BOOK 3: Years Passed

132 12 3
                                    

Bel's POV

5 years na nakakalipas simula nung di na namin natagpuan sila Josh at Bambi, ilan sa barkada ay ikinasal na, si Christian at Jess, si Diego at Ashlee, si Leslie at Uno, Chris at Aya na ngayon ay may 2 year old daughter na si Maria Chrisana C. Soriano, si Chloe at Maximo, ang mag parekoy ay ikinasal na rin, si Rick at Luisa ikinasal na rin 2 weeks ago, at syempre ang nauna sa altar ay ngayon ay may 3 year old son na si  John Joshua S. Perez, anak nila Robin at Kara, isinunod talaga nila ang second name ng anak nila kay Josh, syempre malapit na kaibigan ng dalawa si Josh and of course si Bambi kaso wala sila sa mga importanteng araw ng barkada, well halos lahat sila ay ikinasal na at pamilyado na, ako at si Jacob, si Josh at Bambi nalang ang di kinakasal, sino pang nauna ma engaged sya pa ngayon ang di pa kasal, but  Jacob understands na gusto ko kapag ikinasal ako nandito si Bambi at Josh..Well ganun talaga ang tadhana, pero naniniwala ako na makikita namin sila...

Fortez Residence (California)

Like what barkada always do, nakatambay sa amin ang lahat, syempre ang ChrisAya bitbit ang kanilang little girl na si Chrisa at syempre ang tweeny nila Josh at Bambi na si Kara at Robin kasama ang kanilang little boy na si JJ short for John Joshua..

Nasa tree house kami barkada nagkukwentuhan..

"So Robin, kumusta naman ang pagiging Hubby/Daddy kay Kara at JJ?" interogate agad ni Rick

"Well, bilang Hubby sa aking Reyna, mabuti naman, she always made my everyday so special.." umienglish si Robin

"Compliment ba yan.." biro ni Kara

"How about kay JJ?" sumabat na ang other half ni Rick na si Luisa

"Well, medyo mahirap, kasi sa age ni JJ na 3 years old, age na kalikutan at kakulitan, pero na mamanage naman.." say ni Robin

"Weh, ang sabihin mo itong anak mo ang kulit kulit kapag wala ka, kapag dumating ka na galing work ayan, bumabait na.." react ni Kara habang pinapalitan ng damit si JJ, gawa basa ng pawis

"Mana pala sa tatay sa kakulitan yan si JJ, Kara, gaya nung mag girlfriend/boyfriend palang kayo, eh kahit nga nung elementary kami nyan ni Robin, makulit na yan, naging ermitanyo lang nung high school.." pagbubuking ni Christian at Maximo

"Grabe mangbuking guys, iba.." say ni Robin

"Mommy, mana po pala ako kay Daddy sabi ni Ninong Max at Ninong Christian.." si JJ

"Yun ang sabi anak ng mga ninong mo, di ko nga alam na ganon pala ang Daddy mo.." say ni Kara sa kanyang little boy

"Ang cute talaga ng anak nyo Kara at Robin, ang daldal.." masayang banggit ko

"Kumusta na kayo Bel?" si Chloe

"Well, eto kinakaya kahit mahirap para sa akin, kahit 5 taon na ang nakakalipas na wala dito ang kapatid ko.." paliwanag ko

"Kaya pala hanggang ngayon ayaw mo pang magpakasal?" si Chris habang pinapatulog ang kanilang little girl na napagod sa kakalaro kasama si JJ

"Oo, gusto ko kasi nandito sila Bambi kapag ikinasal ako.." say ko

"Naiintindihan ko naman si Bel, maski ako gusto ko nandito rin sila sa kasal namin ni Bel.." si Jacob

"Kumusta na kaya sila Josh at Bambi?" si Maximo

"Saang lupalop kaya sila dinala ng bruhildang Alexa yun.." si Leslie

"Kung di talaga dahil sa Alexa yun eh di sana Kasal na tayong lahat pati yung dalawa.." si Robin

"Bayamuna guys..darating din ang araw na makikita at makakasama ulit natin sila..at mabubuo rin tayong barkada.." pag aasurred ko sa kanila..

===================================================

Book 3 Tweeners... Keep supporting!

  = Zel_25=

October 31, 2018

Tween Barkada: The Reunion  [Book 1, 2 & 3]Where stories live. Discover now