EDITORYAL - Basura'y wakasan, sanhi ay sakit ng Inang Kalikasan

7.2K 27 1
                                    

Sa kasalukuyang panahon, ang basura ay isa sa mga matinding problema sa ating kapaligiran. Saan man tayo pumunta, at sa bawat lingon natin ay maaaninag ang gabundok na basura na tila naging palamuti na ng ating kapaligiran, kung kaya't hindi ito maganda at kaaya-ayang tignan sa ating paningin.

Ang basura ang siyang unang pinang-gagalingan ng sakit dahil sa mga mikrobyong mayroon ito na maaring maka-apekto sa ating kalusugan. Ito ay maaaring maging sanhi ng mga kalamidad gaya na lamang ng pagbaha na nararanasan sa iba't ibang lugar dahil sa kawalang disiplina ng mga tao na sa simpleng pagtapon lamang ng basura ay hindi magawa- gawa, gaano man ito kalaki o kaliit basura pa rin yaon.

Kung patuloy pa rin nating pinaiiral ang mga gawaing ito, ang kapayapaan at kaayusan ay hindi natin matatamasa. Masisira lamang ang ating Inang Kalikasan at magdudulot ng kapahamakan sa bawat isa. Maiiwasan natin ang pagdating ng mga kalamidad kung aalagaan natin ang ating kapaligiran. Huwag nating hayaang masira ang ating mga likas na yaman katulad ng ating mga kagubatan at mga katubigan. Dapat rin tayong makiisa sa mga proyektong naglalayong pangalagaan ang ating kapaligiran. Iwasan natin ang pagtatapon  ng mga basura sa mga ilog at kanal dahil ito ang karaniwang sanhi ng pagbaha. Pati na rin ang pag-iwas sa pagputol ng mga puno para maiwasan ang  pagguho ng lupa (soil errosion) at biglaang pagbaha (flash floods). Hikayatin din natin ang ating mga kababayan na makiiisa sa mga proyektong ito na naglalayong pangalagaan ang ating kapaligiran.

Nararapat lamang na baguhin natin ang ating mga ugali para maging malinis ang ating kapaligiran. Ihiwalay ang basurang nabubulok at di-nabubulok, iwasan sana natin magtapon kahit saan. Dapat magtapon tayo sa tamang tapunan, upang umunlad ang ating bayan.

Ang Basura na nagsasanhi ng lason at maaring sugpuin gamit ang "Disiplina, Pagkakaisa, at Modernisasyon". Magsisimula sa atin ang pagbabago na siyang magiging gamot upang makaalpas mula sa sakit na sanhi ng basura.
Ang DISIPLINA, kung simula't sapul ay tinatapon natin sa tamang basurahan ang mga ito ay hindi natin mararanasan ang gabundok na basura. Dulot nito ay pagkabaha, pagkasakit, at polusyon na mas lumalagas ng maraming buhay.
Ang PAGKAKAISA, kailangan nating kumilos na may iisang layunin. Ang mahirap sa atin maraming opinyon pero walang kongkretong plano, kung kaya't walang kilos na naisasagawa.
Ang pagyakap sa MODERNISASYON sa magandang paraan. Gamitin natin ang teknolohiya para sa ikakaganda ng ating mundo. Gaya sa ngayon hikayatin natin na mahalin ang kalikasan, baguhin ang kapaligiran para sa susunod na henerasyon.

Bagama't ang tatlong ito ang "Disiplina, Pagkakaisa, at Modernisasyon" ay isang tunay na kaibigan. Huwag sanang mawalan ng interes bagkus, mahalin at alagaan natin ang Inang Kalikasan upang makamit ang maganda at maayos na pamumuhay tungo sa magandang kinabukasan.

A/N: Don't forget to tap the star ⭐️ Button to Vote. Vote and Comments are highly appreciated 😀.
Enjoy!!!

Editorial - Editoryal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon