Ang bansang Pilipinas ay isa sa pinakamayamang bansa sa Asya, hindi mayaman sa salapi pero maunlad sa likas na yaman. Hindi lamang ginto ang maituturing na kayamanan kundi maraming kayamanan na ating nakikita sa paligid tulad na lamang ng---Kalikasan. Ngunit ito ba ay napapangalagaan natin sa araw-araw?
Tayong mga tao ay nilikha ng Puong Maykapal upang pangalagaan at pagyamanin ang kaniyang mga nilikha. Sa kapaligiran, dito tayo kumukuha ng ating mga pangangailangan, mga pagkain, mga kagamitan at iba pa upang tayo ay mabuhay. Ang lupa na ating tinatapakan, ang tubig na ating iniinom at ang hangin na ating nilalanghap ay mula sa Maykapal. Subalit maraming mga unos, bagyo, at kalamidad ang ating nararanasan sa bawat takbo ng panahon. Dahil na rin sa maling pamamaraan na gawa ng tao sa pangangalaga sa ating kalikasan at hindi rin nila ito pinahahalagahan.
Nagbabago na ang klima ng mundo at ang sabi pa ng mga eksperto ito ay dahil sa pagsira ng tao sa kalikasan. Nakapagtatakang kahit sa panahon ng tag-init ay may mga pagbahang nagaganap at pagguho ng lupa. May mga bagyong nagaganap na sumisira ng mga ari-arian at pumapatay sa maraming tao.
Marami ng nangyayari sa ating mundo at isa sa mga malalaking suliraning kinakaharap ng ating bansa ay ang pagka-ubos ng mga puno. Isa sa mga dahilan ng problema ng ating bansa ay ang paglalagay ng iba't ibang estraktura sa iba't ibang dako ng mundo. Nasisira ang kalikasan nang dahil sa pagsunog ng mga puno at inaabuso pa nila ito.
Nasisira ang kalikasan dahil sa kasakiman mismo ng tao. Dito sa Pilipinas, may batas pero hindi maipatupad. Hindi nakapagtataka na masira ang likas na yaman ng bansa dahil sa walang kakayahang pagpapatupad ng batas. Kawawa naman ang mga susunod na lahi na maaaring wala nang mundong titirahan.
Nararapat lang na alagaan at ingatan natin ang kalikasan upang manatiling masagana sa panghanapbuhay. Dito sa ating ginagalawan ang lahat ng bagay ay hiram lang natin sa Panginoon pati ang buhay natin. Obligasyon nating maalagaan at manatiling kagandahan ang ating kalikasan.
Huwag nating kalilimutan na tayo ang pangunahing sanhi ng mga kalamidad, kaya tayo rin ang kailangan kumilos para maiwasan ang mga kapahamakan.
A/N: Don't forget to tap the star ⭐️ Button to Vote. Vote and Comments are highly appreciated 😀.
Enjoy!!!
BINABASA MO ANG
Editorial - Editoryal
No FicciónPAGSUSULAT NG EDITORYAL Sa paanong paraan mo maipahahayag ang iyong opinyon o pananaw? Pasalita, Pasulat o Pagguhit? Bilang isang manunulat, lahat ng iyan ay aking ginagawa ngunit isa lamang ang aking parating ginagamit ang Pasulat. Ikaw? Manunulat...