din tayo sa kalikasan. Winalang bahala natin ang pinagkukunang ito ng ating ikinabubuhay. Nalimutan nating magtanim ng mga bagong puno at halaman na kapalit ng mga kinuha natin. Gumamit tayo ng mga paraang nakakapinsala tulad ng dinamita at pinong lamambat, sa panghuhuli ng mga isda. Naging dahilan nito, ang pagkamatay ng maliliit na isda. Hinuli natin ang mga ibon at hayop sa kagubatan na dapat sana ay tinulungan nating dumami ang lahi. Sinunog din natin ang mga kabundukan para taniman ng palay na ang naging kapalit ay mga unos, gaya ng baha, at pagguho ng lupa.
Naging tagapagwasak tayo ng kalikasan sa halip na tagapag-alaga. Ngayon ay nararanasan na natin ang ganti at bagsik ng kalikasan. Umiinit na ang panahon dahil sa kawalan ng lilim ng mga puno. Natutuyo na rin ang mga sapa at ilog. Malimit ang pagbaha. Kulang na tayo sa mga pagkain tulad ng mga prutas at gulay. Mahina na rin ang mga aning nakukuha sa ating mga palayan dahil sa matagal na tag-init at kasalatan sa patubig. Dahil dito, uma-angkat na tayo ng bigas.
Nararapat na tayong kumilos ngayon habang may natitira pang yaman sa ating kalikasan. Isipin natin ang darating pang henerasyon na wala nang makikitang mga puno at ibon sa paligid.
Harapin natin ang ating tungkulin bilang tagapag-alaga ng ating kalikasan.
A/N: Don't forget to tap the star ⭐️ Button to Vote. Vote and Comments are highly appreciated 😀.
Enjoy!!!
BINABASA MO ANG
Editorial - Editoryal
Non-FictionPAGSUSULAT NG EDITORYAL Sa paanong paraan mo maipahahayag ang iyong opinyon o pananaw? Pasalita, Pasulat o Pagguhit? Bilang isang manunulat, lahat ng iyan ay aking ginagawa ngunit isa lamang ang aking parating ginagamit ang Pasulat. Ikaw? Manunulat...