Chapter 19: Memories of Love

269 9 0
                                    

Josh POV

Sa wakas nakauwi rin sa bahay nila Bel, kaso kulang, kalungkot naman makita mo wala ang taong nakakapagpasaya sayo dito..

"Don't worry Bro! We will save her!" akbay sakin ni Rick

"Thanks Bro!" sabi ko

"Kaya nga Josh! Matulog ka na ng maaga para maaga tayo makalipad bukas pa New Jersey para mailigtas mo na ang iyong soon to be girl and not long soon to be Mrs. Diones! Ayiiieh! " asar na talaga ngayon si Jacob

"Loko! Matagal pa yun soon to be Mrs. Diones noh! To be my girl ulit muna! Di naman ako nagmamadali! " sabi ko

"Hay nako! Tama na asaran at magsitulog na at maaga pa tayo bukas, buti na lang kumain at nakapagplano na tayo para bukas! Goodnight na! Bye Jacob! " beso beso ni Bel kay Jacob

"Ayiieh! Yayaain mo na magpakasal! Antagal tagal nyo kaya! " banat namin sabay ni Rick kay Jacob

"Lakas nyo rin mang trip noh! Bye bye na! " ayun nag wave bye bye na si Jacob at dumeretso na sa taas si Bel

"Oh pano bro! Una na ko sa taas lock mo yang pinto! Night! " sabay karipas ng takbo ni Rick sa taas

After ko ilock ang pinto, umakyat na rin ako sa taas, papasok na sana ako ng guest room ng mapansin ko ang isang room sa tabi ng guest room na tinutulugan ko

"Bambi's Room" binasa ko yun name plate na nakasabit sa pinto ng kwarto..

"Gusto mo ba makita ang loob? " biglang nagsalita si Bel sa likuran ko at nag nod ako..

Pinapasok ako ni Bel sa Room ni Bambi..

"Alam ko namimiss mo na ang may ari ng kwarto to kahit ako namimiss ko na rin sya kahit saglit pa lang sya nawawala.." sambit ni Bel

"Parang kwarto rin nya sa Pilipinas, mas malaki nga lang ito " buntong hininga ko

"Kung gusto mo dito ka muna mag senti alam ko, mahal na mahal mo sya higit pa sa buhay mo, sige dito ka muna magsenti lalabas muna ako, saraduhin mo nalang pag lalabas ka na" sabi ni Bel at naglakad sya palabas

"Bel! " sambit ko

"Hmm?" si Bel

"Salamat! " sabi ko

"Wala problema Josh, importante ka sa kapatid ko at ganun sya sayo, kaya mahalaga ka rin sa akin at sa barkada" sambit ni Bel tuluyan ng lumabas ng kwarto ni Bambi

Napakasimple at maayos ang kwarto ni Bambi, kahit may malaki syang flat screen TV, at may desktop at walk in closet, still simple parin parang sya..

May isang mini veranda ang kwarto nya at pumunta ako don, may nakita ako isang small table at upuan, maganda ang view kita mo ang buwan, naupo ako don at tumingin sa mga bituin sa taas..

"Bambi alam ko hinihintay mo ako, pangako ililigtas kita sa Alvin na yan "

New Jersey..Same time Night time

"Nandito na tayo" si Alvin sabay lapag ng gamit

"Anong lugar to? " si Bambi

"Uhm..eto ang beach house namin, nasa New Jersey tayo, feel at home Bambi" say ni Alvin

"Masaya ka ba na nakuha mo na ako?" malungkot na tanong ni Bambi

"Syempre naman! Finally! " masayang sambit ni Alvin

"Kahit alam mo iba ang mahal ko? " sabi ni Bambi

"Soon Bambi matutunan mo rin ako mahalin" sabi ni Alvin

Tween Barkada: The Reunion  [Book 1, 2 & 3]Where stories live. Discover now