B3: Chapter 1: Muling Pag-Uusap

162 13 0
                                    

Josh' POV

5 years na akong nakakulong sa piling ng babaeng di ko kailanman minahal, kahit di naman ako kasal  sa babaeng to, di ko talaga gusto na makasama sya..

"Josh!! 5 limang taon na tayong nagsasama!? Bakit ayaw mo pa rin magpakasal sa akin?" magpapakamatay na lang ako bago kita pakasalan

"Ewan ko.." simpleng sabi ko

"Anong ewan ko!? Wag mong sabihin.." bulalas ni Alexa

"OO!!! I'M STILL IN LOVE WITH HER AND IT WILL NEVER CHANGE!!!" pasigaw ko sa kanya at nakatikim ako ng malutong na sampal galing sa kanya

"Hanggang ngayon pa rin ba!!!? Si Bambi pa rin!!!!!? 5 years na Josh!! Sya pa rin!!!?Kaya ayaw mo akong pakasalan hah!!!!" nanggagalaiti sa galit si Alexa

"Alam mo naman pala ang dahilan nagtanong ka pa.." banat ko sa kanya

"Josh!! Ano bang meron sa babaeng yun na wala ako hah? Tell me!!!!" tanong ni Alexa

"Opposite of what you are acting now!!" sabi ko

"What do you mean?" say ni Alexa

"Kabaliktaran ng ugali mo, yun ang wala ka, na meron sya, si Bambi, mabait, mapagmahal, may takot sa Diyos, at higit sa lahat, she loves me for who and what I am.." paliwanag ko sa kanya

"How dare you!!!!" si  Alexa

"Me? How dare me? Di ka ba nagsasawa sa akin..limang taon na oh, bat ayaw mo pa akong pakawalan hah?" say ko

"It will never happen.." sabay talikod sakin

"Where's my phone?" tanong ko

"Bat ko sasabihin?" tigas ng babaeng to ha

"Pati ba naman sa phone ko wala na akong karapatan.." sabi ko

"Baka kung sino pang tawagan mo dyan, teka nga mabura nga ang list dito.." sabi ni Alexa sabay labas ng cellphone ko, kung kaya mong mabuksan hah..

"Bakit ayaw mabuksan!!! May password.." inis na sabi ni Alexa

"Tignan mo 5 limang taon mo ng hawak ang cellphone ko, di mo pa rin nabubuksan grabeh!" sabi ko, limang taon binuro ang phone sa safe nya

"Anong password nito?" tanong nya

"Bat ko sasabihin manigas ka, makita mo mga text namin ni Bambi, mamatay ka pa sa selos.." sabi ko, mang inis ba..

"Ang ganun!!!" ibabagsak na nya ang phone ko, whatever

"Ibagsak mo yan, di yan masisira.." pang asar ko, eh sa totoo naman

"Ughhhh!!!! Banas!!!" ibignasak ang phone ko sa mesa at nag walk out

"Yan nagsawa rin.." sabi ko habang nagmumuni muni sa sofa ng maisipan kong kunin ang phone ko at dinial ang number ng may loves, pano ko naman matatawagan eh 5 years ago kinuha sakin ni Alexa ang phone kaya here is my chance to talk to her..

Dial My Sweetheart....********

Bambi's POV

5 YEARS!!!! NA!!!! Ano ba tong parusang to!!!??? Bakit ayaw pa akong patayin ng babaeng yun..limang taon na akong nangungulila sa ate ko, kay Josh sa barkada, hanggang ngayon nakakulong pa rin ako sa busit na resthouse na to sa Vancouver..Ugh!!!  Kinuha pa sa akin ang phone ko saan kaya yun? San kaya itinago ng mga impaktong alipores ni Alexa, bantay sarado pa ako sa labas ng kwarto ng...

Ring............

(Ringtone: Way Back into Love)

Teka?  Phone ko yun ah..at ang tunog ay nanggagaling sa..Pinggo!!!!! Nandito ka lang pala sa ibabaw ng bookshelves hah..ng maabot ko ang phone ko thank God walang nakarinig sa ginawa kong move..dali dali akong pumasok ng C.R. kasi dun lang nila ako di pwedeng gwardiyahan, mahiya sila noh private na yun..

Calling....My YAM...*********

Halos mapaiyak ako sa tuwa dahil after 5 years makakausap ko na rin sya..

"Hello?" sagot ko..

"Bambi..ikaw ba yan?" si Josh nga...kilala ko ang boses nya

"Josh!!! Si Bambi to!!!" maluha luha kong sabi, syempre namiss ko tong taong to bigtime

"Bambi!! Kumusta ka na? Alam mo naman na miss  na miss na kita.." Josh naman eh, lalo tuloy akong naiiyak nyan

"Josh, miss na miss na miss na kita bigtime.." sabi ko, tears of joy

"Buti okay ka lang, pinahihirapan ka ba ng mga alipores ni Alexa.." tanong nya

"Hindi naman, okay lang ako, ikaw ano ng nangyari sayo? Baka nagpakasal ka na sa Alexa yan at iniwan mo na ako.." sabi ko, lungkutan portion

"Grabe sya, hindi noh dahil Ikaw lang.." sabi ni Josh

"Ang Mamahalin, Charles ikaw ba yan.." sabi ko

"Yung kamukha ko, syempre naman.." hangin ah..

"Hangin Josh ah.." biro ko

"Miss mo kacutan ko noh.." bumanat pa si singkit, kaya until now love na love ko to eh

"Oo na Joswe.." masayang sambit ko

"I Love you, my Sweetheart..to Infinity and Beyond" say ni Josh, kilig naman si ako

"Grabeh, Infinity and Beyond talaga.." sabi ko

"Walang Forever eh, kaya Infinity and Beyond.." hilig talagang pumikap line ni Mahal

"I Love  You too!! My Engineer Josh Diones, to infinity and beyond.." saad ko..

"Teka saan ka itinago ni Alexa?" tanong nya bigla

"Nandito ako sa resthouse ni Alexa sa Van--" bago ko pa masabi ay biglang naputol ang linya

Back to Josh's POV

"I Love You too!! My Engineer Josh Diones, to infinity and beyond.." finally narinig ko na ulit ang mga katagang iyan mula sa aking pinakamamahal na prinsesa

"Teka saan ka itinago ni Alexa?" tanong ko bigla

"Nandito ako sa resthouse ni Alexa sa Van--" bago nya masabi ang lugar ay biglang may humablot ng phone ko at pinatay, shete!!

"Sino to hah?" sabi ni Alexa, pesteng babaeng to panira ng moment..

"Tanga ka ba, o nagtatanga tangahan lang, alam mo naman kung sino lang tatawagin ko diba.." asar talaga tong babaeng to, kung di lang sya babae, nasapak ko na to, mapilit

"Isa pang suway Josh!! I will force you to a compulsory marriage with me!! Tandaan mo yan" banta sakin ni Alexa

"Or else?" tanong ko

"Paglalamayan mo ang pinakamamahal mong si Bambi.." nagpanting ang tenga ko sa sinabi ni Alexa

"Wag na wag mong gagalawin si Bambi" sabi ko

"Kaya kayang ko gawin ang kahit ano kay Bambi dahil hawak ko sya sa leeg" sabi nya

"Kung ganon, edi patayin mo na rin ako, mas mabuti pa yun kaysa magpakasal sayo, atleast kapag pinatay mo si Bambi, susunod na rin ako, para atleast magkasama na kami sa tahimik na lugar" matapang kong sabi

"Nababaliw ka na ba Josh?" tanong nya, na shock ata sya

"Mababaliw na talaga ako kung di mo ako papakawalan.." sabi ko

"You are really getting on my nerves Josh!!!" inis na naman sya, bahala syang mainis, sabay walk out ulit..hilig mamilit, sya naman tong may ganang mag walk out..talo inis..magsawa ka na sana..

=================================================

Chapter 1 of book 3...Stay tuned..

  = Zel_25= 

November 2, 2018  

Tween Barkada: The Reunion  [Book 1, 2 & 3]Where stories live. Discover now